56 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagkabalisa

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Filipos 4:6-7

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Mateo 6:25-34

Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila'y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila? At alin sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay?magbasa pa.
At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangababalisa? Wariin ninyo ang mga lirio sa parang, kung paanong nagsisilaki; hindi nangagpapagal, ni nangagsusulid man: Gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, na kahit si Salomon man sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito. Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasa'y iginagatong sa kalan, hindi baga lalonglalo na kayong pararamtan niya, Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya? Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan.

Isaias 41:10
Mga Konsepto ng TaludtodKatuwiranPagkabalisa at KalumbayanAko ay Kanilang Magiging DiyosHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay TutulongDiyos na Nagbibigay LakasPagkabalisa at TakotKatapangan at LakasTakot sa DiyosTakot at KabalisahanNababalisaPag-iingat ng DiyosTustosTulongPagtulongNatatakotNagtitiwala sa Diyos at Hindi NababalisaNagbibigay KaaliwanPagiging TakotKahirapanPagiging KristyanoPakikipaglabanMasamang PananalitaPagiging Ganap na KristyanoPagiging Tiwala ang LoobMasamang PamumunoPagiging tulad ni CristoKaaliwanKamay ng DiyosKalakasan, Ang Diyos ang AtingPinagtaksilanPagiisaKalakasan ng Loob sa BuhayTiwala sa Diyos, Nagbubunga ng KatapanganPagsagipPagiging Alam ang LahatAko ang PanginoonTakotPagiingat mula sa DiyosPagiging PinagpalaPagasa at LakasKapayapaan sa Lumang Tipan, MakaDiyos naTamang GulangDiyos na nasa IyoDiyos, Katuwiran ngKanang Kamay ng DiyosPagpapakamatay, Kaisipan ngPagiging Lingkod ng DiyosDiyos na Saiyo ay TutulongKaaliwan kapag NagiisaPag-aalinlangan, Pagtugon saPesimismoKaisipan, Sakit ngDiyos na Nagbibigay LakasPagiging MatulunginKalakasan, EspirituwalPawiin ang TakotMananakopPagiingatKaisipan, Kalusugan ngPuso, SinaktangPagiisaPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayNagpapanatiling ProbidensiyaKatiyakan, Katangian ngMapagkakatiwalaanDiyos na Sumasaiyo

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Kawikaan 3:5-6

Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.

Mateo 11:28-30

Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.

Mga Taga-Roma 8:28
Mga Konsepto ng TaludtodLayuninPlano ng DiyosDiyos, Plano ngNagtitiwala sa Plano ng DiyosNagtratrabaho ng MagkasamaLahat ng Bagay ay Nangyayari na may DahilanNagtratrabaho para sa DiyosNagtratrabahoMagigingPagsasagawa ng MahusayBuhay na may LayuninLahat ng BagayPagkakaalam sa DiyosDiyos na Ginawang Mabuti ang MasamaPlano ng Diyos Para Sa AtinNagtratrabaho para sa PanginoonAyon sa Kanyang KaloobanNagbibigay KaaliwanKahirapanKamanghamanghang DiyosPagiging TakotPinagtaksilanPagiging tulad ni CristoMasamang PananalitaMalamigPagiging HinirangPagiging Alam ang LahatPagiging KristyanoMasamang ImpluwensiyaPinabayaanPagiging Tiwala ang LoobTadhanaDiyos, Kabutihan ngProblema, Pagsagot saDiyos na Gumagawa ng MabutiMagandaProbidensya ng Diyos sa mga PangyayariPagibig, Katangian ngMasama, Tagumpay laban saKahirapan na Nagtapos sa MabutiKaaliwan kapag PinanghihinaanKalakasan, MakaDiyos naTiwala sa Panawagan ng DiyosMasakit na PaghihiwalayMasamang mga BagayPagtanggap ng TuroKapayapaan, Karanasan ng Mananampalataya saPagibig sa DiyosPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayKaisipan, Kalusugan ngPagibig para sa Diyos, Bunga ngProbidensyaPagiging Ganap na KristyanoPangako sa mga Nahihirapan, MgaTagumpay bilang Gawa ng DiyosAksidenteDiyos, Panukala ngKabutihan bilang Bunga ng EspirituPagkabalisa, Pagtagumpayan angPanahon ng Buhay, MgaKinatawanKaaliwan sa KapighatianPagkilala sa DiyosPaglalaan at Pamamahala ng DiyosPatnubay, Mga Pangako ng Diyos naPagkakamali, MgaBanal na Agapay, Ibinigay ng

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

Awit 107:13-16

Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!magbasa pa.
Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal.

Isaias 43:1

Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.

Mga Taga-Efeso 6:10-11

Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.

Awit 91:1-2

Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat. Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan.

Awit 121:1-2

Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo? Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.

Isaias 43:1-4

Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin. Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo. Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang Egipto, ang Etiopia at ang Seba.magbasa pa.
Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay.

Josue 1:5-7

Walang makatatayong sinomang tao sa harap mo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: kung paanong ako'y suma kay Moises, ay gayon ako sasa iyo: hindi kita iiwan ni pababayaan kita. Magpakalakas ka at magpakatapang na mabuti: sapagka't iyong ipamamana sa bayang ito ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila. Magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti, na isagawa mo ang ayon sa buong kautusan na iniutos sa iyo ni Moises na aking lingkod: huwag kang liliko sa kanan o sa kaliwa, upang ikaw ay magtamo ng mabuting kawakasan saan ka man pumaroon.

Awit 91:14-16

Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko. Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya. Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.

Lucas 12:25-26

At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay? Kung hindi nga ninyo magawa kahit ang lalong maliit, bakit nangababalisa kayo tungkol sa mga ibang bagay?

Mga Paksa sa Pagkabalisa

Pagkabalisa

Genesis 35:3

At tayo'y magsitindig at magsisampa tayo sa Bethel; at gagawa ako roon ng dambana sa Dios na sumagot sa akin sa araw ng aking kahapisan, at sumaakin sa daan na aking nilakaran.

Pagkabalisa, Mga Halimbawa ng

Genesis 20:7-9

Ngayon nga'y isauli mo ang asawa ng lalaking ito; sapagka't siya'y profeta, at ikaw ay ipananalangin niya, at mabubuhay ka: at kung di mo siya isauli, ay talastasin mong walang pagsalang mamamatay ka, ikaw at ang lahat ng iyo.

Pagkabalisa, Pagtagumpayan ang

Awit 37:1-5

Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan.

Pagkabalisa, Sanhi ng

Genesis 32:6-12

At ang mga sugo ay nagsipagbalik kay Jacob, na nagsipagsabi, Dumating kami sa iyong kapatid na kay Esau, at siya rin naman ay sumasalubong sa iyo, at apat na raang tao ang kasama niya.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a