126 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Hayop

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Isaias 30:6

Ang hula tungkol sa mga hayop ng Timugan. Sa lupain ng kabagabagan at ng kahapisan, na pinanggagalingan ng leong babae at lalake, ng ulupong at ng lumilipad na makamandag na ahas, kanilang dinadala ang kanilang mga kayamanan sa mga gulugod ng mga batang asno, at ang kanilang mga kayamanan sa umbok ng gulugod ng mga kamelyo, sa isang bayan na hindi nila mapapakinabangan.

Daniel 7:11

Ako'y tumingin nang oras na yaon dahil sa tinig ng mga dakilang salita na sinalita ng sungay; ako'y tumingin hanggang sa ang hayop ay napatay, at ang kaniyang katawan ay nagiba, at siya'y nabigay upang sunugin sa apoy.

Daniel 7:19

Nang magkagayo'y ninasa kong maalaman ang katotohanan tungkol sa ikaapat na hayop, na kaiba sa lahat ng yaon, na totoong kakilakilabot, na ang mga ngipin ay bakal, at ang mga kuko ay tanso; na nananakmal, lumalamuray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi;

Daniel 8:4

Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan; at walang hayop na makatayo sa harap niya, ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay; kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, at nagmalaking mainam.

Mga Gawa 10:12

Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit.

Pahayag 4:6-9

At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin; at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran. At ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad. At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa't isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi, Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating.magbasa pa.
At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa luklukan, doon sa nabubuhay magpakailan kailan man,

Pahayag 5:6-14

At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa. At siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan. At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.magbasa pa.
At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa. At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa. At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo; Na nangagsasabi ng malakas na tinig, Karapatdapat ang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala. At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man. At ang apat na nilalang na buhay ay nagsabi, Siya nawa. At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba.

Pahayag 6:1-7

At nakita ko nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay. At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika.magbasa pa.
At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak. At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay. At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak. At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika.

Pahayag 7:11

At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios,

Pahayag 14:3-9

At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa. Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila'y mga walang dungis.magbasa pa.
At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan; At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig. At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid. At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay,

Pahayag 15:2

At nakita ko ang gaya ng isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, at sa kaniyang larawan, at sa bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, na may mga alpa ng Dios.

Pahayag 16:2-10

At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa; at naging sugat na masama at mabigat sa mga taong may tanda ng hayop na yaon, at nangagsisamba sa kaniyang larawan. At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay. At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; at nangaging dugo.magbasa pa.
At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, Matuwid ka, na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka't humatol ka na gayon; Sapagka't ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta, at pinainom mo sila ng dugo; ito'y karapatdapat sa kanila. At narinig ko ang dambana na nagsasabi, Oo, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol. At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok sa araw; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao. At nangasunog ang mga tao sa matinding init: at sila'y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nangagsisi upang siya'y luwalhatiin. At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon; at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap,

Pahayag 19:4-19

At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, Siya nawa; Aleluya. At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki. At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.magbasa pa.
Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; sapagka't dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang kaniyang asawa ay nahahanda na. At sa kaniya'y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka't ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal. At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, Ang mga ito'y siyang tunay na mga salita ng Dios. At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula. At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka. At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin. At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios. At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay. At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON. At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw; na siya'y sumisigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa gitna ng himpapawid, Halikayo at mangagkatipon sa dakilang hapunan ng Dios; Upang kayo'y makakain ng laman ng mga hari, at ng laman ng mga pangulong kapitan, at ng laman ng mga taong makapangyarihan, at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito, at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man, at maliliit at malalaki. At nakita ko ang hayop, at ang mga hari sa lupa, at ang kanilang mga hukbo, na nangagkakatipon upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo, at laban sa kaniyang hukbo.

Pahayag 20:4-10

At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon. Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli. Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.magbasa pa.
At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan, At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat. At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok. At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.

Pahayag 6:1-8

At nakita ko nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay. At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika.magbasa pa.
At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak. At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay. At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak. At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

Pahayag 14:3

At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa.

Pahayag 15:7

At isa sa apat na nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios, na siyang nabubuhay magpakailan kailan man.

Isaias 27:1

Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon, ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak ang leviatan na maliksing ahas, at ang leviatan na lumilikaw na ahas, at kaniyang papatayin ang buwaya na nasa dagat.

Job 40:15-24

Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo: siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka. Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang, at ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan. Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro: ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran.magbasa pa.
Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso; ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal. Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios: ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya. Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain; na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang. Siya'y humihiga sa ilalim ng punong loto, sa puwang ng mga tambo, at mga lumbak. Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim; nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis. Narito, kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig: siya'y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga. May kukuha ba sa kaniya pag siya'y natatanod, o may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo.

Jeremias 12:4

Hanggang kailan tatangis ang lupain, at matutuyo ang mga damo sa buong lupain? dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon, nilipol ang mga hayop, at ang mga ibon; sapagka't kanilang sinabi, Hindi niya makikita ang ating huling kawakasan.

Genesis 7:2-3

Sa bawa't malinis na hayop ay kukuha ka ng tigpipito, ng lalake at ng kaniyang babae; at sa mga hayop na hindi malinis ay dalawa, ng lalake at ng kaniyang babae; Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito, ng lalake at ng babae; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa.

Awit 50:11

Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok: at ang mga mabangis na hayop sa parang ay akin.

Levitico 26:22

At susuguin ko sa inyo ang mga halimaw sa parang, ng samsaman kayo ng inyong mga anak, at papatayin ang inyong mga hayop, at kayo'y pakakauntiin sa bilang; at mangungulila ang inyong mga lakad.

1 Corinto 15:32

Kung ako'y nakipagbaka sa Efeso laban sa mga ganid, ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mangamamatay.

Job 12:7-8

Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila: at ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo: O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo; at ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo.

Job 37:8

Kung gayo'y nagsisipasok ang mga hayop sa mga lungga, at namamalagi sa kanilang mga tahanan.

Job 35:11

Na siyang nagtuturo sa atin ng higit kay sa mga hayop sa lupa. At ginagawa tayong lalong pantas kay sa mga ibon sa himpapawid?

Topics on Hayop

Ang mga Tao at Hayop ay Kapwa Naapektuhan

Ezekiel 29:11

Walang paa ng tao na daraan doon, o paa man ng hayop ay daraan doon, o tatahanan man siyang apat na pung taon.

Ang mga Tao at Hayop ay Kapwa Nailigtas

Ezekiel 36:11

At ako'y magpaparami sa inyo ng tao at hayop; at sila'y magsisidami at mangagkakaanak: at aking patatahanin kayo ayon sa inyong dating kalagayan, at gagawan ko kayo ng magaling kay sa una: at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

Ang mga Tao at Hayop ay kapwa Napatay

Genesis 6:7

At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.

Asal Hayop na Pamumuhay

Levitico 20:15-16

At kung ang isang lalake ay makiapid sa hayop, ay papatayin na walang pagsala: at papatayin din ninyo ang hayop.

Babaeng Hayop

Mga Bilang 15:27

At kung ang isang tao ay nagkasala ng walang malay, ay maghahandog nga siya ng isang kambing na babae ng unang taon na pinakahandog dahil sa kasalanan.

Bangkay ng mga Hayop

Exodo 21:35

At kung ang baka ng sinoman ay sumakit sa baka ng iba, na ano pa't mamatay; ay kanila ngang ipagbibili ang bakang buhay, at kanilang paghahatiin ang halaga niyaon; at ang patay ay paghahatiin din nila.

Batang Hayop

Exodo 22:30

Gayon din ang gagawin mo sa iyong mga baka, at sa iyong mga tupa: pitong araw na mapapa sa kaniyang ina; sa ikawalong araw ay ibibigay mo sa akin.

Batik, Mga Hayop na may

Genesis 30:32

Dadaanan ko ang lahat mong kawan ngayon, na aking ihihiwalay doon ang lahat ng batikbatik at may dungis, at ang lahat na maitim sa mga tupa, at ang may dungis at batikbatik sa mga kambing: at siyang magiging aking kaupahan.

Dalawang Hayop

Genesis 6:19

At sa bawa't nangabubuhay, sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ng sasakyan ng dalawa sa bawa't uri upang maingatan silang buhay, na kasama mo; lalake at babae ang kinakailangan.

Hayop, Biniyak na mga

Genesis 31:39

Ang nilapa ng mga ganid ay hindi ko dinala sa iyo; ako ang nagbata ng kawalan; sa aking kamay mo hiningi, maging nanakaw sa araw, o nanakaw sa gabi.

Hayop, Buhay ng

Genesis 2:19

At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa't itinawag ng lalake sa bawa't kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon.

Hayop, Kabagsikan sa mga

Genesis 33:13-15

At sinabi niya sa kaniya, Nalalaman ng aking panginoon na ang mga bata ay mahihina pa at ang mga kawan at ang mga baka ay nagpapasuso: at kung ipagmadali sa isa lamang araw ay mamamatay ang lahat ng kawan.

Hayop, Kapayapaang Alay na

Exodo 29:19-22

At kukunin mo ang isang tupa; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng tupa.

Hayop, Karapatan ng

Exodo 23:5

Kung iyong makita ang asno ng napopoot sa iyo, na nakalugmok sa ilalim ng kaniyang pasan, at ayaw mo mang alisan ng pasan, ay walang pagsalang iyong tutulungan pati ng may-ari niyaon.

Hayop, Kumakain na mga

Exodo 22:5

Kung ang sinoman ay magpastol sa isang bukid, o sa isang ubasan, at pawalan ang kaniyang hayop at pastulin sa bukid ng iba; sa pinakamainam sa kaniyang sariling parang, at sa pinakamainam sa kaniyang sariling ubasan, ay sasaulian niya.

Hayop, Kumakain ng Tao ng mga

Genesis 37:20

Halikayo ngayon, siya'y ating patayin, at siya'y ating itapon sa isa sa mga balon, at ating sasabihin, Sinakmal siya ng isang masamang hayop: at ating makikita kung anong mangyayari sa kaniyang mga panaginip.

Hayop, Kusang Loob na Alay na

Levitico 22:17-25

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Hayop, Mga

Genesis 1:24

At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon.

Hayop, Mga Anak na

Genesis 7:3

Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito, ng lalake at ng babae; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa.

Hayop, Mga Ina na

Exodo 22:30

Gayon din ang gagawin mo sa iyong mga baka, at sa iyong mga tupa: pitong araw na mapapa sa kaniyang ina; sa ikawalong araw ay ibibigay mo sa akin.

Hayop, Nagtatalik na mga

Genesis 30:38

At kaniyang inilagay ang mga sangang kaniyang binakbakan sa mga bangbang, sa harap ng kawan, sa mga pinagpapainuman; na pinaparoonan ng mga kawan upang uminom; at nangaglilihi pagka nagsisiparoon upang uminom.

Hayop, Nahuhulog na mga

Exodo 21:33

At kung ang sinoman ay magbubukas ng isang balon, o huhukay ng isang balon at hindi tatakpan, at ang isang baka, o ang isang asno ay mahulog sa loob,

Hayop, Naliligaw na mga

Exodo 23:4

Kung iyong masumpungan ang baka ng iyong kaalit o ang kaniyang asno, na nakawala, ay tunay na ibabalik mo sa kaniya.

Hayop, Natatanging Alay na

Levitico 10:14

At ang dibdib na inalog at ang hita na itinaas, ay kakanin ninyo sa dakong malinis, kakanin mo at ng iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo: sapagka't yamang karampatang bahagi mo at karampatang bahagi ng iyong mga anak na ibinigay sa inyo sa mga hain ng mga anak ni Israel.

Hayop, Natatanging Sinunog na Alay na

Exodo 29:22

Kukunin mo rin naman sa lalaking tupa ang taba, at ang matabang buntot, at ang tabang nakababalot sa mga bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at ang kanang hita (sapagka't isang lalaking tupa na itinalaga),

Hayop, Pagkaing Alay na

Exodo 29:40

At kasama ng isang kordero na iyong ihahandog ang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na may halong ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo; at ang ikaapat na bahagi ng isang hin na alak, ay pinakahandog na inumin.

Hayop, Pagpaparami ng mga

Genesis 30:39

At nangaglilihi ang mga kawan sa harap ng mga sanga at nanganganak ang mga kawan ng mga may guhit, may batik at may dungis.

Hayop, Pagpaparami ng mga

Genesis 1:22

At mga binasbasan ng Dios, na sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa.

Hayop, Pangangalaga sa mga

Genesis 9:8-10

At nagsalita ang Dios kay Noe, at sa kaniyang mga anak na kasama niya, na sinasabi,

Hayop, Pinabayaang

Job 39:14

Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa, at pinaiinit ang mga yaon sa alabok,

Hayop, Pinagpirapirasong

Exodo 29:17

At iyong kakatayin ang tupa at huhugasan mo ang bituka, at ang mga hita, at ipapatong mo sa mga pinagputolputol at sa ulo.

Hayop, Pinapatay na mga

1 Mga Hari 13:24

At nang siya'y makayaon, isang leon ay nasalubong niya sa daan, at pinatay siya: at ang kaniyang bangkay ay napahagis sa daan, at ang asno ay nakatayo sa siping; ang leon naman ay nakatayo sa siping ng bangkay.

Hayop, Relihiyosong Gamit sa mga

Sofonias 1:3

Aking lilipulin ang tao at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.

