32 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagtanggap sa Panambahan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Upang kayo'y tanggapin, ang inyong ihahandog ay lalaking hayop na walang kapintasan, sa mga baka, sa mga tupa, o sa mga kambing. Datapuwa't alin mang may kapintasan, ay huwag ninyong ihahandog; sapagka't hindi tatanggapin sa inyo. At sinomang maghandog sa Panginoon ng haing handog tungkol sa kapayapaan, sa pagtupad ng isang panata o kaya'y kusang handog, na mula sa bakahan o sa kawan ay kinakailangang sakdal, upang tanggapin; anomang kapintasan ay huwag magkakaroon.
Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.
Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan, ang ihahandog niya'y isang lalake na walang kapintasan: sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya, upang tanggapin sa harap ng Panginoon. At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin; at tatanggapin sa ikagagaling niya, upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya.
At pagka kayo'y maghahandog sa Panginoon ng hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay inyong ihahandog upang kayo'y tanggapin. Sa araw ding ihandog ay kakanin, at sa kinabukasan: at kung may labis hanggang sa ikatlong araw ay susunugin sa apoy. At kung kanin sa anomang paraan sa ikatlong araw, ay karumaldumal nga; ito'y hindi tatanggapin:
Pagka may ipinanganak, na baka, o tupa, o kambing ay mapapasa kaniyang ina ngang pitong araw; at mula sa ikawalong araw hanggang sa haharapin ay tatanggaping alay sa Panginoon na handog na pinaraan sa apoy. At maging baka o tupa ay huwag ninyong papatayin sa isang araw siya at ang kaniyang anak. At pagka kayo'y maghahandog ng haing pasalamat sa Panginoon, ay inyong ihahain upang kayo'y tanggapin.
At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran. Kung magkagayo'y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugodlugod sa Panginoon, gaya ng mga araw nang una, at gaya ng mga taon nang una.
Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.
Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo ng masarap na amoy, isang handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios.
Kaya't pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios:
Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.
Tanggapin mo sa kanila, upang sila'y gumawa ng paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan, at ibibigay mo sa mga Levita, sa bawa't lalake ang ayon sa kanikaniyang paglilingkod.
At kinuha ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto nila, lahat ng hiyas na dalisay. At ang buong gintong handog na itinaas, na kanilang inihandog sa Panginoon, ng mga kapitan ng libolibo, at ng mga kapitan ng daandaan, ay labing anim na libo at pitong daan at limang pung siklo. (Sapagka't ang mga lalake na nakipagbaka ay naguwi ng samsam, na bawa't isa ay may sariling dala.)magbasa pa.
At kinuha ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto ng mga kapitan ng libolibo at ng daandaan, at isinilid sa tabernakulo ng kapisanan, pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon.
Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito, Yamang kanilang inibig ang paglaboy; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa: kaya't hindi sila tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan. At sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag mong idalangin ang bayang ito sa kanilang ikabubuti. Pagka sila'y nangagaayuno, hindi ko didinggin ang kanilang daing; at pagka sila'y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay, hindi ko tatanggapin; kundi aking lilipulin sila ng tabak, at ng kagutom, at ng salot.
At kung kanin sa ikatlong araw ang anomang bahagi ng laman ng haing kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay hindi tatanggapin, at hindi man maipatutungkol doon sa naghahandog niyaon: aariing kasuklamsuklam, at ang taong kumain niyaon ay magtataglay ng kaniyang kasamaan.
Ni mula sa kamay ng taga ibang lupa ay huwag ninyong ihahandog na pinakatinapay ng inyong Dios ang alin mang mga hayop na ito: sapagka't taglay nila ang kanilang karumhan, may kapintasan sa mga iyan: hindi tatanggapin sa inyo.
At pagka kayo'y nangaghahandog ng bulag na pinakahain, di kasamaan! at pagka kayo'y nangaghahandog ng pilay at may sakit, di kasamaan! Iharap mo nga sa iyong tagapamahala; kalulugdan ka baga niya? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, inyong dalanginin ang lingap ng Dios, upang pagbiyayaan niya tayo; ito'y nangyari sa inyong mga paraan: tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Oh kung mayroon sana sa inyo na magsara ng mga pinto, upang huwag ninyong mangapaningasan ang apoy sa aking dambana ng walang kabuluhan! Hindi ko kayo kinalulugdan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ni tatanggap man ako ng handog sa inyong kamay.
At ito'y muli ninyong ginagawa: inyong tinatakpan ang dambana ng Panginoon ng mga luha, ng tangis, at ng buntong hininga, na anopa't hindi na niya nililingap ang handog ni tinatanggap man sa inyong kamay na may lugod.
Gumawa ng kaganapan at kahatulan ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain.
Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.
At sinabi ni Samuel, Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.
Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan. Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.
Iyong pakinggan, Oh lupa: narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa bayang ito, na bunga ng kanilang mga pagiisip, sapagka't sila'y hindi nangakinig sa aking mga salita; at tungkol sa aking kautusan ay kanilang itinakuwil. Sa anong panukala nangagdadala kayo sa akin ng kamangyan na mula sa Seba, at ng mabangong kalamo na mula sa malayong lupain? ang inyong mga handog na susunugin ay hindi nakalulugod, ni ang inyo mang mga hain ay nakalulugod sa akin.
Aking kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan. Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina, hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa kapayapaan na inyong mga matabang hayop. Ihiwalay mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit; sapagka't hindi ko didinggin ang tinig ng iyong mga biola.magbasa pa.
Kundi bumugso ang katarungan na parang tubig, at ang katuwiran na parang malakas na agos.
Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin, At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.
Kayo'y magsiyaon, kayo'y magsiyaon, kayo'y magsialis doon, huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay; kayo'y magsilabas sa gitna niya; kayo'y mangagpakalinis, kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon.
Narinig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.
Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.
Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya: na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan: at kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran.
Kaya't magsikuha kayo sa inyo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa aking lingkod na kay Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job: sapagka't siya'y aking tatanggapin, baka kayo'y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagka't hindi kayo nangagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng aking lingkod na si Job. Sa gayo'y nagsiyaon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ng Panginoon: at nilingap ng Panginoon si Job.
Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan. Sinasabi ko sa inyo, Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay ang taong ito na inaaaringganap kay sa isa: sapagka't ang bawa't nagmamataas sa kaniyang sarili ay mabababa; datapuwa't ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas.