22 Talata sa Bibliya tungkol sa Diyos na Nagbibigay Lakas

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Awit 68:35

Oh Dios, ikaw ay kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal: ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan. Purihin ang Panginoon.

Isaias 40:29-31

Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan. Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod, at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal: Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.

Isaias 41:1

Magsitahimik kayo sa harap ko, Oh mga pulo; at mangagbagong lakas ang mga bayan: magsilapit sila; saka mangagsalita sila; tayo'y magsilapit na magkakasama sa kahatulan.

Isaias 41:10
Mga Konsepto ng TaludtodKatuwiranPagkabalisa at KalumbayanAko ay Kanilang Magiging DiyosHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay TutulongPagkabalisa at TakotKatapangan at LakasTakot sa DiyosTakot at KabalisahanNababalisaPag-iingat ng DiyosTustosTulongPagtulongNatatakotNagtitiwala sa Diyos at Hindi NababalisaPagkabalisaNagbibigay KaaliwanPagiging TakotKahirapanPagiging KristyanoPakikipaglabanPagiging tulad ni CristoMasamang PananalitaPagiging Ganap na KristyanoPagiging Tiwala ang LoobMasamang PamumunoKatiyakan, Katangian ngPuso, SinaktangPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayKamay ng DiyosPinagtaksilanPagiisaNagpapanatiling ProbidensiyaMapagkakatiwalaanTiwala sa Diyos, Nagbubunga ng KatapanganPagiging Alam ang LahatKaaliwanKalakasan, Ang Diyos ang AtingPagasa at LakasTakotPagiging PinagpalaTamang GulangKalakasan ng Loob sa BuhayPagsagipDiyos, Katuwiran ngPagpapakamatay, Kaisipan ngPagiging Lingkod ng DiyosAko ang PanginoonPagiingat mula sa DiyosKapayapaan sa Lumang Tipan, MakaDiyos naPag-aalinlangan, Pagtugon saKaisipan, Sakit ngDiyos na nasa IyoKanang Kamay ng DiyosPagiging MatulunginPawiin ang TakotDiyos na Saiyo ay TutulongKaaliwan kapag NagiisaPesimismoKaisipan, Kalusugan ngDiyos na Nagbibigay LakasKalakasan, EspirituwalPagiisaMananakopPagiingatDiyos na Sumasaiyo

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Zacarias 10:6

At aking palalakasin ang sangbahayan ni Juda, at aking ililigtas ang sangbahayan ni Jose, at aking ibabalik sila uli; sapagka't ako'y naawa sa kanila; at sila'y magiging parang hindi ko itinakuwil: sapagka't ako ang Panginoon nilang Dios, at aking didinggin sila.

Zacarias 10:12

At aking palalakasin sila sa Panginoon; at sila'y magsisilakad na paitaas at paibaba sa kaniyang pangalan, sabi ng Panginoon.

1 Samuel 2:10

Yaong makipagkaalit sa Panginoon ay malalansag; Laban sa kanila'y kukulog siya mula sa langit: Ang Panginoon ang huhukom sa mga wakas ng lupa; At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari, At palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis.

Isaias 28:2

Narito, ang Panginoon ay may isang makapangyarihan at malakas na sugo parang bagyo ng granizo, na manggigibang bagyo, parang unos ng bumubugsong tubig na bumabaha, ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay.

Mikas 5:4

At siya'y titindig, at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios: at sila'y mananatili; sapagka't ngayon siya'y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa.

Zacarias 12:5

At ang mga pinakapuno sa Juda ay mangagsasabi sa sarili, Ang mga nananahan sa Jerusalem ay aking kalakasan sa Panginoon ng mga hukbo na kanilang Dios.

2 Corinto 12:10

Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.

Hosea 7:15

Bagaman aking tinuruan at pinalakas ang kanilang mga bisig, gayon ma'y nangagisip sila ng kalikuan laban sa akin.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a