55 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pagtataksil

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Hukom 16:18

At nang makita ni Dalila na sinaysay sa kaniya, ang buong taglayin niya sa kaniyang puso, ay nagsugo siya at tinawag ang mga pangulo ng mga Filisteo, na sinasabi, Ahunin pa ninyong minsan, sapagka't sinaysay niya sa akin ang buong taglayin niya sa kaniyang puso. Nang magkagayo'y inahon siya ng mga pangulo ng mga Filisteo, at nagdala ng salapi sa kanilang kamay.

1 Samuel 18:17

At sinabi ni Saul kay David, Narito ang aking lalong matandang anak na babae na si Merab; siya'y aking ibibigay sa iyo na asawa: magpakatapang ka lamang dahil sa akin, at iyong ilaban ang mga pagbabaka ng Panginoon. Sapagka't sinabi ni Saul, Huwag pagbuhatan siya ng aking kamay, kundi ang kamay ng mga Filisteo, ang magbuhat sa kaniya.

2 Samuel 19:26-27

At siya'y sumagot, Panginoon ko, Oh hari, dinaya ako ng aking lingkod: sapagka't sinabi ng iyong lingkod, Ako'y maghahanda ng isang asno, upang aking masakyan, at yumaong kasama ng hari; sapagka't ang iyong lingkod ay pilay. At kaniyang binintangan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari; nguni't ang panginoon kong hari ay gaya ng isang anghel ng Dios: gawin mo nga kung ano ang mabuti sa iyong mga mata.

Awit 55:12-14

Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin; akin nga sanang nabata: ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin; nagtago nga sana ako sa kaniya: Kundi ikaw, lalake na kagaya ko, aking kasama at aking kaibigang matalik. Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama, tayo'y lumalakad na magkaakbay sa bahay ng Dios.

Panaghoy 1:2

Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.

2 Samuel 4:6

At sila'y nagsipasok doon sa gitna ng bahay, na parang sila'y kukuha ng trigo; at kanilang sinaktan siya sa tiyan; at si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid ay nangagtanan.

2 Samuel 11:15

At kaniyang isinulat sa sulat, na sinasabi, Ilagay mo si Uria sa pinakaunahan ng mahigpit na pagbabaka, at kayo'y magsiurong mula sa kaniya, upang siya'y masaktan, at mamatay.

2 Samuel 13:28-29

At iniutos ni Absalom sa kaniyang mga lingkod na sinasabi, Tandaan ninyo ngayon, pagka ang puso ni Amnon ay sumaya dahil sa alak; at pagka ang aking sinabi sa inyo, Saktan ninyo si Amnon, patayin nga ninyo siya: huwag kayong mangatakot: hindi ba ako ang nagutos sa inyo? kayo nga'y magpakalakas, at magpakatapang. At ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon kung ano ang iniutos ni Absalom. Nang magkagayo'y nagsitindig ang lahat ng mga anak ng hari, at sumakay bawa't lalake sa kaniyang mula, at tumakas.

2 Samuel 20:10

Nguni't si Amasa ay hindi nagingat sa tabak na nasa kamay ni Joab; sa gayo'y sinaktan siya sa tiyan, at lumuwa ang kaniyang bituka sa lupa, at hindi na siya inulit pa; at siya'y namatay. At si Joab at si Abisai na kaniyang kapatid ay humabol kay Seba na anak ni Bichri.

1 Mga Hari 21:8-10

Sa gayo'y sumulat siya ng mga sulat sa pangalan ni Achab, at pinagtatakan ng kaniyang tatak; at ipinadala ang mga sulat sa mga matanda at sa mga maginoo na nangasa kaniyang bayan, at nagsisitahang kasama ni Naboth. At kaniyang isinulat sa mga sulat, na sinasabi, Mangagtanyag kayo ng isang ayuno at ilagay ninyo si Naboth sa pangulo na kasamahan ng bayan: At lumagay ang dalawang lalake na mga hamak na tao sa harap niya, at mangagsisaksi laban sa kaniya, na magsipagsabi, Ikaw ay namusong sa Dios at sa hari. At ilabas nga siya, at batuhin siya upang siya'y mamatay.

Isaias 33:1

Sa aba mo na sumasamsam, at ikaw ay hindi nasamsaman; at gumagawa na may kataksilan, at sila'y hindi gumawang may kataksilan sa iyo! Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam, ikaw ay sasamsaman; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan, sila'y gagawang may kataksilan sa iyo.

1 Paralipomeno 12:17

At si David ay lumabas na sinalubong sila, at sumagot at nagsabi sa kanila, Kung kayo'y nagsisiparitong payapa sa akin upang tulungan ako, ang aking puso ay malalakip sa inyo: nguni't kung upang pagliluhan ako sa aking mga kaaway, dangang walang kasamaan sa aking mga kamay, masdan ng Dios ng ating mga magulang, at sawayin.

Kawikaan 25:9-10

Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa, at huwag mong ihayag ang lihim ng iba: Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo, at ang iyong pagkadusta ay hindi maalis.

Isaias 24:16-17

Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan. Takot, at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa.

Mateo 26:24

Ang Anak ng tao ay papanaw, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak.

Marcos 14:21

Sapagka't papanaw ang Anak ng tao, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't sa aba niyaong taong nagkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak.

Lucas 22:22

Sapagka't ang Anak ng tao nga ay yayaon, ayon sa itinakda: datapuwa't sa aba niyaong taong nagkakanulo sa kaniya!

Mateo 26:14-16

Nang magkagayo'y isa sa labingdalawa, na tinatawag na Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, At sinabi, Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siya'y ibibigay ko sa inyo? At siya'y tinimbangan nila ng tatlongpung putol na pilak. At buhat nang panahong yao'y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya.

