10 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagkakampo

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

1 Paralipomeno 11:15

At binaba sa malaking bato si David ng tatlo sa tatlongpung pinuno, sa loob ng yungib ni Adullam; at ang hukbo ng mga Filisteo ay humantong sa libis ng Raphaim.

2 Samuel 11:11

At sinabi ni Uria kay David, Ang kaban, at ang Israel, at ang Juda, ay nasa mga tolda at ang aking panginoon si Joab, at ang mga lingkod ng aking panginoon, ay nangahahantong sa luwal na parang; yayaon nga ba ako sa aking bahay, upang kumain, at upang uminom, at upang sumiping sa aking asawa? buhay ka, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi ko gagawin ang bagay na ito.

Exodo 13:20

At sila'y naglakbay mula sa Succoth, at humantong sa Etham, sa hangganan ng ilang.

Exodo 18:5

At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay dumating, na kasama ang kaniyang mga anak at ang kaniyang asawa, kay Moises sa ilang na kaniyang hinantungan sa tabi ng bundok ng Dios:

Josue 10:5

Kaya't ang limang hari ng mga Amorrheo, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon, ay nagpipisan at sumampa, sila at ang lahat nilang hukbo, at humantong laban sa Gabaon, at nakipagdigma laban doon.

Josue 10:31

At dumaan si Josue mula sa Libna, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Lachis, at humantong laban doon, at lumaban doon.

Josue 10:34

At dumaan si Josue mula sa Lachis, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Eglon; at sila'y humantong laban doon, at nakipaglaban doon;

Mga Bilang 33:10-49

At sila'y naglakbay mula sa Elim, at humantong sa tabi ng Dagat na Mapula. At sila'y naglakbay mula sa Dagat na Mapula, at humantong sa ilang ng Zin. At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Zin, at humantong sa Dophca.magbasa pa.
At sila'y naglakbay mula sa Dophca, at humantong sa Alus. At sila'y naglakbay mula sa Alus, at humantong sa Rephidim, na doon, nga walang tubig na mainom ang bayan. At sila'y naglakbay mula sa Rephidim, at humantong sa ilang ng Sinai. At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Sinai, at humantong sa Kibroth-hataava. At sila'y naglakbay mula sa Kibroth-hataava, at humantong sa Haseroth. At sila'y naglakbay mula sa Haseroth, at humantong sa Ritma. At sila'y naglakbay mula sa Ritma, at humantong sa Rimmon-peres. At sila'y naglakbay mula sa Rimmon-peres, at humantong sa Libna. At sila'y naglakbay mula sa Libna, at humantong sa Rissa. At sila'y naglakbay mula sa Rissa, at humantong sa Ceelatha. At sila'y naglakbay mula sa Ceelatha at humantong sa bundok ng Sepher. At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Sepher, at humantong sa Harada. At sila'y naglakbay mula sa Harada, at humantong sa Maceloth. At sila'y naglakbay mula sa Maceloth, at humantong sa Tahath. At sila'y naglakbay mula sa Tahath at humantong sa Tara. At sila'y naglakbay mula sa Tara, at humantong sa Mithca. At sila'y naglakbay mula sa Mithca, at humantong sa Hasmona. At sila'y naglakbay mula sa Hasmona, at humantong sa Moseroth. At sila'y naglakbay mula sa Moseroth, at humantong sa Bene-jaacan. At sila'y naglakbay mula sa Bene-jaacan, at humantong sa Horhagidgad. At sila'y naglakbay mula sa Horhagidgad at humantong sa Jotbatha. At sila'y naglakbay mula sa Jotbatha, at humantong sa Abrona. At sila'y naglakbay mula sa Abrona, at humantong sa Esion-geber. At sila'y naglakbay mula sa Esion-geber, at humantong sa ilang ng Zin (na siya ring Cades). At sila'y naglakbay mula sa Cades, at humantong sa bundok ng Hor, sa gilid ng lupain ng Edom. At si Aaron na saserdote ay sumampa sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon, sa ikaapat na pung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, sa ikalimang buwan, nang unang araw ng buwan. At si Aaron ay may isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor. At ang Cananeo na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan, sa lupain ng Canaan, ay nakarinig ng pagdating ng mga anak ni Israel. At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor, at humantong sa Salmona. At sila'y naglakbay mula sa Salmona, at humantong sa Phunon. At sila'y naglakbay mula sa Phunon, at humantong sa Oboth. At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Igeabarim, sa hangganan ng Moab. At sila'y naglakbay mula sa Igeabarim, at humantong sa Dibon-gad. At sila'y naglakbay mula sa Dibon-gad, at humantong sa Almon-diblathaim. At sila'y naglakbay mula sa Almon-diblathaim, at humantong sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo. At sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim, at humantong sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico. At sila'y humantong sa tabi ng Jordan, mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim, sa mga kapatagan ng Moab.

1 Samuel 11:1

Nang magkagayo'y umahon si Naas na Ammonita at humantong laban sa Jabes-galaad: at sinabi kay Naas ng lahat na lalake sa Jabes, Makipagtipan ka sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo.

Mga Paksa sa Pagkakampo

Pagkakampo sa Panahon ng Exodo

Mga Bilang 10:31

At sinabi ni Moises, Huwag mo kaming iwan, ipinamamanhik ko sa iyo; sapagka't nalalaman mo kung paanong hahantong kami sa ilang, at ikaw ay maaari sa aming pinakamata.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a