33 Talata sa Bibliya tungkol sa Masunurin
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.
Kung iyong susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin mo ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan; kung ikaw ay manunumbalik sa Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa.
Datapuwa't sinabi niya, Oo, bagkus na lalong mapapalad ang nangakikinig ng salita ng Dios, at ito'y ginaganap.
At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.
Bagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis;
At sinabi ni Samuel, Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.
Mga alipin, magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, na may takot at panginginig, sa katapatan ng inyong puso, na gaya ng kay Cristo;
Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain:
Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan.
Mga anak, magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka't ito'y totoong nakalulugod sa Panginoon.
Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan.
Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.
At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig;
Kung sila'y makinig at maglingkod sa kaniya, kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at ang kanilang mga taon sa kasayahan.
Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, na aking iniutos sa inyo sa araw na ito;
Kayo'y lalakad ng buong lakad na iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, upang kayo'y mabuhay, at upang ikabuti ninyo, at upang inyong mapalawig ang inyong mga araw sa lupain na inyong aariin.
Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo'y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid?
At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa:
Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.
Nguni't mangyayari, na kung hindi mo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isasagawa ang lahat ng kaniyang mga utos at ang kaniyang palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ang lahat ng sumpang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo.
Na gaya ng mga anak na matalimahin, na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na sa kawalang kaalaman:
Kundi ang bagay na ito ang iniutos ko sa kanila, na aking sinasabi, Inyong dinggin ang aking tinig, at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan; at magsilakad kayo sa lahat ng daan na iniuutos ko sa inyo, sa ikabubuti ninyo.
Datapuwa't ang sinomang tumutupad ng kaniyang salita, tunay na sa kaniya ay naging sakdal ang pagibig ng Dios. Dahil dito'y nalalaman nating tayo'y nasa kaniya:
Kaya't inyong tutuparin ang aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan at inyong isasagawa at tatahan kayong tiwasay sa lupain.
Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.
Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:
Mga Paksa sa Masunurin
Masunurin sa Diyos
Exodo 19:5Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin;
Masunurin sa Magulang
Mga Taga-Efeso 6:1Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.
Masunurin sa Pamahalaan ng Tao
Mga Taga-Roma 13:1-7Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.
Pagpipitagan at Masunurin
Jonas 1:16Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao sa Panginoon; at sila'y nangaghandog ng isang hain sa Panginoon, at nagsipanata.
Mga Katulad na Paksa
- Agape na Pagibig
- Ama, Mga Pananagutan ng mga
- Ang Pangangailangan na Ibigin ang Diyos
- Digmaan, Halimbawa ng
- Diyos, Pagibig ng
- Ebanghelyo, Hinihingi ng
- Ebanghelyo, Makasaysayang Saligan ng
- Etika at Biyaya
- Etika, Dahilan ng
- Etika, Personal na
- Etika, Saligan ng
- Ina, Pagibig sa Kanyang mga Anak
- Kabataan
- Kahangalan
- Kahangalan sa Diyos, Kahihinatnan ng
- Kapamahalaan sa Loob ng Pamilya, Uri ng
- Kaparusahan
- Karapatan
- Kasalanan ay Kumakapit sa Makasalanan
- Kasalanan ay Nagdudulot ng Kamatayan
- Kautusan
- Maayos na Turo sa Lumang Tipan
- Magulang na Mali
- Magulang, Pagiging
- Magulang, Pagmamahal ng mga
- Masunurin sa Diyos
- Masunurin sa Magulang
- Masunurin sa Pamahalaan ng Tao
- Mga Bata, Ugali sa Kanilang mga Magulang
- Minamahal
- Naglilingkod sa Diyos
- Nanginginig
- Paggalang sa Magulang
- Paggalang sa Pamahalaan
- Paggalang sa Sangkatauhan
- Pagibig
- Pagibig ng Diyos para sa Atin
- Pagibig sa Diyos
- Pagibig, Katangian ng
- Pagibig, at ang Mundo
- Pagiging Bata
- Pagiging Ina
- Pagiging Mabuting Ama
- Paglaban
- Paglalakad
- Pagmamagulang
- Pagmamahal
- Pagmamahal sa Magulang
- Pagpapala mula sa Diyos
- Pagpapala sa Pagsunod
- Pagpapasakop
- Pagsuway
- Pakikinig sa Diyos
- Pananagutan, Halimbawa ng
- Pangaalipin
- Paninindigan kay Jesu-Cristo
- Paninindigan sa Diyos
- Pinagpala
- Pinuno, Mga
- Sa Harapan ng mga Kalalakihan
- Salita, Mga
- Sumusunod
- Sumusunod kay Jesus
- Sumusunod sa Diyos
- Sumusunod sa mga Tao
- Tamang mga Handog
- Theolohiya
- Tunay na Pagibig
- Tuntunin tungkol sa mga Kabataan
- Tuparin ang Kautusan ni Cristo
- Tuparin ang Kautusan!
- Udyok