Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Paralipomeno 29

1 Paralipomeno Rango:

36

Pati ng buo niyang paghahari, at kaniyang kapangyarihan at ang mga panahong dinaanan niya, at ng Israel, at ng lahat ng mga kaharian ng mga lupain.

410

Kaya't pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng buong kapisanan; at sinabi ni David, Purihin ka, Oh Panginoon, na Dios ng Israel na aking ama, magpakailan kailan man.

413
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngDiyos, Kaluwalhatian ngDaigdig ay Pag-aari ng DiyosDiyos, Kamaharlikahan ngDiyos na Naghahari sa LahatDiyos, Pagkanatatangi ngPagiging UloProbidensyaKaluwalhatian ng Diyos, Kapahayagan ngKapangyarihanPagkadakilaNabibilangPagsambaPamamahala

Iyo, Oh Panginoon ang kadakilaan, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagka't lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo: iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat.

420
Mga Konsepto ng TaludtodHinirang, Pananagutan saWalang KaranasanKalagitnaan ng EdadKabataanBaguhanNagsasanayLimitasyon ng KabataanBalangkas

At sinabi ni David na hari sa buong kapisanan, si Salomon na aking anak na siya lamang pinili ng Dios ay bata pa at sariwa, at ang gawain ay malaki; sapagka't ang templo ay hindi ukol sa tao, kundi sa Panginoong Dios.

465
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkatao na Paglalarawan saPagbibigay ng Ari-arianPagbibigay ng SariliDiyos ay Buhay at Umiiral sa SariliDiyos na TagapagkaloobPagbibigay sa DiyosPaggalang sa KapaligiranKapakumbabaan, Halimbawa ngPananagutan sa KalikasanPagkukusaPagbibigay, Balik na

Nguni't sino ako, at ano ang aking bayan, na makapaghahandog na ganyang kusa ayon sa ganitong paraan? sapagka't ang lahat na bagay ay nangagmumula sa iyo, at ang iyong sarili ay aming ibinigay sa iyo.

467
Mga Konsepto ng TaludtodHiyasBakalAlahasMineral, MgaBato, MgaMahahalagang BatoKulay

Akin ngang ipinaghanda ng aking buong kaya ang bahay ng aking Dios, ng ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at ng pilak na ukol sa mga bagay na pilak, at ng tanso na ukol sa mga bagay na tanso, ng bakal na ukol sa mga bagay na bakal, at ng kahoy na ukol sa mga bagay na kahoy; ng mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, ng mga batong panggayak, at may sarisaring kulay, at ng lahat na sarisaring mahalagang bato, at ng mga batong marmol na sagana.

485
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat na Hindi NapanatiliTagakitaPagsusulatMga Nakamit

Ang mga gawa nga ni David na hari, na una at huli, narito, nangasusulat sa kasaysayan ni Samuel na tagakita, at sa kasaysayan ni Nathan na propeta, at sa kasaysayan ni Gad na tagakita;

496
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kagalakan ngKatapatanPagbibigay Lugod sa DiyosPagpapatunay sa Pamamagitan ng PagsubokKabutihanDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngPagsusuri sa PusoDiyos na Sumusubok sa mga TaoPagkukusaPagsubok, MgaPagsusuriMotibo

Talastas ko rin, Dios ko na iyong sinusubok ang puso, at nalulugod sa katuwiran. Sa ganang akin, sa katuwiran ng aking puso ay aking inihandog na kusa ang lahat na bagay na ito: at ngayo'y nakita kong may kagalakan ang iyong bayan na nahaharap dito, na naghahandog na kusa sa iyo.

532
Mga Konsepto ng TaludtodPagpahid ng Langis ay sinasagawa saPagsasagawa ng Dalawang UlitKumakain sa Harapan ng DiyosPinahiran ng Langis, Mga Hari naPagpahid ng Langis sa mga Saserdote

At nagkainan at naginuman sa harap ng Panginoon nang araw na yaon na may malaking kasayahan. At kanilang ginawang hari na ikalawa si Salomon na anak ni David, at pinahiran ng langis siya sa Panginoon upang maging pangulo, at si Sadoc upang maging saserdote.

536
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamasigasigMapagbigay na TaoKagalakan ng IsraelPagkatuwaBuong PusoPagkukusa

Nang magkagayo'y nagalak ang bayan, dahil sa sila'y nangaghandog na kusa, sapagka't sila'y may dalisay na puso na nangaghandog na kusa sa Panginoon: at si David naman na hari ay nagalak ng dakilang pagkagalak.

549
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng Ari-arianPagkukusa

Nang magkagayo'y naghandog na kusa ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang, at ang mga prinsipe ng mga lipi ng Israel, at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, pati ng mga tagapamahala sa gawain ng hari;

553
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaPagiging ManlalakbayPagasa, Bunga ng KawalangBuhay ng TaoPisikal na BuhayPesimismoDumaan sa GitnaAnino, MgaTaon ng JubileeBuhay, Kaiklian ngNaglalakbayNaglalakbay, Halimbawa ngDayuhan, MgaDayuhan

Sapagka't kami ay mga taga ibang lupa sa harap mo, at mga nakikipamayan, gaya ng lahat naming mga magulang: ang aming mga kaarawan sa lupa ay gaya ng anino, at hindi nagtatagal.

557
Mga Konsepto ng TaludtodKasaganahan, Materyal naInuming HandogIsanglibong mga HayopAlay sa Tansong Altar

At sila'y nagsipaghain ng mga hain sa Panginoon, at nagsipaghandog sa Panginoon ng mga handog na susunugin sa kinabukasan, pagkatapos nang araw na yaon, sa makatuwid baga'y isang libong baka, at isang libong tupang lalake, at isang libong kordero, pati ng mga inuming handog na ukol sa mga yaon, at ng mga hain na sagana ukol sa buong Israel;

569
Mga Konsepto ng TaludtodSolomon, Buhay niTrono

Nang magkagayo'y naupo si Salomon sa luklukan ng Panginoon na pinaka hari na kahalili ni David na kaniyang ama, at guminhawa; at ang buong Israel ay tumalima sa kaniya.

571
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay sa DiyosKayamanan, Ugali ng Mananampalataya saPagtustos ng Diyos

Oh Panginoon naming Dios, lahat ng bagay na ito na aming inihanda upang ipagtayo ka ng bahay na ukol sa iyong banal na pangalan ay nangagmumula sa iyong kamay, at iyong sariling lahat.

592
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ng ating mga NinunoPuso at Espiritu SantoPuso ng TaoKatapatanTao, Mithiin ngImahinasyon

Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel na aming mga magulang, ingatan mo ito magpakailan man sa akala ng mga pagiisip ng puso ng iyong bayan, at ihanda mo ang kanilang puso sa iyo:

605
Mga Konsepto ng TaludtodDonasyonPagmamahalKonstruksyon

Bukod din naman dito, sapagka't aking inilagak ang aking loob sa bahay ng aking Dios, na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak, ay aking ibinibigay sa bahay ng aking Dios, bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa banal na bahay;

614
Mga Konsepto ng TaludtodKaloobPinapaibabawan ng GintoPinapaibabawan ng PilakPagkukusa

Sa makatuwid baga'y tatlong libong talentong ginto, na ginto sa Ophir, at pitong libong talentong dalisay na pilak upang ibalot sa mga panig ng mga bahay:

637
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngMaharlika, Pagka

At pinadakilang mainam ng Panginoon si Salomon sa paningin ng buong Israel, at isinakaniya ang gayong karangalang pagkahari na hindi napasa kanino mang hari na nauna sa kaniya sa Israel.

652
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodPagpapatirapaPagyukod ng Ulo sa Harapan ng Diyos

At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at iniyukod ang kanilang mga ulo, at sumamba sa Panginoon, at sa hari.

665
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoBakalPilakKaloob

At ibinigay nila sa paglilingkod sa bahay ng Dios, ay ginto, na limang libong talento, at sangpung libong dariko, at pilak na sangpung libong talento, at tanso na labing walong libong talento, at bakal na isang daang libong talento.

686

Si David nga na anak ni Isai ay naghari sa buong Israel.

697
Mga Konsepto ng TaludtodPananalangin sa IbaMagulang para sa mga Anak, Panalangin ngMga Utos sa Lumang TipanPananalangin para sa Kapakanan ng IbaMagulang sa mga Anak, Tungkulin ngBalangkas

At bigyan mo naman si Salomon na aking anak ng sakdal na puso, upang ingatan ang iyong mga utos, ang iyong mga patotoo, at ang iyong mga palatuntunan, at upang gawin ang lahat na bagay na ito, at upang itayo ang templo, na siyang aking ipinaghanda.

735
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng SariliPagpapakabanal, Katangian at BatayanPagtatalagaPagkukusaManggagawa ng SiningSining

Ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at pilak na ukol sa mga bagay na pilak at sa lahat na sarisaring gawain na yayariin ng mga kamay ng mga manggagawa. Sino nga ang naghahandog na kusa upang magtalaga sa Panginoon sa araw na ito?

740
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang ApatnapuPitong Taon30 hanggang 40 mga taon40 hanggang 50 mga taon

At ang panahon na kaniyang ipinaghari sa Israel ay apat na pung taon; pitong taon na naghari siya sa Hebron, at tatlong pu't tatlong taon na naghari siya sa Jerusalem.

747

At sila'y nangasumpungang may mga mahalagang bato ay nagsipagbigay sa kayamanan ng bahay ng Panginoon, sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ni Jehiel na Gersonita.

826
Mga Konsepto ng TaludtodPagtandaKasiyahan sa mga Materyal na BagayTagapagmanaKalaguang PisikalMatandang Edad, Pagkamit ngGulang

At siya'y namatay sa mabuting katandaan, puspus ng mga araw, mga kayamanan, at karangalan: at si Salomon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

827
Mga Konsepto ng TaludtodPanata, Mga

At ang lahat na prinsipe at mga matapang na lalake, at ang lahat ding anak ng haring David, ay sumailalim ng kapangyarihan ng haring Salomon.