26 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapautang
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda; gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan, ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay. Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram; at ang kaniyang lahi ay pinagpapala.
Sapagka't hindi mawawalan ng dukha sa lupain kailan man: kaya't aking iniutos sa iyo, na aking sinasabi, Bubukhin mo nga ang iyong kamay sa iyong kapatid, sa nagkakailangan sa iyo, at sa dukha mo, sa iyong lupain.
Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin. Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, at bukas ay magbibigay ako; pagka ikaw ay mayroon.
Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y nangungutang.
Kung magkaroon sa iyo ng isang dukha, na isa sa iyong mga kapatid, na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan sa iyong lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso, ni pagtitikuman ng iyong kamay ang iyong dukhang kapatid: Kundi iyo ngang bubukhin ang iyong kamay sa kaniya, at iyo ngang pauutangin siya ng sapat sa kaniyang kailangan sa kaniyang kinakailangan.
At kung maghirap ang iyong kapatid at manglupaypay sa iyong siping, ay iyo siyang aalalayan na patutuluyin mo, na manunuluyan sa iyong parang taga ibang bayan at nakikipamayan. Huwag kang kukuha sa kaniya ng patubo o pakinabang, kundi matakot ka sa iyong Dios: patuluyin mo ang iyong kapatid.
Sapagka't laging nasa inyo ang mga dukha, at kung kailan man ibigin ninyo ay mangyayaring magawan ninyo sila ng magaling: datapuwa't ako'y hindi laging nasa inyo.
At kung kayo'y mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din. Datapuwa't ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo'y magiging ganti, at kayo'y magiging mga anak ng Kataastaasan: sapagka't siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama. Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain.
Ang mayaman ay magpupuno sa dukha, at ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram.
Sapagka't pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios, na gaya ng ipinangako niya sa iyo: at ikaw ay magpapautang sa maraming bansa, nguni't hindi ka mangungutang; at ikaw ay magpupuno sa maraming bansa, nguni't hindi ka nila pagpupunuan.
Bubuksan ng Panginoon sa iyo ang kaniyang mabuting kayamanan, ang langit, upang ibigay ang ulan sa iyong lupain sa kapanahunan, at upang pagpalain ang buong gawa ng iyong kamay; at ikaw ay magpapahiram sa maraming bansa, at ikaw ay hindi hihiram. At gagawin ka ng Panginoon na ulo at hindi buntot, at ikaw ay magiging sa ibabaw lamang, at hindi ka mapapasailalim; kung iyong didinggin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na iyong sundin at gawin;
May nagsisipagsabi naman: Aming ipinangutang ng salapi ang buwis sa hari na hinihingi sa aming mga bukid at aming mga ubasan. Gayon ma'y ang aming laman ngayon ay gaya ng laman ng aming mga kapatid, ang aming mga anak ay gaya ng kanilang mga anak: at, narito, aming dinadala sa pagkaalipin ang aming mga anak na lalake at babae upang maging mga alipin, at ang iba sa aming mga anak na babae ay nangadala sa pagkaalipin: wala man lamang kaming kapangyarihang makatulong; sapagka't ibang mga tao ang nagtatangkilik ng aming bukid at ng aming mga ubasan.
At kung ang sinoman ay humiram ng anoman sa kaniyang kapuwa, at masaktan, o mamatay, na hindi kaharap ang may-ari, ay walang pagsala na siya'y magsasauli.
Nguni't samantalang ang isa'y pumuputol ng isang sikang, ang talim ng palakol ay nalaglag sa tubig: at siya'y sumigaw, at nagsabi, Sa aba ko, panginoon ko! sapagka't hiram.
Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon. At mangyayari, na kung paano sa mga tao, gayon sa saserdote; kung paano sa alipin, gayon sa kaniyang panginoon; kung paano sa alilang babae, gayon sa kaniyang panginoong babae; kung paano sa mamimili, gayon sa nagbibili; kung paano sa mapagpahiram, gayon sa manghihiram; kung paano sa mapagpatubo, gayon sa pinatutubuan.
Huwag kang kukuha sa kaniya ng patubo o pakinabang, kundi matakot ka sa iyong Dios: patuluyin mo ang iyong kapatid. Ang iyong salapi ay huwag mong ibibigay sa kaniya na may patubo, ni ibibigay mo sa kaniya na may pakinabang ang iyong pagkain.
Kung magpautang ka ng salapi sa kanino man sa aking bayan na kasama mo na dukha, huwag kang magpapakamanunubo sa kaniya ni hihingan mo man siya ng tubo.
Huwag kang magpapahiram na may tubo sa iyong kapatid; tubo ng salapi, tubo ng kakanin, tubo ng anomang bagay na ipinahihiram na may tubo:
Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala. Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.
Siya na hindi nagbigay na may patubo, o kumuha man ng anomang pakinabang, na iniurong ang kaniyang kamay sa kasamaan, gumawa ng tunay na kahatulan sa tao't tao,
Bigyan mo ang bawa't sa iyo'y humihingi; at sa kumuha ng pag-aari mo, ay huwag mong hinging muli. At kung ano ang ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.
Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.
Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram, kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
At kung may magsabi sa inyo, Bakit ninyo ginagawa ito? sabihin ninyo, Kinakailangan siya ng Panginoon; at pagdaka'y ipadadala niya siya rito.
Mga Paksa sa Pagpapautang
Pagpapautang at Pangungutang
Deuteronomio 15:6Sapagka't pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios, na gaya ng ipinangako niya sa iyo: at ikaw ay magpapautang sa maraming bansa, nguni't hindi ka mangungutang; at ikaw ay magpupuno sa maraming bansa, nguni't hindi ka nila pagpupunuan.