67 Talata sa Bibliya tungkol sa Lihim

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Efeso 5:11-12

At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain; Sapagka't ang mga bagay na ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang.

Deuteronomio 13:6

Kung ang inyong kapatid na lalake, na anak ng iyong ina, o ang iyong anak na lalake o babae, o ang asawa ng iyong sinapupunan, o ang iyong kaibigan, na parang iyong sariling kaluluwa, ay humimok sa iyo ng lihim, na magsabi, Tayo'y yumaon at maglingkod sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo o ng iyong mga magulang;

Deuteronomio 27:15

Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa.

2 Samuel 15:10

Nguni't si Absalom ay nagsugo ng mga tiktik sa lahat ng mga lipi ng Israel, na sinasabi, Pagkarinig ninyo ng tunog ng pakakak, inyo ngang sasabihin, Si Absalom ay hari sa Hebron.

2 Mga Hari 17:9

At ang mga anak ni Israel ay nagsigawa ng mga lihim na bagay na hindi matuwid sa Panginoon nilang Dios, at sila'y nagsipagtayo sa kanila ng mga mataas na dako sa lahat nilang bayan mula sa moog ng mga bantay hanggang sa bayang nakukutaan.

Job 31:24-28

Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa, at sinabi ko sa dalisay na ginto, ikaw ay aking tiwala; Kung ako'y nagalak sapagka't ang aking kayamanan ay malaki, at sapagka't ang aking kamay ay nagtamo ng marami; Kung ako'y tumingin sa araw pagka sumisikat, o sa buwan na lumalakad sa kakinangan;magbasa pa.
At ang aking puso ay napadayang lihim, at hinagkan ng aking bibig ang aking kamay: Ito may isang kasamaang marapat parusahan ng mga hukom: sapagka't itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas.

Awit 10:8

Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon: sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala; ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili.

Kawikaan 9:17

Ang mga nakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap.

Kawikaan 17:23

Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa sinapupunan, upang ipahamak ang daan ng kahatulan.

Isaias 65:4

Na nauupo sa gitna ng mga libingan, at tumitigil sa mga lihim na dako; na kumakain ng laman ng baboy, at ang sabaw ng mga kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan;

Mga Gawa 6:11

Nang magkagayo'y nagsisuhol sila sa mga lalake, na nangagsabi, Narinig naming siya'y nagsalita ng mga salitang kapusungan laban kay Moises at sa Dios.

2 Tesalonica 2:7

Sapagka't ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito.

Pahayag 2:24

Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.

Exodo 8:7

At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon din sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto, at nagpaahon ng mga palaka sa lupain ng Egipto.

Josue 2:1

At si Josue na anak ni Nun ay nagsugong lihim mula sa Sittim ng dalawang lalake na pinakatiktik, na sinasabi, Yumaon kayo na inyong kilalanin ang lupain, at ang Jerico. At sila'y yumaon at pumasok sa isang bahay ng isang patutot na ang pangalan ay Rahab, at nakituloy doon.

