7 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pagibig para kay Cristo

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Juan 5:20

Sapagka't sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas.

1 Pedro 1:8

Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:

Awit ng mga Awit 5:9-16

Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, na iyong ibinibilin sa amin ng ganyan? Ang aking sinisinta ay maputi at mapulapula na pinakamainam sa sangpung libo. Ang kaniyang ulo ay gaya ng pinakamainam na ginto: ang kaniyang kulot na buhok ay malago at maitim na gaya ng uwak.magbasa pa.
Ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga kalapati sa siping ng mga batis ng tubig; na hinugasan ng gatas at bagay ang pagkalagay. Ang kaniyang mga pisngi ay gaya ng pitak ng mga especia, gaya ng mga bunton ng mga mainam na gulay: ang kaniyang mga labi ay gaya ng mga lila na tumutulo ng malabnaw na mira. Ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga singsing na ginto na may lakip na berilo: ang kaniyang katawan ay gaya ng yaring garing na binalot ng mga zafiro. Ang kaniyang mga hita ay gaya ng haliging marmol, na nalalapag sa mga tungtungan na dalisay na ginto: ang kaniyang anyo ay gaya ng Libano na marilag na gaya ng mga sedro. Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis: Oo, siya'y totoong kaibigibig. Ito'y aking sinta at ito'y aking kaibigan, Oh mga anak na babae ng Jerusalem.

Topics on Pagibig para kay Cristo

Pagibig para kay Cristo, Pagpapakita ng

Awit ng mga Awit 3:2

Aking sinabi, ako'y babangon at liligid sa bayan, sa mga lansangan at sa mga maluwang na daan, aking hahanapin siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.

Never miss a post

n/a