17 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagiging Asawang Lalake
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon.
Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;
Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.
Datapuwa't kung ang sinoman ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya.
Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.
Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.
Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo. Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon. Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.magbasa pa.
Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay. Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan. Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili: Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia; Sapagka't tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan. Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman. Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.
Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.
Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya'y papapanginoon sa iyo.
Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.
At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya.
Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon.
Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.
Pagka ang isang lalake ay bagong kasal, ay huwag lalabas na sasama sa hukbo ni mamamahala ng anomang katungkulan; siya'y magiging laya sa bahay na isang taon at kaniyang pasasayahin ang kaniyang asawa na kaniyang kinuha.
Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.
Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae; Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot. Na huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit;magbasa pa.
Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios. Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, na pasakop sa kanikaniyang asawa; Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan.
Mga Katulad na Paksa
- Abuso mula sa Asawa
- Asawang Babae
- Asawang Babae, Mga
- Asawang Lalake
- Asawang Lalake, Batayan ng Pagiging Ulo ng
- Asawang Lalake, Tungkulin sa Asawang Babae
- Butihing Ama ng Tahanan
- Etika, Personal na
- Iwan ang Magulang para sa Asawa
- Kababaihan
- Kababaihan, Gampanin ng mga
- Kabiyak
- Lalake at Babae
- Lipunan, Tungkulin sa
- Mabuting Babae
- Mag-asawa
- Magkabiyak
- MakaDiyos na Babae
- Mapag-abusong Relasyon
- Mapang-abusong Asawa
- Matrimonya
- Nagbabahagi tungkol kay Cristo
- Pag-aasawa
- Pag-aasawa sa Pagitan ng Lalake at Babae
- Pag-aasawa, Layunin ng
- Pagbubuntis
- Paggalang sa Pamahalaan
- Pagibig at Relasyon
- Pagibig ng Magasawa
- Pagibig sa Relasyon
- Pagiging Asawang Babae
- Pagiging Babae
- Pagiging Babaeng MakaDiyos
- Pagiging Kababaihang MakaDiyos
- Pagiging Matulungin
- Pagiging Ulo
- Pagiging nasa Relasyon
- Pagmamahal sa Iyong Asawa
- Pamilya, Unahin ang
- Pananagutan sa Daigdig ng Diyos
- Panliligaw
- Seksuwalidad
- Tungkulin
- Ugnayan ng Mag-asawa
- Ulo bilang Pinuno