67 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Tipan ng Diyos kay David

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

2 Samuel 6:21

At sinabi ni David kay Michal, Yao'y sa harap ng Panginoon, na siyang pumili sa akin na higit sa iyong ama, at sa buong sangbahayan niya, upang ihalal ako na prinsipe sa bayan ng Panginoon, sa Israel: kaya't ako'y tutugtog sa harap ng Panginoon.

1 Mga Hari 8:16

Mula nang araw na aking ilabas ang aking bayang Israel sa Egipto, hindi ako pumili ng bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel upang magtayo ng bahay, upang ang aking pangalan ay dumoon; nguni't aking pinili si David upang maging pangulo sa aking bayang Israel.

2 Paralipomeno 6:6

Kundi aking pinili ang Jerusalem upang ang aking pangalan ay dumoon; aking pinili si David upang mamahala sa aking bayang Israel.

Awit 89:3-4

Ako'y nakipagtipan sa aking hirang, aking isinumpa kay David na aking lingkod; Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man, at aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng sali't saling lahi. (Selah)

2 Samuel 7:11-16

At gaya mula sa araw na aking halalan ng mga hukom ang aking bayang Israel; at aking papagpapahingahin ka sa lahat ng iyong mga kaaway. Bukod sa rito ay isinaysay ng Panginoon na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay. Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian. Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.magbasa pa.
Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao; Nguni't ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo. At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang iyong luklukan ay matatatag magpakailan man.

2 Samuel 23:5

Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios; Gayon ma'y nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan, Maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan: Sapagka't siyang aking buong kaligtasan, at buong nasa. Bagaman hindi niya pinatubo.

1 Mga Hari 2:45

Nguni't ang haring si Salomon ay magiging mapalad, at ang luklukan ni David ay magiging matatag sa harap ng Panginoon magpakailan man.

2 Paralipomeno 13:5

Hindi ba ninyo nalalaman na ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, ang kaharian sa Israel kay David magpakailan man, sa kaniya at sa kaniyang mga anak, sa pamamagitan ng tipan na asin?

Awit 18:50

Dakilang kaligtasan ay ibinibigay niya sa kaniyang hari; at nagpapakita ng kagandahang-loob sa kaniyang pinahiran ng langis. Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man.

Awit 89:28-29

Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man, at ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya. Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man, at ang luklukan niya'y parang mga araw ng langit.

Jeremias 33:17

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Si David ay hindi kukulangin kailan man ng lalake na mauupo sa luklukan ng bahay ng Israel;

Awit 132:11-12

Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan; hindi niya babaligtarin: ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan. Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking patotoo na aking ituturo, magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.

1 Mga Hari 8:25-26

Ngayon nga, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya, na iyong sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin, na uupo sa luklukan ng Israel, kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad, na magsisilakad sa harap ko na gaya ng inilakad mo sa harap ko. Ngayon nga, Oh Dios ng Israel, idinadalangin ko sa iyo na papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David na aking ama.

2 Paralipomeno 6:16-17

Ngayon nga, Oh Panginoon, ang Dios ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya, na iyong sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin na uupo sa luklukan ng Israel; kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad, na magsisilakad sa aking kautusan, gaya ng inilakad mo sa harap ko. Ngayon nga, Oh Panginoon, ang Dios ng Israel, papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David.

1 Mga Hari 9:4-5

At tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng inilakad ni David, na iyong ama sa pagtatapat ng puso at sa katuwiran na gagawa ka ng ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo, at iingatan mo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan: Ay akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian sa Israel magpakailan man, ayon sa aking ipinangako kay David na iyong ama, na sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa luklukan ng Israel.

2 Paralipomeno 7:17-18

At tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng inilakad ni David na iyong ama, at iyong gagawin ang ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo, at iyong iingatan ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan; Akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian ayon sa aking itinipan kay David na iyong ama, na sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake na magpupuno sa Israel.

Jeremias 22:4-5

Sapagka't kung tunay na inyong gawin ang bagay na ito, magsisipasok nga sa mga pintuang-daan ng bahay na ito ang mga hari na nangauupo sa luklukan ni David, na nakasakay sa mga karo at sa mga kabayo, siya at ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang bayan. Nguni't kung hindi ninyo didinggin ang mga salitang ito, ako'y susumpa sa aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang bahay na ito ay masisira.

