10 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pamimili ng mga Kaibigan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Kawikaan 27:5-6

Maigi ang saway na hayag kay sa pagibig na nakukubli. Tapat ang mga sugat ng kaibigan: nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.

Kawikaan 22:24-25

Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama: Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.

Kawikaan 14:6-7

Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan: nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa. Paroon ka sa harapan ng taong mangmang, at hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman:

Never miss a post

n/a