8 Talata sa Bibliya tungkol sa Sarili, Katuwaan sa

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Gawa 12:21-23

At isang takdang araw ay nagsuot si Herodes ng damit-hari, at naupo sa luklukan, at sa kanila'y tumalumpati. At ang bayan ay sumigaw, Tinig ng dios, at hindi ng tao. At pagdaka'y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagka't hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya'y kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga.

Ester 6:6-14

Sa gayo'y pumasok si Aman. At ang hari ay nagsabi sa kaniya, Anong gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari? Sinabi nga ni Aman sa kaniyang sarili: Sino ang kinalulugdang parangalin ng hari na higit kay sa akin? At sinabi ni Aman sa hari, Sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari, Ay dalhan ng damit-hari na isinusuot ng hari, at ng kabayo na sinasakyan ng hari, at putungan sa ulo ng putong na hari:magbasa pa.
At ang bihisan at ang kabayo ay mabigay sa kamay ng isa sa pinakamahal na prinsipe ng hari, upang bihisang gayon ang lalake na kinalulugdang parangalin ng hari, at pasakayin siya sa kabayo sa lansangan ng bayan, at itanyag sa unahan niya; Ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari. Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Aman, Ikaw ay magmadali, at kunin mo ang bihisan at ang kabayo, gaya ng iyong sinabi, at gawin mong gayon kay Mardocheo, na Judio, na nauupo sa pintuang-daan ng hari; huwag magkulang ang anomang bagay sa lahat na iyong sinalita. Nang magkagayo'y kinuha ni Aman ang bihisan at ang kabayo, at binihisan si Mardocheo, at pinasakay sa lansangan ng bayan, at nagtanyag sa unahan niya: Ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari. At si Mardocheo ay bumalik sa pintuang-daan ng hari. Nguni't si Aman ay nagmadaling umuwi, na tumatangis at may takip ang ulo. At isinaysay ni Aman kay Zeres na kaniyang asawa at sa lahat niyang mga kaibigan ang bawa't bagay na nangyari sa kaniya. Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang mga pantas na lalake, at ni Zeres na kaniyang asawa sa kaniya: Kung si Mardocheo, na iyong pinasimulang kinahulugan sa harap, ay sa binhi ng mga Judio, hindi ka mananaig laban sa kaniya, kundi ikaw ay walang pagsalang mahuhulog sa harap niya. Samantalang sila'y nakikipagsalitaan pa sa kaniya, dumating ang mga kamarero ng hari at nagmadaling dinala si Aman sa pigingan na inihanda ni Esther.

Daniel 11:36-37

At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban; at siya'y magmamalaki, at magpapakataas ng higit kay sa bawa't dios, at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios; at siya'y giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap; sapagka't ang ipinasiya ay gagawin. Wawaling bahala niya ang mga dios ng kaniyang mga magulang, o ang nasa man sa mga babae, o pakukundanganan man ang sinomang dios; sapagka't siya'y magmamalaki sa lahat.

Isaias 14:13-14

At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.

Genesis 11:3-4

At nagsangusapang, Halikayo! tayo'y gumawa ng mga laryo, at ating lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo at ang betun ay inaring argamasa. At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa.

Kawikaan 25:6-7

Huwag kang magpauna sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao: Sapagka't maigi na sabihin sa iyo, sumampa ka rito: kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo, na nakita ng iyong mga mata.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a