Kawikaan 21:9

Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay.

Kawikaan 19:13

Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama: at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo.

Kawikaan 21:19

Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain, kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae.

Kawikaan 25:24

Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay.

Kawikaan 12:4

Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto.

Kawikaan 15:17

Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, kay sa matabang baka at may pagtataniman.

Kawikaan 17:1

Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.

Kawikaan 27:15-16

Ang laging tulo sa araw na maulan at ang babaing palatalo ay magkahalintulad:

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag