11 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Paghingi ng Pahintulot

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Job 1:9-11

Nang magkagayo'y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Dios? Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa't dako? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain. Nguni't pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin mo ang lahat niyang tinatangkilik, at itatakuwil ka niya ng mukhaan,

Mateo 8:30-31

Sa malayo sa kanila ay may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain. At namanhik sa kaniya ang mga demonio, na nangagsasabi, Kung kami'y palalayasin mo, ay paparoonin mo kami sa kawan ng mga baboy.

Juan 19:38

At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jose na taga Arimatea, palibhasa'y alagad ni Jesus, bagama't lihim dahil sa katakutan sa mga Judio, ay namanhik kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus; at ipinahintulot ni Pilato sa kaniya. Naparoon nga siya, at inalis ang kaniyang bangkay.

Lucas 22:31-32

Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo: Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung makapagbalik ka nang muli, ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.

Santiago 5:17

Si Elias ay isang taong may pagkataong gaya rin ng atin, at siya'y nanalangin ng buong ningas upang huwag umulan; at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taon at anim na buwan.

Genesis 28:19-20

At ang ipinangalan niya sa dakong yaon ay Betel: datapuwa't ang pangalan ng bayan nang una ay Luz. At si Jacob ay nagpanata, na sinasabi, Kung sasaakin ang Dios, at ako'y iingatan sa daang ito na aking nilalakaran, at ako'y bibigyan ng tinapay na makakain, at damit na maisusuot,

1 Samuel 20:6

Kung ako'y punahin ng iyong ama, iyo ngang sabihing, Hiniling na mainam sa akin ni David na siya'y patakbuhin sa Bethlehem na kaniyang bayan: sapagka't siyang paghahain na taonan sa lahat ng angkan.

1 Samuel 20:28-29

At sumagot si Jonathan kay Saul, Namanhik si David na bayaan ko siya na pumaroon sa Bethlehem: At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako; sapagka't ang aming angkan ay may paghahain sa bayan; at iniutos sa akin ng aking kapatid na dumoon; at ngayon, kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay bayaan mo akong yumaon, isinasamo ko sa iyo, at aking tingnan ang aking mga kapatid. Kaya hindi siya naparito sa dulang ng hari.

2 Corinto 12:8-10

Tungkol dito'y makaitlo akong nanalangin sa Panginoon, upang ilayo ito sa akin. At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.

Ezra 3:7

Sila'y nangagbigay rin naman ng salapi sa mga kantero, at sa mga anluwagi; at pagkain, at inumin, at langis, sa kanila na mga taga Sidon, at sa kanila na mga taga Tiro, upang mangagdala ng mga kahoy na sedro na mula sa Libano na paraanin sa dagat, hanggang sa Joppa ayon sa pahintulot na nangagkaroon sila kay Ciro na hari sa Persia.

Never miss a post

n/a