Kawikaan 6:21
Ikintal mong lagi sa iyong puso, itali mo sa iyong leeg.
Kawikaan 3:3
Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso:
Exodo 13:16
At magiging pinakatanda sa iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata: sapagka't sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto.
Deuteronomio 6:8
At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo.
Kawikaan 4:6
Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya; ibigin mo siya at iingatan ka niya.
Kawikaan 4:21
Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.
Kawikaan 7:3-4
Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso.
2 Corinto 3:3
Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buhay, hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong laman.
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag