Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 18

1 Samuel Rango:

16
Mga Konsepto ng TaludtodDavid, Tagumpay niKawalang KaibiganMasamang PayoPakikipagniigPagkakaibigan, Halimbawa ngHuling mga SalitaYaong mga NagmahalMatalik na mga KaibiganPagkakaibigan at TiwalaKaluluwa, Kapareha ng

At nangyari, nang siya'y makatapos na magsalita kay Saul, na ang kaluluwa ni Jonathan ay nalakip sa kaluluwa ni David, at minahal ni Jonathan siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.

49

Nguni't nangyari na sa panahong ibibigay kay David si Merab na anak na babae ni Saul, ay ibinigay na asawa kay Adriel na Meholatita.

74
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aasawa, Kaugalian tungkol saPag-aasawa, Layunin ngLalake at Babae na Nagmamahalan, MgaSaulo

At sinisinta ni Michal na anak na babae ni Saul si David: at kanilang isinaysay kay Saul, at ang bagay ay ikinalugod niya.

91
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaBalatDotePag-aasawa, Kaugalian tungkol saPlano, MgaPuso, WalangIsang Daan

At sinabi ni Saul, Ganito ang inyong sasabihin kay David: Hindi nagnanasa ang hari ng anomang bigaykaya, kundi isang daang balat ng masama ng mga Filisteo, upang mapanghigantihan ang mga kaaway ng hari. Ang balak nga ni Saul ay maibuwal si David sa pamamagitan ng kamay ng mga Filisteo.

127
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aasawa, Kaugalian tungkol saManugang na LalakiTao, Patibong sa

At sinabi ni Saul, Aking ibibigay sa kaniya siya, upang siya'y maging silo sa kaniya, at upang ang kamay ng mga Filisteo ay maging laban sa kaniya. Kaya't sinabing ikalawa ni Saul kay David: Ikaw ay magiging aking manugang sa araw na ito.

176
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging MababaPagiging MaliitHindi Mahahalagang Bagay

At sinalita ng mga lingkod ni Saul ang mga salitang yaon sa pakinig ni David. At sinabi ni David, Inaakala ba ninyo na magaang bagay ang maging manugang ng hari, dangang ako'y isang dukhang tao at niwawalang kabuluhan?

211
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang Dalawang DaanBalatPagbibigay sa Buhay May AsawaPagkalalake

At tumindig si David at yumaon, siya at ang kaniyang mga lalake, at pumatay sa mga Filisteo ng dalawang daang lalake; at dinala ni David ang kanilang mga balat ng masama, at kaniyang ibinigay ng buong bilang sa hari, upang siya'y maging manugang ng hari. At ibinigay na asawa sa kaniya ni Saul si Michal na kaniyang anak na babae.

244
Mga Konsepto ng TaludtodPribadoManugang na LalakiYaong mga Nagmahal

At iniutos ni Saul sa kaniyang mga lingkod, na sinasabi, Makipagusap kayo kay David ng lihim, at inyong sabihin, Narito, kinatutuwaan ka ng hari at minamahal ka ng lahat ng kaniyang mga lingkod: ngayon nga ay maging manugang ka ng hari.

260
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos sa piling ng mga TaoLalake at Babae na Nagmamahalan, MgaSaulo

At nakita at nalaman ni Saul na ang Panginoon ay sumasa kay David; at sinisinta si David ni Michal na anak ni Saul.

267
Mga Konsepto ng TaludtodPananakotTakot sa Isang Tao

At si Saul ay lalong natatakot kay David; at naging kaaway ni David si Saul na palagi.

376
Mga Konsepto ng TaludtodNagsasabi tungkol sa Sinabi ng mga TaoSaulo

At isinaysay ng mga lingkod ni Saul sa kaniya, na sinabi, Ganitong paraan nagsalita si David.

393
Mga Konsepto ng TaludtodKagalakan at Karanasan ng TaoPaglilibang at Pagpapalipas ng OrasBirhenMusika sa PagdiriwangPagbabalik sa Tahanan

At nangyari pagdating nila, nang bumalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo, na ang mga babae ay lumabas mula sa lahat ng mga bayan ng Israel, na nagaawitan at nagsasayawan, upang salubungin ang haring si Saul, ng mga pandereta, ng kagalakan, at ng panugtog ng tugtugin.

397

At nang saysayin ng kaniyang mga lingkod kay David ang mga salitang ito, ay ikinalugod na mabuti ni David na maging manugang siya ng hari. At ang mga araw ay hindi pa nagaganap;

416
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hindi Bumabalik

At kinuha siya ni Saul nang araw na yaon, at hindi na siya tinulutang umuwi sa bahay ng kaniyang ama.

423
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipisan sa mga MananampalatayaKatapatan sa Pakikitungo sa TaoPagibig sa Isa't IsaTipan, Relasyon saYaong mga Nagmahal

Nang magkagayo'y si Jonathan at si David ay nagtibay ng isang tipan, sapagka't minahal niya siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.

