Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Mga Hari 6

1 Mga Hari Rango:

15
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatagBakalMason, MgaKagamitanMartilyo, MgaAng Unang TemploKonstruksyon

At ang bahay, nang ginagawa, ay ginawa na mga bato na inihanda sa tibagan ng bato: at wala kahit pamukpok o palakol man, o anomang kasangkapang bakal na narinig sa bahay, samantalang itinatayo.

45
Mga Konsepto ng TaludtodHagdananTamang PanigHakbang

Ang pintuan sa mga kababababaang silid sa tagiliran ay nasa dakong kanan ng bahay: at sa pamamagitan ng isang hagdanang sinuso ay nakapapanhik sa pangalawang grado, at mula sa pangalawang grado ay sa ikatlo.

66
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatagTablaPinapaibabawan ng KahoyCedar na Kahoy

Gayon itinayo niya ang bahay, at tinapos at binubungan ang bahay ng mga sikang at mga tabla ng sedro.

90
Mga Konsepto ng TaludtodSalita ng Diyos

At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Salomon, na sinasabi,

123
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Namumuhay Kasama NatinDiyos na Hindi Nagpapabaya

At ako'y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at hindi ko pababayaan ang aking bayang Israel.

129
Mga Konsepto ng TaludtodTaasPalapagSukat ng mga SilidCedar na KahoyBalangkas

At kaniyang ginawa ang mga grado na karatig ng buong bahay, na bawa't isa'y limang siko ang taas: at kumakapit sa bahay sa pamamagitan ng kahoy na sedro.

164
Mga Konsepto ng TaludtodCedar na Kahoy

At kaniyang ginawa ang mga panig sa loob ng bahay na kahoy na sedro; mula sa lapag ng bahay hanggang sa mga panig ng kisame, na kaniyang binalot ng kahoy sa loob; at kaniyang tinakpan ang lapag ng bahay ng tabla na abeto.

168
Mga Konsepto ng TaludtodKabanalbanalang DakoSantuwaryoKaban sa Templo, Ang

At siya'y naghanda ng isang sanggunian sa gitna ng pinakaloob ng bahay, upang ilagay roon ang kaban ng tipan ng Panginoon.

171
Mga Konsepto ng TaludtodTuparin ang Kautusan!

Tungkol sa bahay na ito na iyong itinatayo, kung ikaw ay lalakad sa aking mga palatuntunan, at gagawin ang aking mga kahatulan, at iingatan ang lahat ng aking mga utos upang lakaran; ay akin ngang pagtitibayin ang aking salita sa iyo, na aking sinalita kay David na iyong ama.

203
Mga Konsepto ng TaludtodBulaklakPaglilok ng mga BulaklakCedarSiningPaglilokCedar na Kahoy

At may mga sedro sa loob ng bahay na inukitan ng kulukuti at mga bukang bulaklak: lahat ay sedro; walang batong makikita.

219
Mga Konsepto ng TaludtodKahoySukat ng mga Gamit sa TemploDalawang AnghelKerubim, Pagsasalarawan sa

At sa sanggunian ay gumawa siya ng dalawang querubin na kahoy na olibo, na bawa't isa'y may sangpung siko ang taas.

255
Mga Konsepto ng TaludtodKadenaGintong KadenaPinapaibabawan ng GintoGintong Gamit sa Tabernakulo

Sa gayo'y binalot ni Salomon ang loob ng bahay ng taganas na ginto: at kaniyang kinanaan ng mga tanikalang ginto ang harapan ng sanggunian; at binalot ng ginto.

257
Mga Konsepto ng TaludtodKabanalbanalang DakoSukat ng mga SilidCedar na Kahoy

At siya'y gumawa ng isang silid na dalawang pung siko sa pinakaloob ng bahay, ng tabla na sedro mula sa lapag hanggang sa mga panig sa itaas: na kaniyang ginawa sa loob na ukol sa sanggunian, sa makatuwid baga'y ukol sa kabanalbanalang dako.

266
Mga Konsepto ng TaludtodCubesSukat ng mga SilidPinapaibabawan ng KahoyCedar na Kahoy

At ang loob ng sanggunian ay may dalawang pung siko ang haba, at dalawang pung siko ang luwang, at dalawang pung siko ang taas: at binalot niya ng taganas na ginto: at binalot niya ng sedro ang dambana.

280
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwaganPagtatatagTaasSukat ng mga GusaliMason

At ang bahay na itinayo ng haring Salomon ukol sa Panginoon, ang haba niyao'y anim na pung siko, at ang luwang ay dalawang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko.

284
Mga Konsepto ng TaludtodSukat ng mga Silid

At ang bahay, sa makatuwid baga'y ang templo sa harap ng sanggunian ay apat na pung siko ang haba.

304
Mga Konsepto ng TaludtodKabanalbanalang DakoPinapaibabawan ng Ginto

At binalot ng ginto ang buong bahay, hanggang sa ang bahay ay nayari: gayon din ang buong dambana na nauukol sa sanggunian ay kaniyang binalot ng ginto.

342
Mga Konsepto ng TaludtodSukat ng mga Gamit sa Templo

At limang siko ang isang pakpak ng querubin, at limang siko ang kabilang pakpak ng querubin: mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa dulo ng kabila ay sangpung siko.

