19 Talata sa Bibliya tungkol sa Pinagtaksilan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.
Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?
At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.
Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan, na kumain ng aking tinapay, nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.
Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.
Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin. Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo. Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang Egipto, ang Etiopia at ang Seba.
Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.
Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
At sinabi ko sa kanila; Kung inaakala ninyong mabuti, bigyan ninyo ako ng aking kaupahan; at kung hindi, inyong pabayaan. Sa gayo'y kanilang tinimbangan ang kaupahan ko ng tatlong pung putol na pilak. At sinabi ng Panginoon sa akin, Ihagis mo sa magpapalyok, ang mainam na halaga na aking inihalaga sa kanila. At aking kinuha ang tatlong pung putol na pilak, at inihagis ko sa magpapalyok sa bahay ng Panginoon.
Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.
Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.
At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay.
Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan sa mga mananalangsang.
At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.
Nang magkagayo'y isa sa labingdalawa, na tinatawag na Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, At sinabi, Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siya'y ibibigay ko sa inyo? At siya'y tinimbangan nila ng tatlongpung putol na pilak. At buhat nang panahong yao'y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya.
Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi.
Mga Paksa sa Pinagtaksilan
Sinaktan at Pinagtaksilan
Jeremias 12:6Sapagka't ang iyong mga kapatid man at ang sangbahayan ng iyong magulang, ay nagsigawa ring may kataksilan sa iyo; nagsihiyaw rin ng malakas sa hulihan mo: huwag mong paniwalaan sila, bagaman sila'y nangagsasalita ng mga mabuting salita sa iyo.