Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.
New American Standard Bible
I can do all things through Him who strengthens me.
Mga Paksa
Pagkabuhay na Maguli, Espirituwal na
Espirituwal na Digmaan, Bilang Labanan
Tagumpay laban sa mga Espirituwal na Puwersa
Mga Halintulad
2 Corinto 12:9-10
At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.
Isaias 41:10
Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
Mga Taga-Colosas 1:11
Na kayo'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;
Mga Taga-Efeso 3:16
Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob;
2 Corinto 3:4-5
At ang gayong pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo:
Isaias 40:29-31
Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan.
Juan 15:7
Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo.
Mga Taga-Efeso 6:10
Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.
Juan 15:4-5
Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin.
Isaias 45:24
Sa Panginoon lamang, sasabihin ng isa tungkol sa akin, ang katuwiran at kalakasan: sa makatuwid baga'y sa kaniya magsisiparoon ang mga tao, at ang lahat na nagiinit laban sa kaniya ay mangapapahiya.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
12 Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan. 13 Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin. 14 Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na kayo'y nakiramay sa aking kapighatian.