71 Talata sa Bibliya tungkol sa Bibig, Mga
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti?
Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.
At ikaw ay pinapangumbaba niya, at pinapagdamdam ka niya ng gutom, at pinakain ka niya ng mana, na hindi mo nakilala, ni nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang maipakilala sa iyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawa't bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon.
Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.
Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas.
Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga, at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya.
At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, na papatayin ng Panginoong Jesus ng hininga ng kaniyang bibig, at sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin;
Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.
Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?
At kaniyang sinabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama, at tinupad ng kaniyang kamay, na sinasabi,
At kaniyang sinabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama, at tinupad ng kaniyang mga kamay, na sinasabi,
Na siyang nagingat sa iyong lingkod na kay David na aking ama ng iyong ipinangako sa kaniya: oo, ikaw ay nagsalita ng iyong bibig, at ginanap mo ng iyong kamay, gaya sa araw na ito.
Na siyang tumupad sa iyong lingkod na kay David na aking ama, ng iyong ipinangako sa kaniya: oo, ikaw ay nagsalita ng iyong bibig, at tinupad mo ng iyong kamay, gaya sa araw na ito.
Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak.
Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.
Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain.
Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig. Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.
Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.
Ngayon nga'y yumaon ka, at ako'y sasaiyong bibig, at ituturo ko sa iyo kung ano ang iyong sasalitain.
At sinabi ni Balaam kay Balac, Narito, ako'y naparito sa iyo: mayroon ba ako ngayong anomang kapangyarihan na makapagsalita ng anomang bagay? ang salitang ilagay ng Dios sa aking bibig, yaon ang aking sasalitain.
At sinabi ng babae kay Elias, Ngayo'y talastas ko na ikaw ay lalake ng Dios, at ang salita ng Panginoon sa iyong bibig ay katotohanan.
At kaniyang ginawa ang aking bibig na parang matalas na tabak; sa lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako: at ginawa niya akong makinang na pana; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako:
Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain mo.
At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, kanin mo ang iyong nasusumpungan; kanin mo ang balumbong ito, at ikaw ay yumaon, magsalita ka sa sangbahayan ni Israel. Sa gayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ipinakain niya sa akin ang balumbon. At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, pakanin mo ang iyong tiyan, at busugin mo ang iyong bituka ng balumbong ito na aking ibinibigay sa iyo. Nang magkagayo'y kinain ko, at sa aking bibig ay naging parang pulot sa katamisan.magbasa pa.
At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, yumaon ka, paroon ka sa sangbahayan ni Israel, at magsalita ka ng aking mga salita sa kanila.
Na sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David, na iyong lingkod, ay sinabi mo, Bakit nangagalit ang mga Gentil, At nagsipaghaka ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan?
Ang tiyan ng tao ay mabubusog ng bunga ng kaniyang bibig; sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya.
Sa gayo'y kaniyang inilusong ang bayan sa tubig: at sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Bawa't humimod sa tubig ng kaniyang dila, gaya ng paghimod ng aso, ay iyong ihihiwalay: gayon din ang bawa't yumukong lumuhod upang uminom. At ang bilang ng mga humimod, na inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ay tatlong daang lalake: nguni't ang buong labis ng bayan ay yumukong lumuhod upang uminom ng tubig.
Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti; at ibinigay niya sa kanila ang kanilang pita. Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita, ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan, at hindi na magsusubo pa sa kaniyang bibig uli.
Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae; siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig, at nagsasabi, hindi ako gumawa ng kasamaan.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, ang aking kaluluwa ay hindi nadumhan, sapagka't mula sa aking kabataan hanggang ngayon ay hindi ako kumain ng namamatay sa sarili, o nilapa ng mga hayop; o pumasok man ang kasuklamsuklam na karne sa aking bibig.
Lahat ng iyong kuta ay magiging parang puno ng igos, na may unang hinog na mga igos: kung mga ugugin, nangalalaglag sa bibig ng kumakain.
Datapuwa't sinabi ko, Hindi maaari, Panginoon: sapagka't kailan man ay walang anomang pumasok sa aking bibig na marumi o karumaldumal.
Ay lumalabas akong hinahabol ko siya, at aking sinasaktan, at aking inililigtas sa kaniyang bibig: at pagka dinadaluhong ako ay aking pinapangahan, at aking sinasaktan, at aking pinapatay.
Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha? Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan.
Ganito ang sabi ng Panginoon: Kung paanong inaagaw ng pastor sa bibig ng leon ang dalawang hita, o ang isang putol ng tainga; gayon ililigtas ang mga anak ni Israel na nangauupo sa Samaria sa sulok ng hiligan, at sa mga sedang colchon ng higaang malaki.
Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig, na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon.
Iligtas mo ako sa bibig ng leon; Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako.
Datapuwa't ang Panginoon ay sumaakin, at ako'y pinalakas; upang sa pamamagitan ko ang mabuting balita ay maitanyag ng ganap, at upang mapakinggan ng lahat ng mga Gentil: at ako'y iniligtas sa bibig ng leon.
Ang Dios ko'y nagsugo ng kaniyang anghel, at itinikom ang mga bibig ng mga leon, at hindi nila ako sinaktan; palibhasa'y sa harap niya ay nasumpungan akong walang sala; at gayon din sa harap mo, Oh hari, wala akong ginawang kasamaan.
At ibinuka ng Panginoon ang bibig ng asno, at nagsabi kay Balaam, Ano ang ginawa ko sa iyo, na ako'y pinalo mo nitong makaitlo? At sinabi ni Balaam sa asno, Sapagka't tinuya mo ako: mayroon sana ako sa aking kamay na isang tabak, pinatay disin kita ngayon. At sinabi ng asno kay Balaam, Di ba ako'y iyong asno na iyong sinakyan sa buong buhay mo hanggang sa araw na ito? gumawa ba kaya ako kailan man ng ganito sa iyo? At kaniyang sinabi, Hindi.
Na ang mga ito, sa pamamagitan ng pananampalataya'y nagsilupig ng mga kaharian, nagsigawa ng katuwiran, nangagtamo ng mga pangako, nangagtikom ng mga bibig ng mga leon,
Datapuwa't siya'y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang: na isang asnong pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta.
At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos. At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig.
At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka:
Ang bibig ng matuwid, ay bukal ng kabuhayan: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig, at ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap,
Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos.
Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi.
Ang bibig ko'y mapupuno ng pagpuri sa iyo, at ng iyong karangalan buong araw.
Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; at ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.
Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba; at ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
Aking aawitin ang kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man: aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali't saling lahi.
Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.
Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran, at ng iyong pagliligtas buong araw; sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang.
Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan; hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi, ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating.
Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.
Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan; at ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa.
Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan, at ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan.
Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan: nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay.
Ang kautusan tungkol sa katotohanan ay nasa kaniyang bibig, at ang kalikuan ay hindi nasumpungan sa kaniyang mga labi: siya'y lumakad na kasama ko sa kapayapaan at katuwiran, at inilayo sa kasamaan ang marami. Sapagka't ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng kaalaman, at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang bibig; sapagka't siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo.
Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Bubukhin ko ang aking bibig sa mga talinghaga; Sasaysayin ko ang mga natatagong bagay buhat nang itatag ang sanglibutan.
Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una:
Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi: sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan.
Huwag na kayong magsalita ng totoong kapalaluan; Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig; Sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kaalaman, At sa pamamagitan niya'y sinusukat ang mga kilos.
Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig, bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila;
Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig; ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan; ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan; sila'y nanganunuya ng kanilang dila.
Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti.
Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan, at ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan.
Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis: