Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Mga Hari 12

1 Mga Hari Rango:

25
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang GalangAng Pagtitipon ng mga MatatandaTao, Payo ng

At ang hari ay sumagot sa bayan na may katigasan, at tinalikdan ang payo na ibinigay sa kaniya ng mga matanda;

41
Mga Konsepto ng TaludtodAbuso sa Kapangyarihan, Mga Halimbawa ngPamatokPaghagupitMabigat na PasanAlakdan, MgaPagdaragdag ng Kasamaan

At nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga binata, na nagsasabi, Pinabigat ng aking ama ang atang sa inyo, nguni't dadagdagan ko pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit, nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan.

80
Mga Konsepto ng TaludtodTolda, MgaPag-aalsaHindi Nagbabahagi

At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, ay sumagot ang bayan sa hari, na nagsasabi, Anong bahagi mayroon kami kay David? at wala man kaming mana sa anak ni Isai: sa iyong mga tolda, Oh Israel: ngayon ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang Israel sa kanikaniyang tolda.

98

Nguni't tungkol sa mga anak ni Israel na nagsitahan sa mga bayan ng Juda, ay pinagharian sila ni Roboam.

99
Mga Konsepto ng TaludtodKasaysayanPropesiya, Katuparan sa Lumang TipanSalita ng DiyosKatalagahan ng mga PangyayariPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan; sapagka't bagay na buhat sa Panginoon upang kaniyang itatag ang kaniyang salita, na sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat.

104
Mga Konsepto ng TaludtodPagpuputong ng KoronaGinawang mga Hari

At si Roboam ay naparoon sa Sichem: sapagka't ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari.

109
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheNagmamadaling HakbangSapilitang PaggawaPagpatay sa mga Kilalang Tao

Nang magkagayo'y sinugo ng haring Roboam si Adoram na nasa pagpapaatag; at binato ng buong Israel siya ng mga bato, na anopa't siya'y namatay. At nagmadali ang haring Roboam na sumakay sa kaniyang karo, upang tumakas sa Jerusalem.

115
Mga Konsepto ng TaludtodPayo sa Masamang TaoGintong GuyaAno ba na Hindi ang DiyosDalawang HayopPagsasaalis ng Israel mula sa EhiptoIba pa na Inaalis ang Israel mula EhiptoTao, Payo ng

Kaya't ang hari ay kumuhang payo, at gumawa ng dalawang guyang ginto; at sinabi niya sa kanila, Mahirap sa inyo na magsiahon sa Jerusalem; tingnan mo ang iyong mga dios, Oh Israel, na iniahon ka mula sa lupain ng Egipto.

119
Mga Konsepto ng TaludtodTao ng DiyosPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

Nguni't ang salita ng Dios ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na nagsasabi,

124
Mga Konsepto ng TaludtodMuog

Nang magkagayo'y itinayo ni Jeroboam ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim, at tumahan doon; at siya'y umalis mula roon, at itinayo ang Penuel.

127
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan, Halimbawa ngPagtitipon ng IsraelIsangdaang Libo at Higit PaPagpapanumbalik sa mga TaoSibil, Digmaang

At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang buong sangbahayan ng Juda, at ang lipi ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling lalake, na mga mangdidigma, upang magsilaban sa sangbahayan ng Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam na anak ni Salomon.

132

At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang sarili, Ngayo'y mababalik ang kaharian sa sangbahayan ni David:

135
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatanPagpuputong ng KoronaGinawang mga HariTalaan ng mga Hari ng IsraelPagpapantay

At nangyari, nang mabalitaan ng buong Israel na si Jeroboam ay bumalik, na sila'y nagsugo at ipinatawag siya sa kapisanan, at ginawa siyang hari sa buong Israel: walang sumunod sa sangbahayan ni David, kundi ang lipi ni Juda lamang.

156
Mga Konsepto ng TaludtodMatataas na DakoSaserdote, Pagtatatag sa Panahon ng Lumang Tipan

At siya'y gumawa ng mga bahay sa mga mataas na dako, at naghalal ng mga saserdote sa buong bayan, na hindi sa mga anak ni Levi.

177
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan, Katangian ngPagibig sa Pagitan ng mga Kamag-anakPakikinig sa DiyosPakikipaglaban sa Isa't Isa

Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y huwag magsisiahon o magsisilaban sa inyong mga kapatid na mga anak ni Israel: bumalik ang bawa't isa sa kaniyang bahay; sapagka't ang bagay na ito ay mula sa akin. Sa gayo'y kanilang dininig ang salita ng Panginoon, at sila'y nagsibalik at nagsiyaon, ayon sa salita ng Panginoon.

209

At nangyari, nang mabalitaan ni Jeroboam na anak ni Nabat (sapagka't siya'y nasa Egipto pa, na doon siya'y tumakas mula sa harapan ng haring Salomon, at tumahan sa Egipto,

267

At ang bagay na ito ay naging kasalanan: sapagka't ang bayan ay umahon upang sumamba sa harap ng isa, hanggang sa Dan.

316
Mga Konsepto ng TaludtodManloloko, MgaPaanong Sambahin ang Diyos

Kung ang bayang ito ay umahon upang maghandog ng mga hain sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem, ang puso nga ng bayang ito'y mababalik sa kanilang panginoon, sa makatuwid baga'y kay Roboam na hari sa Juda; at ako'y papatayin nila, at mababalik kay Roboam na hari sa Juda.

355
Mga Konsepto ng TaludtodPinuno, Mga Pulitikal naPanginoon, MgaTrabaho at ang PagbagsakPamatokPagaalis ng mga PasanMagaang PamatokMagaang Pasanin, Mga

Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin: ngayon nga'y pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod sa iyong ama, at ang mabigat niyang atang na iniatang niya sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo.

357
Mga Konsepto ng TaludtodLatigoPaghagupitMabigat na PasanAlakdan, MgaPagdaragdag ng Kasamaan

At yaman ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na atang, ay aking dadagdagan pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit; nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan.

361

At inilagay niya ang isa sa Bethel, at ang isa'y inilagay sa Dan.

363
Mga Konsepto ng TaludtodAng Ikatlong Araw ng Linggo

Sa gayo'y naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Roboam sa ikatlong araw, gaya ng iniutos ng hari, na sinasabi, Magsibalik kayo sa akin sa ikatlong araw.

378
Mga Konsepto ng TaludtodIba pang Ipinapatawag

At sila'y nagsugo at ipinatawag nila siya,) si Jeroboam nga at ang buong kapisanan ng Israel ay nagsiparoon, at nagsipagsalita kay Roboam, na sinasabi,

385

Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon, na hari sa Juda, at sa buong sangbahayan ng Juda, at ng Benjamin, at sa nalabi sa bayan, na sabihin,

390
Mga Konsepto ng TaludtodAng Pagtitipon ng mga MatatandaAng Matatanda

At ang haring Roboam ay kumuhang payo sa mga matanda na nagsitayo sa harap ni Salomon na kaniyang ama samantalang nabubuhay pa, na sinasabi, Anong payo ang ibinibigay ninyo sa akin, upang magbalik ng sagot sa bayang ito?

397
Mga Konsepto ng TaludtodDaliri, MgaMalapadPagaalis ng mga PasanMagaang PamatokDaliri ng mga TaoMagaang Pasanin, Mga

At ang mga binata na nagsilaking kasabay niya ay nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Ganito ang iyong sasabihin sa bayang ito na nagsalita sa iyo, na nagsasabi, Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin, nguni't pagaanin mo sa amin; ganito ang iyong sasalitain sa kanila, Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama.

421
Mga Konsepto ng TaludtodPayo, Pagtanggi sa Matuwid naHindi PaglagoAng Pagtitipon ng mga MatatandaTao, Payo ngPagtanggiMasamang Payo

Nguni't tinalikdan niya ang payo ng mga matanda na kanilang ibinigay sa kaniya, at kumuhang payo sa mga binata na nagsilaking kasabay niya, na nagsitayo sa harap niya.

437
Mga Konsepto ng TaludtodBagong TaonBuwan, IkawalongPagtatatag ng AltarInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ng

At siya'y sumampa sa dambana na kaniyang ginawa sa Beth-el nang ikalabing limang araw ng ikawalong buwan, sa makatuwid baga'y sa buwan na kaniyang inakala sa kaniyang puso: at kaniyang ipinadaos ang isang kapistahan sa mga anak ni Israel, at sumampa sa dambana upang magsunog ng kamangyan.

445
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong Araw

At sinabi niya sa kanila, Kayo'y magsiyaon pang tatlong araw, saka magsibalik kayo sa akin. At ang bayan ay yumaon.

450
Mga Konsepto ng TaludtodPagaalis ng mga PasanMagaang PamatokMagaang Pasanin, MgaTao, Payo ng

At sinabi niya sa kanila, Anong payo ang ibinibigay ninyo, upang maibalik nating sagot sa bayang ito, na nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pagaanin mo ang atang na iniatang ng iyong ama sa amin?

534
Mga Konsepto ng TaludtodBagong TaonBuwan, IkawalongAnibersaryo ng mga Pista, Ang

At si Jeroboam ay nagpadaos ng isang kapistahan nang ikawalong buwan, sa ikalabing limang araw ng buwan, gaya ng kapistahan sa Juda, at siya'y sumampa sa dambana; gayon ang ginawa niya sa Beth-el, na kaniyang hinahainan ang mga guya na kaniyang ginawa: at kaniyang inilagay sa Beth-el ang mga saserdote sa mataas na dako, na kaniyang mga inihalal.

814
Mga Konsepto ng TaludtodMatalinong PayoLingkod ng mga tao

At nagsipagsalita sa kaniya, na nagsipagsabi, Kung ikaw ay magiging lingkod sa bayang ito sa araw na ito, at maglilingkod sa kanila, at sasagot sa kanila, at magsasalita ng mabuting mga salita sa kanila, ay iyo ngang magiging lingkod sila magpakailan man.