13 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Matalik na Kaibigan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mangangaral 4:9-11

Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa. Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; nguni't sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya. Muli, kung ang dalawa ay mahigang magkasama, may init nga sila: nguni't paanong makapagpapainit ang isa na nagiisa?

1 Samuel 18:1-3

At nangyari, nang siya'y makatapos na magsalita kay Saul, na ang kaluluwa ni Jonathan ay nalakip sa kaluluwa ni David, at minahal ni Jonathan siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa. At kinuha siya ni Saul nang araw na yaon, at hindi na siya tinulutang umuwi sa bahay ng kaniyang ama. Nang magkagayo'y si Jonathan at si David ay nagtibay ng isang tipan, sapagka't minahal niya siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.

2 Mga Hari 2:2

At sinabi ni Elias kay Eliseo, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito: sapagka't sinugo ako ng Panginoon hanggang sa Beth-el. At sinabi ni Eliseo, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y bumaba sila sa Beth-el.

Kawikaan 7:4

Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:

Ruth 1:16

At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita'y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka't kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios:

Never miss a post

n/a