8 Talata sa Bibliya tungkol sa Nagtitiwala sa Mapanlinlang na mga Bagay
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam, at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba.
Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili: sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya.
Huwag kayong magsitiwala sa mga kabulaanang salita, na nangagsasabi, Ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ay ang mga ito.
Narito, kayo'y nagsisitiwala sa mga kabulaanang salita, na hindi mapapakinabangan.
Ito ang iyong kapalaran, ang bahaging sukat sa iyo na mula sa akin, sabi ng Panginoon; sapagka't iyong nilimot ako, at tumiwala ka sa kabulaanan.
Nang magkagayo'y sinabi ng propeta Jeremias kay Hananias na propeta, Dinggin mo ngayon, Hananias; hindi ka sinugo ng Panginoon; kundi iyong pinaasa ang bayang ito sa kasinungalingan.
Ikaw ay magsugo sa kanilang lahat na nasa pagkabihag, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na Nehelamita. Yamang nanghula si Semaias sa inyo, at hindi ko sinugo siya, at kaniyang pinatiwala kayo sa kasinungalingan.
At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan: