Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Mga Hari 7

1 Mga Hari Rango:

34

At ang kaniyang bahay na tahanan, ibang looban sa loob ng portiko ay sa gayon ding gawa. Kaniyang iginawa rin naman ng bahay ang anak na babae ni Faraon (na naging asawa ni Salomon) na hawig portikong ito.

91
Mga Konsepto ng TaludtodKagamitanKagamitan ng KarpenteroLagariBalangkas

Ang lahat na ito'y mga mahalagang bato, sa makatuwid baga'y mga batong tabas, ayon sa sukat, na nilagari ng mga lagari, sa labas at sa loob, mula sa mga tatagang-baon hanggang sa kataastaasan, at gayon sa labas hanggang sa malaking looban.

125
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonPundasyon ng mga GusaliSukat ng Ibang mga Bagay

At ang tatagang-baon ay mga mahalagang bato, sa makatuwid baga'y mga malaking bato, mga batong may sangpung siko, at mga batong may walong siko.

144
Mga Konsepto ng TaludtodCedar na KahoyKahoy at Bato

At sa ibabaw ay may mga mahalagang bato, sa makatuwid baga'y mga batong tabas, ayon sa sukat, at kahoy na sedro.

179

At nagsugo ang haring Salomon, at ipinasundo si Hiram sa Tiro.

190
Mga Konsepto ng TaludtodPatyoCedarPader, MgaCedar na KahoyTatlong Bahagi ng Itinatayo

At ang malaking looban sa palibot ay may tatlong hanay ng batong tabas, at isang hanay na sikang na sedro; gaya ng pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at ng portiko ng bahay.

196
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang na Labing DalawaSukat ng mga HaligiGuwang, Pagkakaroon ngDalawang Bahagi ng IpinapatayoGuwangTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

Sapagka't kaniyang tinabas ang dalawang haligi na tanso, na may labing walong siko ang taas ng bawa't isa: at isang panukat na pisi na may labing dalawang siko ay maipalilibid sa bilog ng alinman sa bawa't isa.

198
Mga Konsepto ng TaludtodTansoTunay na mga BaloSining

Siya'y anak ng isang babaing bao sa lipi ni Nephtali, at ang kaniyang ama ay lalaking taga Tiro, na manggagawa sa tanso; at siya'y puspos ng karunungan, at katalinuhan, at kabihasahan, upang gumawa ng lahat na gawain sa tanso. At siya'y naparoon sa haring Salomon, at ginawa ang lahat niyang gawain.

212
Mga Konsepto ng TaludtodSampu hanggang Labing Apat na TaonKonstruksyon

At itinayo ni Salomon ang kaniyang sariling bahay na labing tatlong taon, at kaniyang nayari ang kaniyang buong bahay.

268
Mga Konsepto ng TaludtodSukat ng mga HaligiTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At siya'y gumawa ng dalawang kapitel na binubong tanso, upang ilagay sa mga dulo ng mga haligi: ang taas ng isang kapitel ay limang siko at ang taas ng kabilang kapitel ay limang siko.

273
Mga Konsepto ng TaludtodHaligi, MgaHaligi sa Templo ni Solomon, MgaTamang PanigKaliwang bahagi ng KamayMga Taong Nagbibigay Pangalan sa mga Bagay

At kaniyang itinayo ang mga haligi sa portiko ng templo: at kaniyang itinayo ang kanang haligi, at pinanganlang Jachin: at kaniyang itinayo ang kaliwang haligi, at pinanganlang Boaz.

275
Mga Konsepto ng TaludtodKadenaLambatPitong Bagay

May mga yaring nilambat, at mga tirintas na yaring tinanikala, na ukol sa mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; pito sa isang kapitel, at pito sa kabilang kapitel.

288
Mga Konsepto ng TaludtodGranada, Prutas na

Gayon ginawa niya ang mga haligi: at mayroong dalawang hanay sa palibot ng isang yaring lambat, upang takpan ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; at gayon ang ginawa niya sa kabilang kapitel.

291
Mga Konsepto ng TaludtodSinagKagubatanKaluwaganPagtatatagApat na SuhayMaharlikang SambahayanSukat ng mga GusaliCedar na Kahoy

Sapagka't kaniyang itinayo ang bahay na kahoy sa gubat ng Libano; ang haba'y isang daang siko, at ang luwang ay limang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko, sa apat na hanay na haliging sedro na may sikang na sedro sa ibabaw ng mga haligi.

293
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan at Panukat, Tuwid naKaluwaganGiliran ng mga Bagay

At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal; at ang labi niyaon ay yaring gaya ng labi ng isang tasa, gaya ng bulaklak na lila: naglalaman ng dalawang libong bath.

302
Mga Konsepto ng TaludtodSukat ng mga Haligi

At ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi sa portiko ay mga yaring lila, na apat na siko.

341
Mga Konsepto ng TaludtodGranada, Prutas naAng Bilang Dalawang Daan

At may mga kapitel naman sa dulo ng dalawang haligi, na malapit sa pinakatiyan na nasa siping ng yaring lambat: at ang mga granada ay dalawang daan, na nahahanay sa palibot sa ikalawang kapitel.

387

At sa dulo ng mga haligi ay may yaring lila: sa gayo'y ang gawain sa mga haligi ay nayari.

389
Mga Konsepto ng TaludtodLabing LimaApatnapung Taon

At binubungan ng sedro sa ibabaw ng apat na pu't limang sikang, na nasa ibabaw ng mga haligi; labing lima sa isang hanay.

393
Mga Konsepto ng TaludtodSampung BagaySukat ng mga Gamit sa TemploTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At siya'y gumawa ng sangpung patungang tanso: apat na siko ang haba ng bawa't isa at apat na siko ang luwang, at tatlong siko ang taas.

401
Mga Konsepto ng TaludtodMagkaibang PanigBintana para sa TemploTatlong Bahagi ng Itinatayo

At may mga dungawan sa tatlong grado, at ang liwanag ng mga yaon ay nangagkakatapatan, sa tatlong grado.

404
Mga Konsepto ng TaludtodCedarKahatulan, Luklukan ngTronoBulwagan, MgaPinapaibabawan ng KahoyMga Taong Kasama sa KahatulanCedar na Kahoy

At kaniyang ginawa ang portiko ng luklukan na kaniyang paghuhukuman, sa makatuwid baga'y ang portiko ng hukuman: at nababalot ng sedro sa lapag at lapag.

412
Mga Konsepto ng TaludtodKabahayan, MgaBulwagan, MgaSukat ng mga Gusali

At siya'y gumawa ng portiko na may mga haligi: ang haba niyao'y limang pung siko, at ang luwang niyao'y tatlong pung siko, at may isang portiko na nasa harap ng mga yaon; at mga haligi at sikang ang nangasa harap ng mga yaon.

414
Mga Konsepto ng TaludtodLeon, MgaKerubim, Pagsasalarawan sa

At sa mga gilid na takip na nasa pagitan ng mga sugpong ay may mga leon, mga baka, at mga querubin; at sa itaas ng mga sugpong ay may tungtungan sa ibabaw; at sa ibaba ng mga leon, at mga baka, ay may mga tirintas na nangagbitin.

419
Mga Konsepto ng TaludtodEskulturaBagay na Nakapalibot, MgaDalawang Bunga ng Halaman

At sa ilalim ng labi sa paligid ay may mga kulukuti sa palibot, na sangpu sa bawa't siko, na nakalibid sa dagatdagatan sa palibot: ang mga kulukuti ay dalawang hanay, na binubo ng bubuin ang binubong dagatdagatan.

428
Mga Konsepto ng TaludtodMagkaibang PanigSulokBintana para sa TemploTatlong Bahagi ng Itinatayo

At ang lahat na pintuan at mga haligi ay pawang parisukat ang anyo: at ang mga liwanag ay nangagkakatapatan, sa tatlong grado.