349
Mga Konsepto ng TaludtodPasimulaHari, MgaBuwanPagaari na KabahayanSolomon, Buhay niSagisag ni CristoKalendaryoBuwan, IkalawangIsangdaang taon at higit paNagsimulang MagtayoAng Unang Templo

At nangyari nang ikaapat na raan at walong pung taon pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay nangakalabas sa lupain ng Egipto, nang ikaapat na taon ng paghahari ni Salomon sa Israel, nang buwan ng Ziph, na ikalawang buwan, na kaniyang pinasimulang itinayo ang bahay ng Panginoon.

360
Mga Konsepto ng TaludtodBalangkas

At sa karatig ng pader ng bahay ay naglagay siya ng mga grado sa palibot, sa siping ng mga pader ng bahay sa palibot ng templo at gayon din sa sanggunian: at siya'y gumawa ng mga silid sa tagiliran sa palibot:

364
Mga Konsepto ng TaludtodBalkonaheSukat ng mga Silid

At ang portiko sa harap ng templo ng bahay, may dalawang pung siko ang haba, ayon sa luwang ng bahay; at sangpung siko ang luwang niyaon sa harap ng bahay.

374
Mga Konsepto ng TaludtodBulaklakPaglilok ng mga BulaklakEskulturaKerubim bilang PalamutiKerubim, Pagsasalarawan sa

At kaniyang inukitan ang lahat na panig ng bahay sa palibot ng mga ukit na larawan ng mga querubin, at ng mga puno ng palma, at ng mga bukang bulaklak, sa loob at sa labas.

376
Mga Konsepto ng TaludtodPader, MgaAnghel, Bagwis ng

At kaniyang inilagay ang mga querubin sa pinakaloob ng bahay: at ang mga pakpak ng mga querubin ay nangakabuka na anopa't ang pakpak ng isa ay dumadaiti sa isang panig, at ang pakpak ng ikalawang querubin ay dumadaiti sa kabilang panig; at ang kanilang mga kabilang pakpak ay nagkakadaiti sa gitna ng bahay.

394
Mga Konsepto ng TaludtodSukat ng mga Silid

Ang kababababaan ay may limang siko ang luwang, at ang pangalawang grado ay may anim na siko ang luwang, at ang ikatlo ay may pitong siko ang luwang: sapagka't siya'y gumawa ng mga tungtungan sa labas ng bahay sa palibot, upang ang mga sikang ay huwag kumapit sa mga pader ng bahay.

413
Mga Konsepto ng TaludtodSukat ng mga Gamit sa TemploKatulad na Laki

At ang isang querubin ay sangpung siko: ang dalawang querubin ay may isang sukat at isang anyo.

418
Mga Konsepto ng TaludtodGintoPinapaibabawan ng Ginto

At kaniyang binalot ng ginto ang mga querubin.

420
Mga Konsepto ng TaludtodSukat ng mga Gamit sa TemploKatulad na Laki

Ang taas ng isang querubin ay may sangpung siko, at gayon din ang isang querubin.

441
Mga Konsepto ng TaludtodPinapaibabawan ng Ginto

At ang lapag ng bahay ay binalot niya ng ginto, sa loob at sa labas.

442
Mga Konsepto ng TaludtodBintana para sa Templo

At iginawa ang bahay ng mga dungawan na may silahia.

635
Mga Konsepto ng TaludtodBuwanBagong TaonBuwan, IkawalongPitong TaonTao, Natapos Niyang Gawa

At nang ikalabing isang taon, sa buwan ng Bul, na siyang ikawalong buwan ay nayari ang bahay sa lahat ng bahagi niyaon, at ayon sa buong anyo niyaon. Na anopa't pitong taong ginawa.

642

At sa pasukan ng sanggunian, siya'y gumawa ng mga pintuan na kahoy na olibo: ang itaas ng pintuan at ang mga haligi niyaon ay ikalimang bahagi ng panig ang laki.

719
Mga Konsepto ng TaludtodHusayGawa sa Bato, MgaCedar na KahoyTatlong Bahagi ng Itinatayo

At kaniyang ginawa ang loob na looban, na tatlong hanay na batong tabas, at isang hanay na sikang na kahoy na sedro.

725
Mga Konsepto ng TaludtodEskulturaKerubim bilang PalamutiPinapaibabawan ng GintoKerubim, Pagsasalarawan sa

Sa gayo'y gumawa siya ng dalawang pinto na kahoy na olibo; at kaniyang inukitan ng mga ukit na mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak, at binalot niya ng ginto; at kaniyang ikinalat ang ginto sa mga querubin, at sa mga puno ng palma,

766

At dalawang pinto na kahoy na abeto; ang dalawang pohas ng isang pinto ay naititiklop, at ang dalawang pohas ng kabilang pinto ay naititiklop.

770
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonBuwanBuwan, IkalawangPundasyon ng mga Gusali

Nang ikaapat na taon, sa buwan ng Ziph, inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Panginoon.

792
Mga Konsepto ng TaludtodMakaapat

Sa gayo'y gumawa naman siya sa pasukan ng templo ng mga haligi ng pintuan na kahoy na olibo, sa ikaapat na bahagi ng panig;

807
Mga Konsepto ng TaludtodPaglilokPinapaibabawan ng GintoKerubim, Pagsasalarawan sa

At kaniyang pinagukitan ng mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak; at binalot niya ng ginto na kapit sa mga ukit na gawa.