Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Mga Hari 11

1 Mga Hari Rango:

8
Mga Konsepto ng TaludtodHari, MgaSolomon, Katangian niTukso, Pangkalahatan ngBumigay sa TuksoKaugnayan sa mga BanyagaLalake at Babae na Nagmamahalan, MgaBabae, Lugar ngRehabilitasyon

Ang haring Salomon nga ay sumisinta sa maraming babaing taga ibang lupa na pati sa anak ni Faraon, mga babaing Moabita, Ammonita, Idumea, Sidonia, at Hethea;

13
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na PagkaantalaSa Kapakanan ng Bayan ng DiyosMga Lolo

Gayon ma'y sa iyong mga kaarawan ay hindi ko gagawin alangalang kay David na iyong ama: kundi sa kamay ng iyong anak aking aagawin.

36
Mga Konsepto ng TaludtodSa Kapakanan ng Bayan ng Diyos

Gayon ma'y hindi ko aagawin ang buong kaharian; kundi ibibigay ko ang isang lipi sa iyong anak alangalang kay David na aking lingkod, at alangalang sa Jerusalem na aking pinili.

61
Mga Konsepto ng TaludtodPagharapMga Kaaway ng Israel at JudaAng Kaharian ng Iba

At ipinagbangon ng Panginoon, si Salomon, ng isang kaaway na si Adad na Idumeo: siya'y sa lahi ng hari sa Edom.

62
Mga Konsepto ng TaludtodLimang Buwan at Higit PaPaglipolKamataya ng lahat ng Lalake

(Sapagka't si Joab at ang buong Israel ay natira roong anim na buwan, hanggang sa kaniyang naihiwalay ang lahat na lalake sa Edom;)

73

Na si Adad ay tumakas, siya at ang ilan sa mga Idumeo na kasama niya na mga bataan ng kaniyang ama, upang pumasok sa Egipto, na si Adad noo'y munting bata pa.

85
Mga Konsepto ng TaludtodAng PatayPaglipolKamataya ng lahat ng Lalake

Sapagka't nangyari, nang si David ay nasa Edom, at si Joab na puno ng hukbo ay umahon upang ilibing ang mga patay, at masaktan ang lahat na lalake sa Edom;

110

At sila'y nagsitindig sa Madian, at naparoon sa Paran; at sila'y nagsipagsama ng mga lalake sa Paran, at sila'y nagsiparoon sa Egipto, kay Faraon na hari sa Egipto; na siyang nagbigay sa kaniya ng bahay, at naghanda sa kaniya ng pagkain, at nagbigay sa kaniya ng lupa.

113

At si Adad ay nakasumpong ng malaking biyaya sa paningin ni Faraon, na anopa't kaniyang ibinigay na asawa sa kaniya ang kapatid ng kaniyang sariling asawa, ang kapatid ni Thaphenes na reina.

122

At nang mabalitaan ni Adad sa Egipto na si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at si Joab na puno ng hukbo ay namatay, sinabi ni Adad kay Faraon, Payaunin mo ako, upang ako'y makauwi sa aking sariling lupain.

126
Mga Konsepto ng TaludtodTunay na mga Balo

At si Jeroboam na anak ni Nabat, na Ephrateo sa Sereda, na lingkod ni Salomon, na ang pangalan ng ina ay Serva, na baong babae, ay nagtaas din ng kaniyang kamay laban sa hari.

128
Mga Konsepto ng TaludtodInihiwalay sa PagpapasusoPag-ampon

At ipinanganak ng kapatid ni Thaphenes sa kaniya si Genubath, na anak na lalake niya, na inihiwalay sa suso ni Thaphenes sa bahay ni Faraon: at si Genubath ay nasa bahay ni Faraon sa kasamahan ng mga anak ni Faraon.

136
Mga Konsepto ng TaludtodGinawang mga HariDamascus

At siya'y nagpisan ng mga lalake, at naging puno sa isang hukbo, nang patayin ni David ang mga taga Soba; at sila'y nagsiparoon sa Damasco, at tumahan doon, at naghari sa Damasco.

140
Mga Konsepto ng TaludtodMasagana sa Ehipto

Sinabi nga ni Faraon sa kaniya, Datapuwa't anong ipinagkukulang mo sa akin, na, narito, ikaw ay nagsisikap na umuwi sa iyong sariling lupain? At siya'y sumagot: Wala: gayon ma'y isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako sa anomang paraan.

