10 Talata sa Bibliya tungkol sa Walang Kwentang mga Kasalanan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Sila'y nangaghasik ng trigo, at nagsiani ng mga tinik: sila'y nangagpakahirap, at walang pinakikinabang: at kayo'y mangapapahiya sa inyong mga gawa, dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.
Aking ipahahayag ang iyong katuwiran; at tungkol sa iyong mga gawa, ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo.
At huwag kayong lumiko; sapagka't kung gayo'y susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o makapagpapalaya man, sapagka't mga walang kabuluhan.
Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi, Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid, at hindi ko napakinabangan:
Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
Sapagka't hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao; ang ilawan ng masama ay papatayin.
Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.
Ano't kayo'y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain? at ng inyong gawa sa hindi nakabubusog? inyong pakinggan ako, at magsikain kayo ng mabuti, at mangalugod kayo sa katabaan.
Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?
Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan, at mawawala o mapapahamak ang kaniyang sarili?
Mga Katulad na Paksa
- Buhay ng Tao
- Bulaang Relihiyon
- Diyus-diyusan ay hindi Umiiral
- Impyerno bilang Udyok sa Pagsasagawa
- Kahihiyan ng Pagsamba sa Diyus-diyusan
- Kahirapan, Espirituwal na