1 Mga Hari 9:6-9

Nguni't kung kayo ay magsisihiwalay sa pagsunod sa akin, kayo o ang inyong mga anak, at hindi ingatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, na aking inilagay sa harap ninyo, kundi kayo'y magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila: Aking ngang ihihiwalay ang Israel sa lupain na aking ibinigay sa kanila; at ang bahay na ito na aking pinapaging banal sa aking pangalan, ay aking iwawaksi sa aking paningin; at ang Israel ay magiging kawikaan at kakutyaan sa gitna ng lahat ng bayan: At bagaman ang bahay na ito ay totoong mataas, gayon ma'y ang bawa't magdaan sa kaniya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa bahay na ito?magbasa pa.
At sila'y magsisisagot, Sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon nilang Dios na naglabas sa kanilang mga magulang sa lupain ng Egipto, at nagsipanghawak sa ibang mga dios, at sinamba nila, at pinaglingkuran nila: at kaya't pinarating ng Panginoon sa kanila ang lahat na kasamaang ito.

2 Paralipomeno 7:19-22

Nguni't kung kayo ay magsisihiwalay, at iiwan ninyo ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos na aking inilagay sa harap ninyo, at magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila: Akin ngang bubunutin sila sa aking lupain na aking ibinigay sa kanila; at ang bahay na ito na aking itinalaga para sa aking pangalan, at iwawaksi ko sa aking paningin, at gagawin kong isang kawikaan, at isang kakutyaan sa gitna ng lahat ng mga bayan. At ang bahay na ito na totoong mataas, bawa't magdaan sa kaniya'y magtataka, at magsasabi, Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa bahay na ito?magbasa pa.
At sila'y magsisisagot, Sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at nanghawak sa ibang mga dios at sinamba nila, at pinaglingkuran nila: kaya't kaniyang dinala ang lahat na kasamaang ito sa kanila.

1 Mga Hari 11:11-13

Kaya't sinabi ng Panginoon kay Salomon, Yamang ito'y nagawa mo, at hindi mo iningatan ang aking tipan, at ang aking mga palatuntunan na aking iniutos sa iyo, walang pagsalang aking aagawin ang kaharian sa iyo, at aking ibibigay sa iyong lingkod. Gayon ma'y sa iyong mga kaarawan ay hindi ko gagawin alangalang kay David na iyong ama: kundi sa kamay ng iyong anak aking aagawin. Gayon ma'y hindi ko aagawin ang buong kaharian; kundi ibibigay ko ang isang lipi sa iyong anak alangalang kay David na aking lingkod, at alangalang sa Jerusalem na aking pinili.

Jeremias 7:24-26

Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi nagsilakad sa kanilang sariling mga payo at sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso, at nagsiyaong paurong at hindi pasulong. Mula nang araw na ang inyong mga magulang ay magsilabas sa lupain ng Egipto hanggang sa araw na ito, aking sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na araw-araw ay bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila: Gayon ma'y hindi sila nangakinig sa akin, o nangagkiling man ng kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg: sila'y nagsigawa ng lalong masama kay sa kanilang mga magulang.

Jeremias 22:6-9

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa sangbahayan ng hari sa Juda, Ikaw ay Galaad sa akin, at ulo ng Libano; gayon ma'y tunay na gagawin kitang isang ilang, at mga bayang hindi tinatahanan. At ako'y maghahanda ng mga manglilipol laban sa iyo, bawa't isa'y may kaniyang mga almas; at kanilang puputulin ang iyong mga piling cedro, at ipaghahagis sa apoy. At maraming bansa'y magsisipagdaan sa bayang ito, at mangagsasabi bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, Ano't gumawa ang Panginoon ng ganito sa dakilang bayang ito?magbasa pa.
Kung magkagayo'y magsisisagot sila, Sapagka't kanilang pinabayaan ang tipan ng Panginoon na kanilang Dios, at nagsisamba sa ibang mga dios, at mga pinaglingkuran.