Mga Hukom 3:15-26

Nguni't nang dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, ibinangon sa kanila ng Panginoon ang isang tagapagligtas, si Aod na anak ni Gera, ang Benjamita, na isang lalaking kaliwete. At ang mga anak ni Israel, ay nagpadala ng isang kaloob sa pamamagitan niya kay Eglon na hari sa Moab. At si Aod ay gumawa ng isang tabak na may dalawang talim, na may isang siko ang haba; at kaniyang ibinigkis sa loob ng kaniyang suot, sa kaniyang dakong kanang hita. At kaniyang inihandog ang kaloob kay Eglon na hari sa Moab: at si Eglon ay lalaking napakataba.magbasa pa.
At nang siya'y matapos makapaghandog ng kaloob, ay pinapagpaalam niya ang mga tao na nagdala ng kaloob. Nguni't siya nga ay bumalik mula sa tibagan ng bato na nasa piling ng Gilgal, at nagsabi, Ako'y may isang pasugong lihim sa iyo, Oh hari. At kaniyang sinabi, Tumahimik ka. At yaong lahat na nakatayo sa siping niya, ay umalis sa harap niya. At si Aod ay naparoon sa kaniya; at siya'y nakaupong magisa sa kaniyang kabahayan na pangtaginit. At sinabi ni Aod, Ako'y may dalang pasugo sa iyo na mula sa Dios. At siya'y tumindig sa kaniyang upuan. At inilabas ni Aod ang kaniyang kaliwang kamay, at binunot ang tabak mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak sa kaniyang tiyan: At pati ng puluhan ay sumuot na kasunod ng talim; at natikom ang taba sa tabak, sapagka't hindi niya binunot ang tabak sa kaniyang tiyan; at lumabas sa likod. Nang magkagayo'y lumabas si Aod sa pintuan, at sinarhan niya siya sa mga pintuan ng kabahayan, at pinagtatrangkahan. Nang makalabas nga siya ay dumating ang kaniyang mga alila; at kanilang nakita, at, narito, ang mga pintuan ng kabahayan ay nakakandaduhan; at kanilang sinabi, Walang pagsalang kaniyang tinatakpan ang kaniyang mga paa sa kaniyang silid na pangtaginit. At sila'y nangaghintay hanggang sa sila'y nangapahiya; at, narito, hindi niya binuksan ang mga pintuan ng kabahayan: kaya't sila'y kumuha ng susi, at binuksan; at, narito, ang kanilang panginoon, ay nakabulagtang patay sa lupa. At tumakas si Aod samantalang sila'y nangaghihintay, at siya'y dumaan sa dako roon ng tibagan ng bato at tumakas hanggang sa Seirath.

2 Samuel 21:12

At yumaon at kinuha ni David ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak sa mga lalake ng Jabes-galaad, na siyang nagsipagnakaw ng mga yaon sa daan ng Beth-san, na doon sila ibinitin ng mga Filisteo nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa:

Jeremias 13:17

Nguni't kung hindi ninyo didinggin, ako'y iiyak, na lihim dahil sa inyong kapalaluan; at ang mata ko ay iiyak na mainam, at dadaluyan ng mga luha, sapagka't ang kawan ng Panginoon ay nabihag.

Jeremias 38:16

Sa gayo'y si Sedechias ay sumumpang lihim kay Jeremias, na nagsasabi, Buhay ang Panginoon na lumalang ng ating kaluluwa, hindi kita ipapapatay, o ibibigay man kita sa kamay ng mga lalaking ito na nagsisiusig ng iyong buhay.

Marcos 7:24

At nagtindig siya doon, at napasa mga hangganan ng Tiro at ng Sidon. At pumasok siya sa isang bahay, at ibig niya na sinomang tao'y huwag sanang makaalam; at hindi siya nakapagtago.

Juan 7:2-10

Malapit na nga ang pista ng mga Judio, ang pista ng mga tabernakulo. Sinabi nga sa kaniya ng kaniyang mga kapatid, Umalis ka rito, at pumaroon ka sa Judea, upang makita naman ng iyong mga alagad ang mga gawang iyong ginagawa. Sapagka't walang taong gumagawa ng anomang bagay sa lihim, at nagsisikap ihayag ang kaniyang sarili. Kung ginagawa mo ang mga bagay na ito ay pakilala ka sa sanglibutan.magbasa pa.
Sapagka't kahit ang kaniyang mga kapatid man ay hindi nagsisisampalataya sa kaniya. Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Hindi pa dumarating ang aking panahon; datapuwa't ang inyong panahon ay laging nahahanda. Hindi mangyayaring kayo'y kapootan ng sanglibutan; nguni't ako'y kinapopootan, sapagka't siya'y aking pinatototohanang masasama ang kaniyang mga gawa. Mangagsiahon kayo sa pista: ako'y hindi aahon sa pistang ito; sapagka't hindi pa nagaganap ang aking panahon. At nang masabi sa kanila ang mga bagay na ito, ay nanahan pa siya sa Galilea. Datapuwa't nang mangakaahon na ang kaniyang mga kapatid sa pista, saka naman siya umahon, hindi sa hayag, kundi waring sa lihim.

Juan 19:38

At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jose na taga Arimatea, palibhasa'y alagad ni Jesus, bagama't lihim dahil sa katakutan sa mga Judio, ay namanhik kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus; at ipinahintulot ni Pilato sa kaniya. Naparoon nga siya, at inalis ang kaniyang bangkay.

