40 Talata sa Bibliya tungkol sa Multo, Mga

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Lucas 24:37

Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.

Lucas 24:39

Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

Mateo 14:26

At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay nangagulumihanan sila, na nangagsasabi, Multo! at sila'y nagsisigaw dahil sa takot.

Mga Gawa 19:2

At sa kanila'y sinabi niya, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y magsisampalataya? At sinabi nila sa kaniya, Hindi, hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na Espiritu Santo.

Isaias 29:4

At ikaw ay mabababa, at magsasalita mula sa lupa, at ang iyong salita ay magiging mababa na mula sa alabok: at ang iyong tinig ay magiging gaya ng isang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, mula sa lupa, at ang iyong pananalita ay bubulong mula sa alabok.

Mga Gawa 8:18

Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo, ay inalok niya sila ng salapi,

Mga Gawa 8:15

Na nang sila'y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo.

Mga Gawa 11:15

At nang ako'y magpasimulang magsalita, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo, na gaya naman ng pagbaba sa atin nang una.

Mga Gawa 20:23

Maliban na pinatotohanan sa akin ng Espiritu Santo sa bawa't bayan, na sinasabing ang mga tanikala at ang mga kapighatian ay nagsisipagantay sa akin.

Mga Gawa 1:8
Mga Konsepto ng TaludtodTinatanggap ang EspirituAng Ebanghelyo sa Buong DaigdigSusunod mga Saksi para kay Cristo, MgaAng Katapusan ng MundoJerusalemKaibigang Babae, MgaPagpapalakasKapangyarihan ng Espiritu SantoBautismo sa Espiritu SantoPagiging SaksiPagiging Tiwala ang LoobSamaritano, MgaMisyon ng IglesiaKapangyarihan sa Pamamagitan ng EspirituPagsaksi, Kahalagahan ngKapangyarihan ng TaoDiyos, Kapangyarihan ngKristyano, Bansag sa mgaEbanghelista, Pagkatao ngKalakasan, EspirituwalMisyonero, Panawagan ng mgaTumutulakMga Disipulo, Katangian ng mgaDiyos na MakatarunganPangangaral, Kahalagahan ngSaksi, MgaEbanghelyo, Katibayan ngNagbabahagi ng EbanghelyoEbanghelista, Ministeryo ngMisyon ni Jesu-CristoSa mga Judio UnaJesus, Kanyang Pahayag tungkol sa EspirituPatotoo para sa DiyosAnong Ibibigay ng DiyosEbanghelyo, Pagpapasa saAng Banal na Espiritu sa IglesiaPag-ebanghelyo, Udyok saPagsaksi at ang Banal na EspirituMisyonero, Tulong sa mgaPagpapala, Espirituwal naKinasihan ng Espiritu Santo, Layunin ngApostol, Ministeryo ni Cristo sa Lupa kasama ang mgaPananagutan sa Daigdig ng DiyosBiyaya at Espiritu SantoApostol, Tungkulin ng mgaSaksi para kay Jesu-Cristo, MgaBayan ng Diyos sa Bagong TipanPakikipag-ugnayanApostol, Tungkulin sa Sinaunang Iglesia ng mgaHininga ng Diyos

Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

Mga Gawa 10:44

Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita.

Job 13:19

Sino ang makikipagtalo sa akin? Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a