150
Mga Konsepto ng TaludtodKasipaganKasipagan, Kahihinatnan ngLingkod, MabubutingIndustriya, Halimbawa ngPagtataasIpinagkakatiwalaSapilitang Paggawa

At ang lalaking si Jeroboam ay makapangyarihang lalake na matapang: at nakita ni Salomon ang binata na masipag, at kaniyang ipinagkatiwala sa kaniya ang lahat na gawain ng sangbahayan ni Jose.

160
Mga Konsepto ng TaludtodTinatakan ang mga BagayMuling Pagtatatag ng Jerusalem

At ito ang kadahilanan ng kaniyang pagtataas ng kaniyang kamay laban sa hari: itinayo ni Salomon ang Millo at hinusay ang sira ng bayan ni David na kaniyang ama.

230
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Buong PusoKawalang GalangMapagtanggap, PagigingTiwala, Kakulangan ngPamatokBumigay sa TuksoLimitasyon ng mga Matandang TaoDahilan upang Mahikayat ang BayanIba't ibang mga Diyus-diyusanHinikayat na Sumamba sa Banyagang Diyus-diyusanPagiging Maalab sa DiyosRehabilitasyon

Sapagka't nangyari, nang si Salomon ay matanda na, iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso sa ibang mga dios: at ang kaniyang puso ay hindi naging sakdal sa Panginoon niyang Dios, na gaya ng puso ni David na kaniyang ama.

243
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamBulaang Diyus-diyusanNaglilingkod kay Aserah

Sapagka't si Salomon ay sumunod kay Astaroth, diosa ng mga Sidonio, at kay Milcom, na karumaldumal ng mga Ammonita.

249
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanPagtatatag, LiteralMatataas na Dako

Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Salomon ng mataas na dako si Chemos na karumaldumal ng Moab, sa bundok na nasa tapat ng Jerusalem, at si Moloch na kasuklamsuklam ng mga anak ni Ammon.

252

At ipinagbangon ng Dios si Salomon ng ibang kaaway, na si Rezon na anak ni Eliada, na tumakas sa kaniyang panginoong kay Adadezer na hari sa Soba:

254
Mga Konsepto ng TaludtodMagandang KasuotanHindi NagagamitPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

At nangyari, nang panahong yaon, nang si Jeroboam ay lumabas sa Jerusalem, na nasalubong siya sa daan ng propeta Ahias na Silonita; si Ahias nga ay may suot na bagong kasuutan; at silang dalawa ay nag-iisa sa parang.

269
Mga Konsepto ng TaludtodPakikibahagi sa KasalananDahilan upang Mahikayat ang BayanHinikayat na Sumamba sa Banyagang Diyus-diyusanPagaasawahanLalake at Babae na Nagmamahalan, MgaWalang PakikitungoPagibig ng MagasawaRehabilitasyon

Sa mga bansa na sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel: Kayo'y huwag makikihalo sa kanila o sila man ay makikihalo sa inyo: sapagka't walang pagsalang kanilang ililigaw ang inyong puso sa pagsunod sa kanilang mga dios: nasabid si Salomon sa mga ito sa pagsinta.

283
Mga Konsepto ng TaludtodPaglabag sa Tipan

Kaya't sinabi ng Panginoon kay Salomon, Yamang ito'y nagawa mo, at hindi mo iningatan ang aking tipan, at ang aking mga palatuntunan na aking iniutos sa iyo, walang pagsalang aking aagawin ang kaharian sa iyo, at aking ibibigay sa iyong lingkod.

318
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Hinihingi ng Diyos para saPagsasagawa ng Dalawang UlitPagpapakita ng DiyosDiyos na Galit sa mga TaoRehabilitasyon

At ang Panginoo'y nagalit kay Salomon, dahil sa ang kaniyang puso ay humiwalay sa Panginoon, sa Dios ng Israel, na napakita sa kaniyang makalawa,

332
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaPagkamuhi sa Isang Tao

At siya'y naging kaaway ng Israel sa lahat ng kaarawan ni Salomon, bukod pa sa ligalig na ginawa ni Adad: at kaniyang kinapootan ang Israel, at naghari sa Siria.

373
Mga Konsepto ng TaludtodIba't ibang mga Diyus-diyusanHuwag Magkaroon ng Ibang diyosHindi Nila Tinupad ang mga Utos

At siyang nagutos sa kaniya tungkol sa bagay na ito, na siya'y huwag sumunod sa ibang mga dios; nguni't hindi niya iningatan ang iniutos ng Panginoon.

382
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Buong PusoPagkahari, PantaongRehabilitasyon

At gumawa si Salomon ng masama sa paningin ng Panginoon, at hindi sumunod na lubos sa Panginoon, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama.