434
Mga Konsepto ng TaludtodDavid, Kakayahan niMasama, Tagumpay laban saAlpaGamotPropesiya, Paraan sa Lumang TipanEspiritu, MgaInstrumentalista, MgaKaisipan, Sakit ng

At nangyari nang kinabukasan, na ang masamang espiritu na mula sa Dios ay dumating na makapangyarihan kay Saul, at siya'y nanghula sa gitna ng bahay: at si David ay tumugtog ng kaniyang kamay, gaya ng kaniyang ginagawa araw-araw; at hawak ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay.

461
Mga Konsepto ng TaludtodAntasAng Matuwid ay Nagtatagumpay

At lumalabas si David saan man suguin ni Saul, at siya'y nagpakabait: at inilagay ni Saul siya sa mga lalaking mangdidigma, at minabuti ng paningin ng buong bayan, at gayon din ng paningin ng mga lingkod ni Saul.

462
Mga Konsepto ng TaludtodTipan ng PagpapakasalPagtataksilPag-aasawa, Kaugalian tungkol saPagiging IsaPagdarayaPakikipaglaban sa mga Kaaway

At sinabi ni Saul kay David, Narito ang aking lalong matandang anak na babae na si Merab; siya'y aking ibibigay sa iyo na asawa: magpakatapang ka lamang dahil sa akin, at iyong ilaban ang mga pagbabaka ng Panginoon. Sapagka't sinabi ni Saul, Huwag pagbuhatan siya ng aking kamay, kundi ang kamay ng mga Filisteo, ang magbuhat sa kaniya.

464
Mga Konsepto ng TaludtodPana at Palaso, Gamit ngBalutiSinturonBalabalKalasag, Sanggalang naKasuotanMga Taong Nagbibigay ng DamitMga Taong HinuhubaranKalasag

At hinubad ni Jonathan ang kaniyang balabal na nakasuot sa kaniya, at ibinigay kay David, at ang kaniyang kasuutan pati ng kaniyang tabak, at ng kaniyang busog at ng kaniyang pamigkis.

487
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamalabisKatanyaganPagkukumpara, Mga

At nagaawitan ang mga babae sa kanilang pagtugtog, at sinasabi, Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo, At ni David ang kaniyang laksa-laksa.

562
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanapDiyos sa piling ng mga TaoAng Matuwid ay NagtatagumpayUmuunlad

Nagpakabait si David sa lahat ng kaniyang kilos; at ang Panginoon ay sumasakaniya.

569
Mga Konsepto ng TaludtodItinatapong mga SibatPagtakas mula sa Taung-BayanTinatangkang Patayin ang Ganitong mga Tao

At inihagis ni Saul ang sibat; sapagka't kaniyang sinabi, Aking tutuhugin si David sa dinding. At tumanan si David sa kaniyang harap na makalawa.

603
Mga Konsepto ng TaludtodPagtalikod ni SauloDiyos sa piling ng mga TaoTakot sa Isang TaoNatatakot

At natakot si Saul kay David, sapagka't ang Panginoon ay sumasakaniya, at nahiwalay na kay Saul.

604
Mga Konsepto ng TaludtodPag-uugaliInggit, Halimbawa ngHindi PagkagustoPagkasiphayoMagaliting mga Tao

At nagalit na mainam si Saul at ang sabing ito ay isinama niya ng loob; at kaniyang sinabi, Kanilang inilagay kay David ay laksalaksa, at sa akin ay kanilang inilagay ang libolibo lamang: at ano na lamang ang kaniyang tatangkilikin kundi ang kaharian?

612
Mga Konsepto ng TaludtodTriboKapakumbabaanMinisteryo, Kwalipikasyon para saKaruwaganManugang na LalakiAko ay Hindi Mahalaga

At sinabi ni David kay Saul, Sino ako at ano ang aking buhay, o ang sangbahayan ng aking ama sa Israel, upang maging manugang ako ng hari?

648
Mga Konsepto ng TaludtodLabas Pasok

Kaya't inihiwalay ni Saul siya sa kaniya, at siya'y ginawa niyang punong kawal sa isang libo; at siya'y naglalabas pumasok sa harap ng bayan.

670
Mga Konsepto ng TaludtodTribo ng IsraelLabas PasokYaong mga Nagmahal

Nguni't minamahal ng buong Israel at Juda si David; sapagka't siya'y naglalabas pumasok sa harap nila.

681

Nang magkagayo'y lumabas ang mga pangulo ng mga Filisteo: at nangyari, na sa tuwing sila'y lumalabas ay nagpakabait si David kay sa lahat ng mga lingkod ni Saul; sa gayon ang kaniyang pangalan ay lalong namahal.

715
Mga Konsepto ng TaludtodPag-uusig, Uri ngTakot sa Isang TaoAng Matuwid ay Nagtatagumpay

At nang makita ni Saul na siya'y nagpakabait, siya'y natakot sa kaniya.