39 Talata sa Bibliya tungkol sa Tiyan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Ang mga pagkain ay sa tiyan, at ang tiyan ay sa mga pagkain: nguni't kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito. Datapuwa't ang katawan ay hindi sa pakikiapid, kundi sa Panginoon; at ang Panginoon ay sa katawan:
Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang, at ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan.
Tungkol sa larawang ito, ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto, ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak, ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso,
Sapagka't kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao.
At sinabi niya sa kanila, Kayo baga naman ay wala ring pagiisip? Hindi pa baga ninyo nalalaman, na anomang nasa labas na pumapasok sa tao, ay hindi nakakahawa sa kaniya; Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nililinis niya ang lahat ng pagkain.
Hindi pa baga ninyo nalalaman, na ang anomang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daanan ng dumi?
At bawa't umuusad na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa, ay karumaldumal; hindi kakanin. Lahat ng lumalakad ng kaniyang tiyan, at lahat ng lumalakad ng apat na paa o mayroong maraming paa, sa lahat ng bagay na umuusad sa ibabaw ng lupa, ay huwag ninyong kakanin; sapagka't mga karumaldumal nga. Huwag kayong magpakarumal sa anomang umuusad, o huwag kayong magpakalinis man sa mga iyan, na anopa't huwag kayong mangahawa riyan,magbasa pa.
Sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios: magpakabanal nga kayo at kayo'y maging mga banal; sapagka't ako'y banal: ni huwag kayong magpakahawa sa anomang umuusad na gumagalaw sa ibabaw ng lupa. Sapagka't ako ang Panginoon na nagsampa sa inyo mula sa lupain ng Egipto, upang ako'y inyong maging Dios: kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal.
At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng mga baboy: at walang taong magbigay sa kaniya.
Huwag kang iinom pa ng tubig lamang, kundi gumamit ka ng kaunting alak dahil sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit.
At inilabas ni Aod ang kaniyang kaliwang kamay, at binunot ang tabak mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak sa kaniyang tiyan:
Gayon ma'y tumanggi siyang lumihis: kaya't sinaktan siya ni Abner sa tiyan ng dulo ng sibat, na anopa't ang sibat ay lumabas sa likod niya; at siya'y nabuwal doon at namatay sa dako ring yaon: at nangyari, na lahat na naparoon sa dakong kinabuwalan ni Asael at kinamatayan, ay nangapatigil.
At nang bumalik si Abner sa Hebron, ay dinala siya ni Joab na bukod sa gitna ng pintuang-bayan upang makipagsalitaan sa kaniya ng lihim, at sinaktan niya siya roon sa tiyan, na anopa't siya'y namatay, dahil sa dugo ni Asael na kaniyang kapatid.
At sila'y nagsipasok doon sa gitna ng bahay, na parang sila'y kukuha ng trigo; at kanilang sinaktan siya sa tiyan; at si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid ay nangagtanan.
Nguni't si Amasa ay hindi nagingat sa tabak na nasa kamay ni Joab; sa gayo'y sinaktan siya sa tiyan, at lumuwa ang kaniyang bituka sa lupa, at hindi na siya inulit pa; at siya'y namatay. At si Joab at si Abisai na kaniyang kapatid ay humabol kay Seba na anak ni Bichri.
Kayo'y magtanong ngayon, at inyong tingnan kung ang lalake ay nagdaramdam ng panganganak: bakit aking nakikita ang lahat na lalake na ang mga kamay ay nangasa kaniyang mga balakang na parang babae sa pagdaramdam, at ang lahat na mukha ay naging maputla? Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.
Datapuwa't kung ikaw ay tunay na nalisya sa iba na di mo asawa, at kung ikaw ay nadumhan, at ibang lalake ay sumiping sa iyo, bukod sa iyong asawa: Ay panunumpain nga ng saserdote ang babae ng panunumpang sumpa, at sasabihin ng saserdote sa babae, Ilagay ka ng Panginoon na pinakasumpa at pinakapula sa gitna ng iyong bayan, kung papanglumuhin ng Panginoon ang iyong hita at pamagain ang iyong tiyan; At ang tubig na ito na nagbubugso ng sumpa ay tatalab sa iyong tiyan, at ang iyong katawan ay pamamagain at ang iyong hita ay panglulumuhin. At ang babae ay magsasabi, Siya nawa, Siya nawa.
At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay:
Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod sa kaniya; at hihimuran ng kaniyang mga kaaway ang alabok.
At mga hari ang magiging iyong mga taga kandiling ama, at ang kanilang mga reina, ay iyong mga taga kandiling ina: sila'y magsisiyukod sa iyo ng kanilang mga mukha sa lupa, at hihimuran ang alabok ng inyong mga paa: at iyong makikilala, na ako ang Panginoon, at ang nangaghihintay sa akin ay hindi mangapapahiya.
Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.
Sila'y magsisihimod sa alabok na parang ahas; parang nagsisiusad na hayop sa lupa sila'y magsisilabas na nagsisipanginig mula sa kanilang mga kulungan; sila'y magsisilapit na may takot sa Panginoon nating Dios, at mangatatakot dahil sa iyo.
Ikaw ay kakain, nguni't hindi ka mabubusog; at ang iyong pagpapakumbaba ay sasa gitna mo: at ikaw ay magtatabi, nguni't wala kang dadalhing maitatabi; at ang iyong ilalabas ay aking iiwan sa tabak.
Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig, bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila; Bagaman kaniyang patawarin, at hindi niya ito babayaan, kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig; Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan, siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.magbasa pa.
Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli: mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan.
Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa; nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan.
At isa'y susunggab ng kanang kamay, at magugutom; at kakain ng kaliwa, at hindi sila mabubusog: sila'y magsisikain bawa't isa ng laman ng kaniyang sariling bisig:
Kanilang ihahagis ang kanilang pilak sa mga lansangan, at ang kanilang ginto ay magiging parang isang maruming bagay; ang kanilang pilak at ang kanilang ginto ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng poot ng Panginoon: hindi nila maaaliw ang kanilang mga kaluluwa, o mabubusog man ang kanilang mga tiyan; sapagka't naging katitisuran ng kanilang kasamaan.
At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan, at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako; gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya: sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya. Ang mga batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom. Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.
Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan: at sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila.
Hindi titiisin ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid: nguni't kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama.
At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, pakanin mo ang iyong tiyan, at busugin mo ang iyong bituka ng balumbong ito na aking ibinibigay sa iyo. Nang magkagayo'y kinain ko, at sa aking bibig ay naging parang pulot sa katamisan.
Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan.
Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
At ako'y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, Kunin mo ito, at ito'y kanin mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa't sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot. At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain; at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot: at nang aking makain, ay pumait ang aking tiyan.
Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, na ang kanilang dios ay ang tiyan, at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.
Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.
Ang tiyan ng tao ay mabubusog ng bunga ng kaniyang bibig; sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya.
Sasagot ba ang isang pantas ng walang kabuluhang kaalaman, at pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan?
Nilamon ako ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, kaniyang pinisa ako, kaniyang ginawa akong sisidlan na walang laman, ako'y sinakmal niyang parang buwaya, kaniyang binusog ang kaniyang tiyan ng aking mga masarap na pagkain; kaniyang itinakuwil ako.