429
Mga Konsepto ng TaludtodDisenyo

At ang pagkayari ng mga patungan ay ganitong paraan: may mga gilid na takip sa pagitan ng mga sugpong:

440
Mga Konsepto ng TaludtodPlangganaGulong, MgaApat na SuhayTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At bawa't patungan ay may apat na gulong na tanso, at mga ejeng tanso: at ang apat na paa niyao'y may mga lapatan: sa ilalim ng hugasan ay may mga lapatan na binubo, na may mga tirintas sa siping ng bawa't isa.

444
Mga Konsepto ng TaludtodKanluranTatlong HayopNakaharap sa HilagaHilaga, Timog, Silangan at KanluranLabing Dalawang Hayop

Nakapatong ang dagatdagatan sa labing dalawang baka, ang tatlo'y nakaharap sa dakong hilagaan, ang tatlo'y nakaharap sa dakong kalunuran, ang tatlo'y nakaharap sa dakong timugan, at ang tatlo'y nakaharap sa dakong silanganan; at ang dagatdagatan ay napapatong sa mga yaon, at ang lahat na puwitan ng mga yaon ay nasa loob.

452
Mga Konsepto ng TaludtodPaguukitKalalimanSiningParisukat, MgaSukat ng mga Gamit sa Templo

At ang bunganga niyaong nasa loob ng kapitel, at ang taas ay may isang siko: at ang bunganga niyao'y mabilog ayon sa pagkayari ng tungtungan, na may isang siko't kalahati: at sa bunganga naman niyao'y may mga ukit, at ang mga gilid ng mga yaon ay parisukat, hindi mabilog.

493
Mga Konsepto ng TaludtodEskulturaTimbangan at Panukat ng DistansyaSukat ng mga Gamit sa TemploBilog

At kaniyang ginawa ang binubong dagatdagatan na may sangpung siko mula sa labi't labi, na lubos na mabilog, at ang taas ay limang siko: at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko ang maipalilibid sa palibot.

702
Mga Konsepto ng TaludtodLuwadLuwad, Gamit ng

Sa kapatagan ng Jordan binubo ng hari, sa malagkit na lupa na nasa pagitan ng Succoth at ng Sarthan.

707
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatalaga sa Lumang TipanPilakPagiimbakTao, Natapos Niyang GawaPagtatalaga

Ganito nayari ang buong gawa ng haring Salomon na ginawa sa bahay ng Panginoon. At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama, ang pilak at ang ginto, at ang mga kasangkapan, at ipinasok sa mga silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon.

709
Mga Konsepto ng TaludtodKutsara, MgaMangkok, MgaInsensaryoGintong Gamit sa TabernakuloProbisyon ng Kagamitan sa Templo

At ang mga saro, at ang mga panggupit ng micha, at ang mga mangkok, at ang mga panandok, at ang mga suuban, na taganas na ginto; at ang mga pihitang ginto maging ang sa mga pinto ng bahay sa loob, na kabanalbanalang dako, at ang sa mga pinto ng bahay, sa makatuwid baga'y ng templo.

714
Mga Konsepto ng TaludtodHapag, MgaGintong Gamit sa Tabernakulo

At ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapan na nasa bahay ng Panginoon: ang ginintong dambana, at ang dulang na gininto na kinaroroonan ng tinapay na handog;

720
Mga Konsepto ng TaludtodIlawanLimang BagaySampung Bagay

At ang mga kandelero na taganas na ginto na lima sa dakong kanan, at lima sa kaliwa sa harap ng sanggunian; at ang mga bulaklak, at ang mga ilawan, at mga pangipit na ginto;

763
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng KakayahanPlangganaPala, MgaProbisyon ng Kagamitan sa TemploTao, Natapos Niyang Gawa

At ginawa ni Hiram ang mga hugasan, at ang mga pala, at ang mga mangkok. Gayon tinapos gawin ni Hiram ang lahat na gawa na kaniyang ginawa sa haring Salomon, sa bahay ng Panginoon:

765
Mga Konsepto ng TaludtodPaghuhugasTimbangan at Panukat ng TubigSampung BagaySukat ng mga Gamit sa TemploParaan ng PaglilinisTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At siya'y gumawa ng sangpung hugasang tanso: isang hugasan ay naglalaman ng apat na pung bath: at bawa't hugasan ay may apat na siko: at sa bawa't isa sa sangpung patungan ay isang hugasan.

