34 Talata sa Bibliya tungkol sa Diyos, Tinig ng
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nanahan sa ibabaw ng bundok ng Sinai, at tinakpan ng ulap na anim na araw: at sa ikapitong araw ay tinawag niya si Moises sa gitna ng ulap.
At nang si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng kapisanan, upang makipagsalitaan sa kaniya, ay narinig nga niya ang tinig na nagsasalita sa kaniya, mula sa itaas ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na nasa gitna ng dalawang querubin: at siya'y nagsalita sa kaniya.
Kung paano ang anyo ng bahaghari na nasa alapaap sa kaarawan ng ulan, gayon ang anyo ng kinang sa palibot. Ito ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon. At nang aking makita, ako'y nasubasob, at aking narinig ang tinig ng isang nagsasalita.
At may tinig na nagmula sa itaas ng langit na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak.
At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni't ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay isang marahang bulong na tinig.
Sa kaniya na sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una: narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig,
Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog, sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig. Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan. Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro; Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.magbasa pa.
Kaniya namang pinalulukso na gaya ng guya: ang Libano at Sirion na gaya ng mailap na guyang baka. Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon. Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang: niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades. Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa, at hinuhubdan ang mga gubat: at sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: kaluwalhatian.
Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos: inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw.
Ang Panginoo'y kumulog sa langit, At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya.
Ang Panginoon naman ay kumulog sa mga langit, at pinatunog ng Kataastaasan ang kaniyang tinig; mga granizo, at mga bagang apoy.
At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nanggagaling sa dakong silanganan: at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig; at ang lupa ay nagningning sa kaniyang kaluwalhatian.
At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.
Pagka siya'y naguutos, may hugong ng tubig sa langit, at kaniyang pinaiilanglang ang mga singaw mula sa mga dulo ng lupa; siya'y nagpapakidlat para sa ulan, at naglalabas ng hangin mula sa mga kinalalagyan.
Nang magkagayo'y sumigaw siya sa aking pakinig ng malakas na tinig, na nagsasabi, Magsilapit yaong mga may katungkulan sa bayan, na bawa't isa'y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay.
At ang pagaspas ng mga pakpak ng mga kerubin ay narinig hanggang sa looban sa labas, na gaya ng tinig ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, pagka siya'y nagsasalita.
At nang sila'y magsiyaon, aking narinig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak na parang hugong ng maraming tubig, parang tinig ng Makapangyarihan sa lahat, na hugong ng kagulo na gaya ng kaingay ng isang hukbo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak.
Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin.
Samantalang ang salita ay nasa bibig pa ng hari, ay may isang tinig na nanggaling sa langit, na nagsasabi, Oh haring Nabucodonosor, sa iyo'y sinalita: Ang kaharian ay mahihiwalay sa iyo.
At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.
At may isang tinig na nagmula sa mga langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod.
At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.
Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin. Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya. Sumagot si Jesus at sinabi, Ang tinig na ito'y hindi dumating dahil sa akin, kundi dahil sa inyo.
At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit, nang kami ay kasama niya sa banal na bundok.
Ang tinig ng Panginoon ay humihiyaw sa bayan, at ang taong may karunungan ay makakakita ng iyong pangalan: dinggin ninyo ang tungkod, at ang naghalal niyaon.
Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit.
Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.
At dumating ang isang alapaap na sa kanila'y lumilim: at may isang tinig na nanggaling sa alapaap, Ito ang sinisinta kong Anak; siya ang inyong pakinggan.
At may tinig na nanggaling sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang aking Anak, ang aking hirang: siya ang inyong pakinggan.
At nang makita ito ni Moises, ay nanggilalas sa tanawin; at nang siya'y lumapit upang pagmasdan, ay dumating ang isang tinig ng Panginoon,
Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa: datapuwa't ngayo'y nangako siya, na nagsasabi, Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ng langit.
At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.
At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
At ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo.
Mga Katulad na Paksa
- Adhikain
- Ako ay Kanilang Magiging Diyos
- Alipin ng Diyos, Mga
- Ama, Pagiging
- Anak, Mga
- Ang Bahaghari
- Ang Banal na Espiritu, Inilarawan bilang Kalapati
- Ang Ikapitong Araw ng Linggo
- Ang Kalawakan
- Ang Kataastaasan
- Ang Nagsugo kay Cristo
- Ang Pagbuhos ng Banal na Espiritu
- Ang Paglisan
- Ang Patotoo ng Banal na Espiritu
- Ang Pinakamamahal na Anak
- Ang Sansinukob ay Nawasak
- Ang Unang Araw ng Linggo
- Anghel, Bagwis ng
- Anim na Araw
- Anino ng Diyos
- Ano ba ang Itsura ng Langit
- Apostol, Tungkulin ng mga
- Apoy
- Araw ng Panginoon, Ang
- Araw, Ikapitong
- Astronomikal, Palatandaang
- Atungal ng mga Bansa
- Babilonya
- Bagay na Tulad ng Tanso, Mga
- Bagay na Tulad ng Tubig, Mga
- Bagong Langit at Bagong Lupa
- Bagyo, Mga
- Bahaghari
- Bahaghari, Mga
- Banal na Kaluguran
- Banal na Kapangyarihan sa Kalikasan
- Berdugo
- Binubuksang Kalangitan
- Cristo na Nagbibigay Lugod sa Diyos
- Cristo, Mga Pangalan ni
- Daigdig, Kahatulan sa
- Daigdig, Pagpapanatili ng Diyos sa
- Dakila at Munti
- Dalawang Anghel
- Dangal
- Diyos ay Nasa Lahat ng Dako
- Diyos ay Sumasainyo
- Diyos bilang Mandirigma
- Diyos na Hindi Nakikita
- Diyos na Kontrolado ang Ulan
- Diyos na Nagbibigay Karunungan
- Diyos na Naghatid ng Ulan
- Diyos na Nagsasalita mula sa Langit
- Diyos na Nagsusugo ng Hangin
- Diyos na Nagtatagumpay
- Diyos na Nagyayanig
- Diyos na Namumuhay Kasama Natin
- Diyos na Sumasakay
- Diyos na Sumasaksi kay Cristo
- Diyos na Tahimik
- Diyos ng Liwanag
- Diyos, Kagalakan ng
- Diyos, Kaluwalhatian ng
- Diyos, Kamalig ng
- Diyos, Kapangyarihan ng
- Diyos, Pagka-Ama ng
- Diyos, Pagkatao na Paglalarawan sa
- Diyos, Pahayag ng
- Ebanghelyo, Katibayan ng
- Elemento, Kontrol sa mga
- Gantimpala para sa Bayan ng Diyos
- Gawa ng Pagbubukas, Ang
- Gaya ng Tubig
- Habag, Luklukan ng
- Habang Nagsasalita
- Hangin
- Hindi Nakikita ang Diyos
- Hindi Pinapakinggan
- Hinirang, Pananagutan sa
- Hula sa Hinaharap
- Iba pang mga Talata tungkol sa Pangalan ng Diyos
- Ibinababa ang mga Bagay
- Immanuel
- Ingay
- Ipinagdiriwang na Araw
- Jesu-Cristo, Anak ng Diyos
- Jesus bilang Pinakamamahal na Anak
- Kaban ng Tipan, Gamit ng
- Kabanalan bilang Ibinukod sa Diyos
- Kadiyosan ni Cristo
- Kaguluhan
- Kaguluhan sa mga Bansa
- Kahalagahan
- Kaharian, Mga
- Kahinahunan
- Kalapati, Mga
- Kalawakan
- Kalikasan
- Kalugihan
- Kaluwalhatian ng Diyos sa Israel
- Kaluwalhatian ng Diyos sa Kalikasan
- Kaluwalhatian, Pahayag ng
- Kamanghamangha
- Kapanganakan, Araw ng
- Kapangyarihan ng Diyos, Ipinahayag
- Karunungan, sa Likas ng Tao
- Kasiyahaan, Pagpapakita ng Diyos ng
- Katahimikan
- Katubusan sa Lumang Tipan
- Kerubim
- Kerubim bilang Palamuti
- Kerubim, Paglalarawan sa
- Kerubim, Pagsasalarawan sa
- Kidlat
- Kidlat na Kapahayagan ng Hatol ng Diyos
- Kidlat na Nagpapakita ng Presensya ng Diyos
- Kinakailangan
- Kinasihan ng Espiritu Santo, Paraan na
- Kulay
- Lagay ng Panahon, Paghahari ng Diyos sa
- Langit na Saglit Nasilip na mga Tao
- Langit, Tinubos na Komunidad
- Lubos na Kaligayahan
- Lucifer
- Luklukan ng Habag
- Makapangyarihan sa Lahat, Ang
- Makinig sa Diyos!
- Malambing
- Maningning na Kaluwalhatian ng Diyos
- Matakot sa Diyos!
- Metapisiko
- Mga Taong Kulang sa Kapamahalaan
- Minamahal
- Moises, Kahalagahan ni
- Mula sa Silangan
- Nagagalak Kapag may Isang Naliligtas
- Nagbibigay Kaaliwan
- Nagliliwanag
- Natatanging Pahayag
- Pagaasawa ng Bakla
- Pagbibigay Lugod sa Diyos
- Pagdiriwang
- Pagibig para kay Cristo
- Pagibig sa Pagitan Ama at Anak
- Pagiging Maliit
- Pagiging tulad ni Cristo
- Pagiimbak
- Pagpapaalis
- Pagpapakita
- Pagpapakita ng
- Pagpapakita ng Diyos sa Apoy
- Pagpapanibago
- Pagpapatirapa
- Pagpipitagan sa Diyos
- Pagpupuri, Dahilan ng
- Pagsamba
- Pagsamba, Bunga ng
- Pagtatakda ng Diyos sa Pagtitiis
- Pagtitipon ng Israel
- Pahayag
- Pakikinig
- Pakikinig sa Tinig ng Diyos
- Pakikipagniig
- Pakikipagniig
- Pamamagitan
- Pangako ng Diyos, Mga
- Papatayin ng Diyos ang Kanyang Bayan
- Papunta sa Langit
- Papunta sa Langit
- Payo, Pagtanggap sa Payo ng Diyos
- Pedro
- Pista ng Tatlong Hari
- Probidensya ng Diyos sa Kalikasan
- Pugon
- Purgatoryo
- Purihin ang Panginoon!
- Pusa
- Puso ng Diyos
- Relasyon
- Sabbath sa Bagong Tipan
- Sagisag, Mga
- Saksi para kay Jesu-Cristo, Mga
- Singaw
- Talon, Mga
- Talumpati ng Diyos
- Tanso
- Tanso
- Theopaniya
- Tinatakpan ang Kaban ng Tipan
- Tinig, Mga
- Trinidad
- Trumpeta para sa Pagbibigay Hudyat
- Tunog
- Ugnayan ng Ama at Anak
- Ulan
- Ulan ng Yelo
- Ulap ng Kaluwalhatian
- Ulap, Mga
- Ulap, Presensya ng Diyos sa mga
- Ulap, Si Jesu-Cristo at mga
- Umaawit
- Uri ng Paa
- Yaong mga Mangwawasak