Hayop, Sa Kasalanan na Alay na

Exodo 29:10-14

At iyong dadalhin ang toro sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng toro.

Hayop, Sa Paglabag na Alay na

Mga Bilang 6:12

At itatalaga niya sa Panginoon ang mga araw ng kaniyang pagkatalaga, at siya'y magdadala ng isang korderong lalake ng unang taon na pinakahandog dahil sa pagkakasala: datapuwa't ang mga unang araw ay mawawalan ng kabuluhan, sapagka't ang kaniyang pagkatalaga ay nadumhan.

Hayop, Sagisag ni Cristo ang Alay na

Awit 40:6-8

Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran; ang aking pakinig ay iyong binuksan: handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.

Hayop, Sinunog na Alay na

Levitico 9:2

At sinabi niya kay Aaron, Magdala ka ng isang guyang toro, na handog dahil sa kasalanan at isang tupang lalake na handog na susunugin, na kapuwa walang kapintasan, at ihandog mo sa harap ng Panginoon.

Hayop, Sumususong mga

Genesis 32:15

Tatlong pung kamelyong inahin na pati ng kanilang mga anak; apat na pung baka at sangpung toro, dalawang pung asna at sangpung anak ng mga yaon.

Hayop, Talinghaga na Gamit sa mga

Genesis 49:9-14

Si Juda'y isang anak ng leon, Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka: Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon; At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya?

Hayop, Uri ng mga

Deuteronomio 14:5

Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza.

Hita ng mga Hayop, Mga

Exodo 29:22

Kukunin mo rin naman sa lalaking tupa ang taba, at ang matabang buntot, at ang tabang nakababalot sa mga bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at ang kanang hita (sapagka't isang lalaking tupa na itinalaga),

Ibinababang mga Hayop

Genesis 24:11

At kaniyang pinaluhod ang mga kamelyo sa labas ng bayan, sa tabi ng balon ng tubig, ng dakong palubog na ang araw, na kapanahunan nang paglabas ng mga babae upang umigib ng tubig.

Isanglibong mga Hayop

1 Samuel 25:2

At may isang lalake sa Maon, na ang mga pag-aari ay nasa Carmelo; at ang lalake ay lubhang dakila, at siya'y mayroong tatlong libong tupa, at isang libong kambing; at kaniyang ginugupitan ng balahibo ang kaniyang tupa sa Carmelo.

Itim na mga Hayop

Genesis 30:32

Dadaanan ko ang lahat mong kawan ngayon, na aking ihihiwalay doon ang lahat ng batikbatik at may dungis, at ang lahat na maitim sa mga tupa, at ang may dungis at batikbatik sa mga kambing: at siyang magiging aking kaupahan.

Kalakasan ng mga Hayop

Genesis 30:41

At nangyari, na kailan ma't maglilihi ang mga malakas sa kawan, ay inilalagay ni Jacob ang mga sanga sa harap ng mga mata ng kawan sa mga bangbang, upang sila'y papaglihihin sa gitna ng mga sanga.

Kumuha ng mga Hayop

Genesis 30:35

At inihiwalay ni Laban ng araw ding yaon ang mga lalaking kambing na may batik at may dungis, at ang lahat ng babaing kambing na may batik at may dungis, lahat ng mayroong kaunting puti, at lahat ng maitim sa mga tupa, at ibinigay sa mga kamay ng kaniyang mga anak;

Labing Dalawang Hayop

Mga Bilang 7:87

Lahat ng mga baka na handog na susunugin ay labing dalawang toro, ang mga tupang lalake ay labing dalawa, ang mga korderong lalake ng unang taon ay labing dalawa, at ang mga handog na harina niyaon; at ang mga kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan ay labing dalawa:

Lalake at Babaeng mga Hayop

Levitico 3:1

At kung ang kanilang alay ay haing mga handog tungkol sa kapayapaan; kung ang ihahandog niya ay sa bakahan maging lalake o babae, ay ihahandog niya na walang kapintasan sa harap ng Panginoon.

Lalake na mga Hayop

Levitico 22:19

Upang kayo'y tanggapin, ang inyong ihahandog ay lalaking hayop na walang kapintasan, sa mga baka, sa mga tupa, o sa mga kambing.

Limang Hayop

Exodo 22:1

Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka, o ng isang tupa at patayin, o ipagbili: ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka, at ng apat na tupa ang isang tupa.

Mahinang mga Hayop

Genesis 30:42

Datapuwa't pagka ang kawan ay mahina ay hindi niya inilalagay, kaya't ang mahina ay nagiging kay Laban at ang malakas ay kay Jacob.