384
Mga Konsepto ng TaludtodTipan ng Diyos kay DavidJerusalem, Ang Kabuluhan ngSa Kapakanan ng Bayan ng Diyos

(Nguni't mapapasa kaniya ang isang lipi dahil sa aking lingkod na si David, at dahil sa Jerusalem, na bayan na aking pinili sa lahat ng mga lipi ng Israel:)

407
Mga Konsepto ng TaludtodBalabalAng Bilang na Labing DalawaYaong mga Humapak ng Kanilang KasuotanLabing Dalawang BagayRehabilitasyon

At tinangnan ni Ahias ang bagong kasuutan na nakasuot sa kaniya, at hinapak ng labing dalawang putol.

439
Mga Konsepto ng TaludtodInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ngNaglilingkod sa Sariling Diyus-diyusan

At gayon ang ginawa niya sa lahat niyang asawang mga taga ibang lupa, na nagsunog ng mga kamangyan at naghain sa kanikanilang mga dios.

448
Mga Konsepto ng TaludtodPinuno, Mga Pulitikal naPagpapahayag ng PropesiyaSampung TaoSampung BagayHilagang Kaharian ng Israel

At kaniyang sinabi kay Jeroboam, Kunin mo sa iyo ang sangpung putol: sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Narito, aking aagawin ang kaharian sa kamay ni Salomon, at ibibigay ko ang sangpung lipi sa iyo:

552
Mga Konsepto ng TaludtodPaggunitaPagsusulatMga Aklat ng Kasaysayan

Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, at ang lahat na kaniyang ginawa, at ang kaniyang karunungan, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga gawa ni Salomon?

570
Mga Konsepto ng TaludtodPuganteTinatangkang Patayin ang Ganitong mga TaoRehabilitasyon

Pinagsikapan nga ni Salomon na patayin si Jeroboam: nguni't si Jeroboam ay tumindig, at tumakas na napasa Egipto, kay Sisac, na hari sa Egipto, at dumoon sa Egipto hanggang sa pagkamatay ni Salomon.

609
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanTalikuran ang DiyosNaglilingkod kay Aserah

Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at sinamba si Astaroth na diosa ng mga Sidonio, si Chemos na dios ng Moab, at si Milcom na dios ng mga anak ni Ammon; at sila'y hindi nagsilakad sa aking mga daan upang gawin ang matuwid sa aking paningin, at upang ingatan ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama.

639
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagmanaPagtulog at KamatayanInilibing sa Lungsod ni DavidHari ng Israel at Juda, Mga

At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama: at si Roboam, na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya,

643
Mga Konsepto ng TaludtodLungsodJerusalem, Ang Kabuluhan ngLugar para sa Pangalan ng Diyos

At sa kaniyang anak, ay ibibigay ko ang isang lipi upang si David na aking lingkod ay magkaroon ng ilawan magpakailan man sa harap ko sa Jerusalem, na bayang aking pinili upang ilagay ang aking pangalan doon.

659
Mga Konsepto ng TaludtodSampung TaoRehabilitasyon

Kundi aking kukunin ang kaharian sa kamay ng kaniyang anak, at ibibigay ko sa iyo, sa makatuwid baga'y ang sangpung lipi.

666
Mga Konsepto ng TaludtodApatnapung TaonAng Bilang Apatnapu40 hanggang 50 mga taon

At ang panahon na ipinaghari ni Salomon sa Jerusalem sa buong Israel ay apat na pung taon.

679

At kukunin kita, at ikaw ay maghahari ayon sa buong ninanasa ng iyong kaluluwa, at magiging hari ka sa Israel.

697
Mga Konsepto ng TaludtodEtika at BiyayaMga Utos sa Lumang TipanPagtatatagHari, MgaDiyos, Sasaiyo angTuparin ang Kautusan!Ang Dinastiya ni David

At mangyayari, kung iyong didinggin ang lahat na aking iniuutos sa iyo, at lalakad sa aking mga daan, at gagawin ang matuwid sa aking paningin, upang tuparin ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng ginawa ni David na aking lingkod; na ako'y sasa iyo, at ipagtatayo kita ng isang tiwasay na sangbahayan, gaya ng aking itinayo kay David, at ibibigay ko sa iyo ang Israel.

711
Mga Konsepto ng TaludtodTagapamahala, Mga

Gayon ma'y hindi ko kukunin ang buong kaharian sa kaniyang kamay: kundi aking gagawin siyang prinsipe sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, dahil kay David na aking lingkod na aking pinili, sapagka't kaniyang iningatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan:

809
Mga Konsepto ng TaludtodKapakumbabaanDiyos na Nambabagabag

At dahil dito'y aking pipighatiin ang binhi ni David, nguni't hindi magpakailan man.