Marcos 14:10-11

At si Judas Iscariote, na isa sa labingdalawa, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, upang maipagkanulo niya siya sa kanila. At sila, pagkarinig nila nito, ay nangatuwa, at nagsipangakong siya'y bibigyan ng salapi. At pinagsikapan niya kung paanong siya ay kaniyang maipagkakanulo sa kapanahunan.

Lucas 22:3-6

At pumasok si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labingdalawa. At siya'y umalis, at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila. At sila'y nangagalak, at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi.magbasa pa.
At pumayag siya, at humanap ng ukol na panahon upang kaniyang maibigay siya sa kanila, nang hindi kaharap ang karamihan.

Mateo 26:21-23

At samantalang sila'y nagsisikain, ay sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo. At sila'y lubhang nangamanglaw, at nagpasimula ang bawa't isa na magsabi sa kaniya, Ako baga, Panginoon? At siya'y sumagot at sinabi, Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin.

Marcos 14:18-20

At samantalang sila'y nangakaupo na at nagsisikain, ay sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang isa sa inyo na kasalo kong kumakain, ay ipagkakanulo ako. Sila'y nagpasimulang nangamanglaw, at isaisang nagsabi sa kaniya, Ako baga? At sinabi niya sa kanila, Isa nga sa labingdalawa, yaong sumabay sa aking sumawsaw sa pinggan.

Mateo 20:17-19

Samantalang umaahon si Jesus, ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad, at sa daa'y sinabi niya sa kanila, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya'y patayin, At ibibigay siya sa mga Gentil upang siya'y kanilang alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at sa ikatlong araw siya'y ibabangon.

Marcos 10:33-34

Na sinasabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at siya'y kanilang hahatulang patayin, at ibibigay siya sa mga Gentil: At siya'y kanilang aalimurahin, at siya'y luluraan, at siya'y hahampasin, at siya'y papatayin; at pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon siyang muli.

Juan 13:21-27

Nang masabing gayon ni Jesus, siya'y nagulumihanan sa espiritu, at pinatotohanan, at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo. Ang mga alagad ay nangagtingintinginan, na nangagaalinlangan kung kanino niya sinasalita. Sa dulang ay may isa sa kaniyang mga alagad, na minamahal ni Jesus na nakahilig sa sinapupunan ni Jesus.magbasa pa.
Hinudyatan nga siya ni Simon Pedro, at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin kung sino ang sinasalita niya. Ang nakahilig nga sa dibdib ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sino yaon? Sumagot nga si Jesus, Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga. Kaya't nang maisawsaw niya ang tinapay, ay kinuha niya at ibinigay niya kay Judas, na anak ni Simon Iscariote. At pagkatapos na maisubo, si Satanas nga ay pumasok sa kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali.

Mateo 26:47-49

At samantalang nagsasalita pa siya, narito, dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas, mula sa mga pangulong saserdote at sa matatanda sa bayan. Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga: hulihin ninyo siya. At pagdaka'y lumapit siya kay Jesus, at nagsabi, Magalak, Rabi; at siya'y hinagkan.

Marcos 14:43-45

At pagdaka, samantalang nagsasalita pa siya, ay dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang isang karamihang may mga tabak at mga panghampas, na mula sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba at sa matatanda. Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga; hulihin ninyo siya, at dalhin ninyo siyang maingat. At nang dumating siya, pagdaka'y lumapit siya sa kaniya, at nagsabi, Rabi; at siya'y hinagkan.

Lucas 22:47-48

Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan. Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?

2 Samuel 20:9-10

At sinabi ni Joab kay Amasa, Mabuti ba sa iyo, kapatid ko? At hinawakan ni Joab sa balbas si Amasa ng kaniyang kanang kamay upang hagkan niya siya. Nguni't si Amasa ay hindi nagingat sa tabak na nasa kamay ni Joab; sa gayo'y sinaktan siya sa tiyan, at lumuwa ang kaniyang bituka sa lupa, at hindi na siya inulit pa; at siya'y namatay. At si Joab at si Abisai na kaniyang kapatid ay humabol kay Seba na anak ni Bichri.

Mateo 27:3-5

Nang magkagayo'y si Judas, na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda, Na sinasabi, Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan. Datapuwa't kanilang sinabi, Ano sa amin? ikaw ang bahala niyan. At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak, at umalis; at siya'y yumaon at nagbigti.

Daniel 7:25

At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.

Mateo 10:35-36

Sapagka't ako'y naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae: At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay.

Awit 89:33

Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.

Isaias 26:3-4

Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo. Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.

Topics on Pagtataksil

Pagtataksil

2 Mga Hari 11:14

At siya'y tumingin, at, narito, ang hari ay nakatayo sa siping ng haligi ayon sa kaugalian, at ang mga punong kawal at ang mga pakakak sa siping ng hari; at ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at humihip ng mga pakakak. Nang magkagayo'y hinapak ni Athalia ang kaniyang kasuutan, at humiyaw Paglililo! paglililo!

Pagtataksil kay Cristo

Mateo 26:21-23

At samantalang sila'y nagsisikain, ay sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.

Pagtataksil, Halimbawa ng

Josue 9:22

At ipinatawag sila ni Josue, at nagsalita siya sa kanila, na sinasabi, Bakit kayo'y nagdaya sa amin na nagsasabi, Kami ay totoong malayo sa inyo; dangang nananahan kayong kasama namin?

Pagtataksil, Hindi Kaylanman Gagawin ng Diyos

Awit 89:33

Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.

Never miss a post

n/a