10 Talata sa Bibliya tungkol sa Paghahalintulad sa mga Bagay

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Panaghoy 2:13

Ano ang aking patototohanan sa iyo? sa ano kita iwawangis, Oh anak na babae ng Jerusalem? Ano ang ihahalintulad ko sa iyo, upang maaliw kita, Oh anak na dalaga ng Sion? Sapagka't ang iyong sira ay malaking parang dagat: sinong makapagpapagaling sa iyo?

Mateo 18:23

Kaya't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang hari, na nagibig na makipagusap sa kaniyang mga alipin.

Mateo 13:24

Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid:

Mateo 13:31

Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang butil ng binhi ng mostasa, na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kaniyang bukid:

Lucas 13:18

Sinabi nga niya, Sa ano tulad ang kaharian ng Dios? at sa ano ko itutulad?

Mateo 20:1

Sapagka't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan.

Mateo 25:1

Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake.

Lucas 13:20

At muling sinabi niya, Sa ano ko itutulad ang kaharian ng Dios?

Mateo 25:14

Sapagka't tulad sa isang tao, na nang paroroon sa ibang lupain, ay tinawag ang kaniyang sariling mga alipin, at ipinamahala sa kanila ang kaniyang mga pag-aari.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a