2 Samuel 12:7-12

At sinabi ni Nathan kay David, Ikaw ang lalaking yaon. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Pinahiran kita ng langis na maging hari sa Israel, at aking iniligtas ka sa kamay ni Saul; At ibinigay ko sa iyo ang bahay ng iyong panginoon, at ang mga asawa ng iyong panginoon sa iyong sinapupunan, at ibinigay ko sa iyo ang sangbahayan ng Israel at ng Juda; at kung totoong kakaunti pa ito, ay dadagdagan pa kita ng gayong bagay. Bakit nga iyong niwalang kabuluhan ang salita ng Panginoon, na iyong ginawa ang masama sa kaniyang paningin? iyong sinugatan ng tabak si Uria na Hetheo, at iyong kinuha ang kaniyang asawa upang maging iyong asawa, at iyong pinatay siya ng tabak ng mga anak ni Ammon.magbasa pa.
Ngayon nga'y ang tabak ay hindi hihiwalay kailan man sa iyong sangbahayan; sapagka't iyong niwalan ng kabuluhan ako, at iyong kinuha ang asawa ni Uria na Hetheo upang maging iyong asawa. Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magtitindig ng kasamaan laban sa iyo na mula sa iyong sariling sangbahayan, at aking kukunin ang iyong mga asawa sa harap ng iyong mga mata, at aking ipagbibigay sa iyong kapuwa, at kaniyang sisipingan ang iyong mga asawa sa sikat ng araw na ito. Sapagka't iyong ginawa na lihim: nguni't aking gagawin ang bagay na ito sa harap ng buong Israel, at sa harap ng araw.

Job 13:10

Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao.

Awit 44:20-21

Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios, O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios; Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios? Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso.

Awit 101:5

Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa ay aking ibubuwal: siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.

Awit 139:1-15

Oh Panginoon, iyong siniyasat ako, at nakilala ako. Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig, iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo. Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, at iyong kilala ang lahat kong mga lakad.magbasa pa.
Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo. Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag mo ang iyong kamay sa akin. Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin; ito'y mataas, hindi ko maabot. Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon. Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat; Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin. Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi; Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo. Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina. Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.

Isaias 45:19

Ako'y hindi nagsalita ng lihim, sa dako ng lupain ng kadiliman; hindi ako nagsabi sa lahi ni Jacob, Hanapin ninyo ako ng walang kabuluhan: akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran, ako'y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid.

Isaias 48:16

Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu.

Juan 18:20

Sinagot siya ni Jesus, Ako'y hayag na nagsalita sa sanglibutan; ako'y laging nagtuturo sa mga sinagoga, at sa templo, na siyang pinagkakatipunan ng lahat ng mga Judio; at wala akong sinalita sa lihim.

Mga Gawa 26:26

Sapagka't nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok.

Mateo 6:16-18

Bukod dito, pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha; Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.

Mateo 6:1-6

Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit. Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan, upang sila'y mangagkapuri sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. Datapuwa't pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay:magbasa pa.
Upang ang iyong paglilimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka. At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.

Job 11:5-6

Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita, at bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo; At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan, pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa. Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan.

Ezekiel 28:3

Narito, ikaw ay lalong marunong kay Daniel; walang lihim na malilihim sa iyo;

Mateo 13:10-11

At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kaniya, Bakit mo sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga? At sumagot siya at sinabi sa kanila, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa't hindi ipinagkaloob sa kanila.

Marcos 4:10-11

At nang siya'y magisa na, ang nangasa palibot niya na kasama ang labingdalawa ay nangagtanong sa kaniya tungkol sa mga talinghaga. At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:

Isaias 6:9

At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, inyong naririnig nga, nguni't hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni't hindi ninyo namamalas.