779
Mga Konsepto ng TaludtodSukat ng mga Gamit sa Templo

At sa ibabaw ng patungan ay may isang nakababakod na mabilog na may kalahating siko ang taas: at sa ibabaw ng patunga'y nandoon ang mga panghawak, at ang mga gilid ay kaputol niyaon.

783

At ang pagkagawa ng mga gulong ay gaya ng pagkagawa ng mga gulong ng karo: ang mga eje ng mga yaon, at ang mga Ilanta ng mga yaon, at ang mga rayos ng mga yaon at ang mga boha niyaon ay pawang binubo.

785
Mga Konsepto ng TaludtodTapyas ng BatoKerubim, Pagsasalarawan sa

At sa mga lamina ng mga panghawak niyaon at sa mga gilid niyaon, ay kaniyang inukitan ng mga querubin, mga leon, at mga puno ng palma ayon sa pagitan ng bawa't isa, na may mga tirintas sa palibot.

788
Mga Konsepto ng TaludtodApat na SuhaySukat ng mga Gamit sa Templo

At ang apat na gulong ay nasa ibaba ng mga gilid; at ang mga eje ng mga gulong ay nasa patungan: at ang taas ng bawa't gulong ay isang siko at kalahati.

796
Mga Konsepto ng TaludtodTansoPagkamal ng Tanso

At lahat na kasangkapan ay hindi tinimbang ni Salomon, sapagka't totoong napakarami: ang timbang ng tanso ay hindi makukuro.

797
Mga Konsepto ng TaludtodHaligi sa Templo ni Solomon, MgaDalawang Bahagi ng IpinapatayoTaas ng mga Bagay

Ang dalawang haligi, at ang dalawang kabilugan sa paligid ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; at ang dalawang yaring lambat na nakaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi;

800
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na mga SisidlanPala, MgaBanal na Sisidlan, MgaProbisyon ng Kagamitan sa TemploDamoPalayok

At ang mga palyok, at ang mga pala, at ang mga mangkok: sa makatuwid baga'y lahat ng kasangkapang ito na ginawa ni Hiram sa haring Salomon, sa bahay ng Panginoon, ay pawang tansong binuli.

801
Mga Konsepto ng TaludtodApat hanggang Limang DaanGranada, Prutas naApat at Limang Daan

At ang apat na raang granada sa dalawang yaring lambat; ang dalawang hanay na granada sa bawa't yaring lambat, upang makaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi;

806
Mga Konsepto ng TaludtodSampung BagayKatulad na Laki

Ayon sa paraang ito ay kaniyang ginawa ang sangpung patungan: lahat ng yaon ay iisa ang pagkabubo, iisa ang sukat, at iisa ang anyo.

810
Mga Konsepto ng TaludtodLimang Bagay

At kaniyang inilagay ang mga patungan, lima sa kanang tagiliran ng bahay, at lima sa kaliwang tagiliran ng bahay: at kaniyang inilagay ang dagatdagatan sa tagilirang kanan ng bahay sa dakong silanganan, na dakong timugan.

811
Mga Konsepto ng TaludtodApat na SuhayBalangkas

At may apat na lapatan sa apat na panulok ng bawa't patungan: ang mga lapatan ay kaputol ng patungan.

812
Mga Konsepto ng TaludtodSampung BagayParaan ng Paglilinis

At ang sangpung patungan, at ang sangpung hugasan sa ibabaw ng mga patungan;

816
Mga Konsepto ng TaludtodLabing Dalawang Hayop

At ang isang dagatdagatan, at ang labing dalawang baka sa ilalim ng dagatdagatan;