Jeremias 36:30-31

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, tungkol kay Joacim na hari sa Juda, Siya'y mawawalan ng uupo sa luklukan ni David; at ang kaniyang bangkay sa araw ay mahahagis sa init, at sa gabi ay sa hamog. At aking parurusahan siya at ang kaniyang binhi at ang kaniyang mga lingkod dahil sa kanilang kasamaan; at aking dadalhin sa kanila, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa mga tao ng Juda, ang buong kasamaan na aking sinalita laban sa kanila, nguni't hindi nila dininig.

2 Paralipomeno 21:7

Gayon ma'y hindi nilipol ng Panginoon ang sangbahayan ni David, dahil sa tipan na kaniyang ginawa kay David, at yamang siya'y nangako na bibigyan siya ng ilawan at ang kaniyang mga anak magpakailan man.

2 Mga Hari 8:19

Gayon ma'y hindi giniba ng Panginoon ang Juda, dahil kay David na kaniyang lingkod gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya na bibigyan siya ng isang ilawan sa ganang kaniyang mga anak magpakailan man.

1 Mga Hari 11:34-36

Gayon ma'y hindi ko kukunin ang buong kaharian sa kaniyang kamay: kundi aking gagawin siyang prinsipe sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, dahil kay David na aking lingkod na aking pinili, sapagka't kaniyang iningatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan: Kundi aking kukunin ang kaharian sa kamay ng kaniyang anak, at ibibigay ko sa iyo, sa makatuwid baga'y ang sangpung lipi. At sa kaniyang anak, ay ibibigay ko ang isang lipi upang si David na aking lingkod ay magkaroon ng ilawan magpakailan man sa harap ko sa Jerusalem, na bayang aking pinili upang ilagay ang aking pangalan doon.

1 Mga Hari 15:4

Gayon ma'y dahil kay David ay binigyan siya ng Panginoon na kaniyang Dios ng isang ilawan sa Jerusalem, upang itaas ang kaniyang anak pagkamatay niya, at upang itatag sa Jerusalem:

Awit 89:30-34

Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan; Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, at hindi ingatan ang mga utos ko; Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan.magbasa pa.
Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang. Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.

2 Mga Hari 21:7

At siya'y naglagay ng larawang inanyuan na Asera, na kaniyang ginawa, sa bahay na pinagsabihan ng Panginoon kay David, at kay Salomon na kaniyang anak, Sa bahay na ito, at sa Jerusalem, na aking pinili sa lahat na lipi ng Israel, aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man.

2 Paralipomeno 33:7

At siya'y naglagay ng larawan ng diosdiosan na inanyuan, na kaniyang ginawa, sa bahay ng Dios na pinagsabihan ng Dios kay David, at kay Salomon na kaniyang anak, Sa bahay na ito, at sa Jerusalem na aking pinili sa lahat ng mga lipi ni Israel, aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man:

1 Mga Hari 8:20-21

At pinagtibay ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita: sapagka't ako'y bumangon na kahalili ni David na aking ama, at nakaupo sa luklukan ng Israel, gaya ng ipinangako ng Panginoon, at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At doo'y aking ipinaghanda ng isang dako ang kaban, na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon na kaniyang ginawa sa ating mga magulang, nang kaniyang ilabas sila sa lupain ng Egipto.

2 Paralipomeno 6:10-11

At tinupad ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita; sapagka't ako'y bumangon na kahalili ni David na aking ama, at umupo sa luklukan ng Israel, gaya ng ipinangako ng Panginoon, at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At doo'y aking inilagay ang kaban na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa mga anak ni Israel.

1 Mga Hari 11:32

(Nguni't mapapasa kaniya ang isang lipi dahil sa aking lingkod na si David, at dahil sa Jerusalem, na bayan na aking pinili sa lahat ng mga lipi ng Israel:)

1 Paralipomeno 23:25

Sapagka't sinabi ni David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan; at siya'y tumatahan sa Jerusalem magpakailan man:

2 Paralipomeno 6:41-42

Ngayon nga'y bumangon ka, Oh Panginoong Dios, sa iyong pahingahang dako, ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan: suutan mo ng kaligtasan, Oh Panginoong Dios, ang iyong mga saserdote, at ang iyong mga banal ay mangagalak sa kabutihan. Oh Panginoon, Dios, huwag mong papihitin ang mukha ng iyong pinahiran ng langis: alalahanin mo ang iyong mga kaawaan kay David na iyong lingkod.