Mga Hukom 16:5-17

At inahon ng mga pangulo ng mga Filisteo ang babae, at sinabi sa kaniya: Dayain mo siya, at tingnan mo kung saan naroon ang kaniyang dakilang kalakasan, at sa anong paraan mananaig kami laban sa kaniya upang aming matalian at mapighati siya: at bibigyan ka ng bawa't isa sa amin ng isang libo't isang daang putol na pilak. At sinabi ni Dalila kay Samson, Saysayin mo sa akin, isinasamo ko sa iyo, kung saan naroon ang iyong dakilang kalakasan, at kung paanong matatalian ka upang pighatiin ka. At sinabi ni Samson sa kaniya, Kung tatalian nila ako ng pitong sariwang yantok na kailan man ay hindi natuyo, ay hihina ako, at ako'y magiging gaya ng alinmang tao.magbasa pa.
Nang magkagayo'y nagdala ang mga pangulo ng mga Filisteo sa kaniya ng pitong sariwang yantok na hindi pa natutuyo, at ipinagtali niya sa kaniya. Ngayo'y may mga bakay na sa silid sa loob. At sinabi niya sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At kaniyang pinatid ang mga yantok, na tulad sa taling estopa pagka nadidikitan ng apoy. Sa gayo'y hindi naalaman ang kaniyang lakas. At sinabi ni Dalila kay Samson, Narito, pinaglaruan mo ako, at pinagbulaanan mo ako: isinasamo ko ngayon sa iyo na saysayin mo sa akin kung paano matatalian ka. At sinabi niya sa kaniya, Kung tatalian lamang nila ako ng mga bagong lubid na hindi pa nagagamit, ay hihina nga ako at magiging gaya ng alinmang tao. Sa gayo'y kumuha si Dalila ng mga bagong lubid, at itinali sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At ang mga bakay ay nangasa silid sa loob. At pawang pinatid niya sa kaniyang mga bisig na parang sinulid. At sinabi ni Dalila kay Samson, Hanggang dito'y pinaglaruan mo ako, at pinagbulaanan mo ako: saysayin mo sa akin kung paanong matatalian ka. At sinabi niya sa kaniya, Kung iyong hahabihin ang pitong tirintas sa aking ulo ng hinabing kayo. At kaniyang pinagtibay ng tulos, at sinabi sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At siya'y gumising sa kaniyang pagkakatulog, at binunot ang tulos ng panghabi, at ang hinabi. At sinabi niya sa kaniya, Bakit nasasabi mo, na iniibig kita, sa bagay ang iyong puso ay hindi sumasaakin? pinaglaruan mo akong makaitlo, at hindi mo isinaysay sa akin kung saan nagpapahinga ang iyong dakilang kalakasan. At nangyari, nang kaniyang igiit araw araw, at kaniyang ipilit sa kaniya, na ang kaniyang loob ay naligalig sa ikamamatay. At isinaysay niya sa kaniya ang kaniyang buong taglayin sa kaniyang puso, at sinabi sa kaniya, Walang pangahit na nagdaan sa aking ulo; sapagka't ako'y naging Nazareo sa Dios mula sa tiyan ng aking ina: kung ako'y ahitan, hihiwalay nga sa akin ang aking lakas, at ako'y hihina, at magiging gaya ng alinmang tao.

1 Corinto 14:24-25

Datapuwa't kung ang lahat ay nagsisipanghula, at may pumasok na isang hindi sumasampalataya, o hindi marunong, mahihikayat siya ng lahat, masisiyasat siya ng lahat; Ang mga lihim ng kaniyang puso ay nahahayag; at sa gayo'y magpapatirapa siya at sasamba sa Dios, na sasabihing tunay ngang ang Dios ay nasa gitna ninyo.

Mga Taga-Filipos 4:12

Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.

Mga Paksa sa Lihim

Diyos na Nagpapahayag ng Lihim

Daniel 2:28

Nguni't may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito:

Impormasyon na Lihim

Mga Hukom 3:19

Nguni't siya nga ay bumalik mula sa tibagan ng bato na nasa piling ng Gilgal, at nagsabi, Ako'y may isang pasugong lihim sa iyo, Oh hari. At kaniyang sinabi, Tumahimik ka. At yaong lahat na nakatayo sa siping niya, ay umalis sa harap niya.

Lihim na Pagdidisipulo

Juan 3:1-2

May isang lalake nga sa mga Fariseo, na nagngangalang Nicodemo, isang pinuno ng mga Judio:

Pag-Iwas Lihim

Deuteronomio 27:15

Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a