Maiilap na mga Hayop na Sumisila

Genesis 37:20

Halikayo ngayon, siya'y ating patayin, at siya'y ating itapon sa isa sa mga balon, at ating sasabihin, Sinakmal siya ng isang masamang hayop: at ating makikita kung anong mangyayari sa kaniyang mga panaginip.

Malinis na mga Hayop

Awit ng mga Awit 6:6

Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng mga babaing tupa, na nagsiahong mula sa pagpaligo; na bawa't isa'y may anak na kambal, at walang baog sa kanila.

Matatabang Hayop

Genesis 41:2

At, narito may nagsiahon sa ilog na pitong bakang magagandang anyo at matatabang laman; at nanginain sa talahiban.

Maysakit na Hayop

Malakias 1:8

At pagka kayo'y nangaghahandog ng bulag na pinakahain, di kasamaan! at pagka kayo'y nangaghahandog ng pilay at may sakit, di kasamaan! Iharap mo nga sa iyong tagapamahala; kalulugdan ka baga niya? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Nagmamay-ari ng mga Hayop

Genesis 12:16

At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya: at nagkaroon si Abram ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga asno, at ng mga aliping lalake at mga alilang babae, at ng mga asna, at ng mga kamelyo,

Nakunang Hayop, Mga

Genesis 31:38

Ako'y natira sa iyo nitong dalawang pung taon: ang iyong mga babaing tupa, at ang iyong mga babaing kambing ay hindi nawalan ng kanilang mga anak, at ang mga tupang lalake ng iyong kawan ay hindi ko kinain.

Namatay na tulad ng Hayop

Kawikaan 7:22

Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya, gaya ng toro na naparoroon sa patayan, O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang;

Natatali gaya ng Hayop

Awit 118:27

Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana.

Paghihiwalay sa mga Hayop

Genesis 30:40

At ang mga korderong ito ay inihihiwalay ni Jacob, at inihaharap ang kawan sa dakong may batik, at ang lahat ng maitim sa kawan ni Laban; sa kaniyang ibinukod ang mga kawan niya rin, at hindi isinama sa kawan ni Laban.

Pagpapakain sa mga Hayop

Genesis 24:25

Sinabi rin niya sa kaniya, Mayroon din naman kaming saganang dayami at pagkain sa hayop, at dakong matutuluyan.

Pagpatay sa Mapanganib na Hayop

Nahum 2:13

Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa, at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig.

Pamamalo sa Hayop

Mga Bilang 22:23

At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa daan, na hawak ang kaniyang bunot na tabak: at ang asno ay lumiko sa daan, at napasa parang: at pinalo ni Balaam ang asno, upang ibalik siya sa daan.

Pinatay na Gaya ng Hayop

Kawikaan 7:22

Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya, gaya ng toro na naparoroon sa patayan, O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang;

Pulang Hayop, Mga

Mga Bilang 19:2

Ito ang palatuntunan ng kautusan na iniutos ng Panginoon, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa iyo ng isang mapulang guyang bakang babae, na walang kapintasan, na walang dungis, na hindi pa napapatungan ng pamatok.

Sampung mga Hayop

Genesis 24:10

At kumuha ang alilang katiwala ng sangpung kamelyo sa mga kamelyo ng kaniyang panginoon, at yumaon; na dala ang pinakamabuti sa lahat ng pag-aari ng kaniyang panginoon: at tumindig at napasa Mesopotamia, sa bayan ni Nachor.

Sungay ng Hayop

Zacarias 1:18

At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, ang apat na sungay.

Taba ng mga Hayop

Levitico 7:23

Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, Huwag kayong kakain ng taba ng baka, ng tupa, o ng kambing.

Takot at mga Hayop

Genesis 9:2

At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay.

Tatlong Hayop

1 Samuel 10:3

Kung magkagayo'y magpapatuloy ka mula roon, at darating ka sa ensina ng Tabor; at masasalubong ka roon ng tatlong lalake na inaahon ang Dios sa Beth-el, ang isa'y may dalang tatlong batang kambing, at ang isa'y may dalang tatlong tinapay, at ang isa'y may dalang isang balat na sisidlan ng alak:

Tuntunin tungkol sa Pagpatay sa mga Hayop

Exodo 13:13

At bawa't panganay sa asno ay tutubusin mo ng isang kordero; at kung hindi mo tutubusin, ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg: at lahat ng mga panganay na lalake sa iyong mga anak ay iyong tutubusin.

Never miss a post

n/a