16 Talata sa Bibliya tungkol sa Yakap, Mga
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.
Mangagbatian kayo ng halik ng pagibig. Kapayapaan nawa ang sumainyong lahat na na kay Cristo.
Tapat ang mga sugat ng kaibigan: nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.
Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.
At nangyari nang siya'y naroong mahabang panahon, na dumungaw si Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at tumingin, at narito't si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa.
Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin.
At sa pamamaybay namin dito na may kahirapan ay nagsidating kami sa isang dako na tinatawag na Mabubuting Daongan; na malapit doon ang bayan ng Lasea.
Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
At kinalong niya sila, at sila'y pinagpala, na ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kanila.
Kung paanong ang sinoma'y inaaliw ng ina gayon ko aaliwin kayo; at kayo'y mangaaliw sa Jerusalem.
Panahon ng paghahagis ng mga bato, at panahon ng pagpipisan ng mga bato; panahon ng pagyakap, at panahon ng pagpipigil sa pagyakap;
Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?
Siya'y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.
At tumakbo si Esau na sinalubong siya, at niyakap siya at niyapos siya sa leeg, at hinagkan siya: at nagiyakan,