Awit 132:8-10

Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako: ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan. Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran; at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan. Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis.

Isaias 37:35

Sapagka't aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas, dahil sa akin, at dahil sa aking lingkod na si David.

2 Mga Hari 19:34

Sapagka't aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas, dahil sa akin at dahil sa aking lingkod na si David.

2 Mga Hari 19:20

Nang magkagayo'y nagsugo si Isaias na anak ni Amos kay Ezechias, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Yamang ikaw ay dumalangin sa akin laban kay Sennacherib na hari sa Asiria, dininig kita.

Zacarias 12:7-9

Ililigtas naman na una ng Panginoon ang mga tolda ng Juda, upang ang kaluwalhatian ng sangbahayan ni David at ang kaluwalhatian ng mga mananahan sa Jerusalem ay huwag magmalaki sa Juda. Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem, at siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios, parang anghel ng Panginoon sa harap nila. At mangyayari sa araw na yaon, na aking pagsisikapang gibain ang lahat na bansa na naparoroon laban sa Jerusalem.

Amos 9:11

Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buwal, at tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon, at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una;

Mga Gawa 15:16

Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako'y babalik, At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito'y aking itatayo:

Jeremias 33:25-26

Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ang aking tipan sa araw at sa gabi ay hindi manayo, kung hindi ko itinatag ang mga ayos ng langit at ng lupa; Akin ngang itatakuwil din ang binhi ni Jacob, at ni David na aking lingkod, na anopa't hindi ako kukuha ng kanilang binhi na maging mga puno sa binhi ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob: sapagka't aking ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag, at maaawa ako sa kanila.

Jeremias 23:5-6

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain. Sa kaniyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating katuwiran.

Awit 110:1-2

Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion: magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.

Isaias 9:7

Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.

Isaias 11:1-2

At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga: At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon;

Isaias 16:5

At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob, at isa'y uupo roon sa katotohanan, sa tabernakulo ni David; na humahatol at humahanap ng kahatulan, at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran.

Isaias 55:3

Inyong ikiling ang inyong tainga, at magsiparito kayo sa akin; kayo'y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay: at ako'y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan, sa makatuwid baga'y ng tunay na mga kaawaan ni David.

Ezekiel 34:23-25

At ako'y maglalagay ng isang pastor sa kanila, at kaniyang papastulin sila sa makatuwid baga'y ang aking lingkod na si David; kaniyang papastulin sila, at siya'y magiging kanilang pastor, At akong Panginoon ay magiging kanilang Dios, at ang aking lingkod na si David ay prinsipe sa kanila; akong Panginoon ang nagsalita. At ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at aking papawiin ang mga masamang hayop sa lupain; at sila'y magsisitahang tiwasay sa ilang, at mangatutulog sa mga gubat.

Zacarias 3:8

Dinggin mo ngayon, Oh Josue, na pangulong saserdote, dinggin mo, at ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo; sapagka't sila'y mga taong pinaka tanda: sapagka't narito, aking ilalabas ang aking lingkod na Sanga.

Juan 7:42

Hindi baga sinabi ng kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David, at mula sa Bet-lehem, ang nayong kinaroonan ni David?

Lucas 1:32-33

Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama: At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.

Mateo 22:41-46

Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong. Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David. Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,magbasa pa.
Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa? Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak? At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong.

Marcos 12:35-37

At sumagot si Jesus at nagsabi nang siya'y nagtuturo sa templo, Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David? Si David din ang nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa. Si David din ang tumatawag na Panginoon sa kaniya; at paano ngang siya'y kaniyang anak? At ang mga karaniwang tao ay nangakikinig sa kaniyang may galak.

Lucas 20:41-44

At kaniyang sinabi sa kanila, Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David? Sapagka't si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.magbasa pa.
Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David, at paanong siya'y anak niya?

Mateo 21:9

At ang mga karamihang nangasa unahan niya, at ang nagsisunod, ay nagsisigawan, na nagsisipagsabi, Hosana sa Anak ni David: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan.

Lucas 24:21

Datapuwa't hinihintay naming siya ang tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito.

Mga Gawa 1:6

Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?

Mga Gawa 2:29-31

Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito. Palibhasa nga'y isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya, na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan; Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan.

Mga Gawa 13:34

At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David.

Never miss a post

n/a