51 Talata sa Bibliya tungkol sa Natatakot

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Deuteronomio 1:29

Nang magkagayo'y sinabi ko sa inyo, Huwag kayong mangilabot ni matakot sa kanila.

Josue 10:25

At sinabi ni Josue sa kanila, Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban.

Lucas 1:30

At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios.

Isaias 41:10
Mga Konsepto ng TaludtodKatuwiranPagkabalisa at KalumbayanAko ay Kanilang Magiging DiyosHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay TutulongDiyos na Nagbibigay LakasPagkabalisa at TakotKatapangan at LakasTakot sa DiyosTakot at KabalisahanNababalisaPag-iingat ng DiyosTustosTulongPagtulongNagtitiwala sa Diyos at Hindi NababalisaPagkabalisaPagiging TakotNagbibigay KaaliwanPagiging KristyanoKahirapanPakikipaglabanPagiging Tiwala ang LoobMasamang PamumunoPagiging tulad ni CristoMasamang PananalitaPagiging Ganap na KristyanoPesimismoKaisipan, Sakit ngDiyos na Nagbibigay LakasKalakasan, EspirituwalPagiisaPawiin ang TakotMananakopPagiingatKatiyakan, Katangian ngKaisipan, Kalusugan ngPuso, SinaktangPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayKamay ng DiyosPinagtaksilanNagpapanatiling ProbidensiyaMapagkakatiwalaanTiwala sa Diyos, Nagbubunga ng KatapanganKaaliwanPagiging Alam ang LahatKalakasan, Ang Diyos ang AtingTakotPagiging PinagpalaPagiisaKalakasan ng Loob sa BuhayTamang GulangPagsagipDiyos, Katuwiran ngPagiging Lingkod ng DiyosAko ang PanginoonPagiingat mula sa DiyosKapayapaan sa Lumang Tipan, MakaDiyos naPagasa at LakasPag-aalinlangan, Pagtugon saDiyos na nasa IyoKanang Kamay ng DiyosPagiging MatulunginPagpapakamatay, Kaisipan ngDiyos na Saiyo ay TutulongKaaliwan kapag NagiisaDiyos na Sumasaiyo

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Jonas 1:10

Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao, at sinabi sa kaniya, Ano itong iyong ginawa? Sapagka't talastas ng mga tao na siya'y tumatakas mula sa harapan ng Panginoon, sapagka't isinaysay niya sa kanila,

Daniel 10:19

At kaniyang sinabi, Oh taong minamahal na mainam, huwag kang matakot: kapayapaan ang sumaiyo, magpakalakas ka, oo, magpakalakas ka. At nang siya'y magsalita sa akin, ako'y lumakas, at nagsabi, Magsalita ang aking panginoon; sapagka't iyong pinalakas ako.

Mateo 14:27

Datapuwa't pagdaka'y nagsalita sa kanila si Jesus, na nagsasabi, Laksan ninyo ang inyong loob; ako nga: huwag kayong mangatakot.

Josue 10:8

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag mo silang katakutan: sapagka't aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo.

Isaias 57:11

At kanino ka nangilabot at natakot, na ikaw ay nagsisinungaling, at hindi mo ako inalaala, o dinamdam mo man? hindi baga ako tumahimik na malaong panahon, at hindi mo ako kinatatakutan.

Exodo 20:20

At sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot: sapagka't ang Dios ay naparito upang subukin kayo, at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala.

Mga Hebreo 12:21

At totoong kakilakilabot ang napanood, ano pa't sinabi ni Moises, Ako'y totoong nasisindak at nanginginig:

Isaias 54:4

Huwag kang matakot; sapagka't ikaw ay hindi mapapahiya: o malilito ka man; sapagka't hindi ka malalagay sa kahihiyan: sapagka't iyong kalilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan, at ang pula sa iyong pagkabao ay hindi mo maaalaala pa.

Job 6:21

Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot.

Awit 56:4

Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita), sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; anong magagawa ng laman sa akin?

Jeremias 42:11

Huwag kayong mangatakot sa hari sa Babilonia na inyong kinatatakutan; huwag kayong mangatakot sa kaniya, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y sumasainyo upang iligtas ko kayo, at alisin kayo sa kaniyang kamay.

Kawikaan 3:25

Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot, ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating:

1 Samuel 18:12

At natakot si Saul kay David, sapagka't ang Panginoon ay sumasakaniya, at nahiwalay na kay Saul.

Deuteronomio 20:8

At muling magsasalita ang mga puno sa bayan, at kanilang sasabihin, Sinong lalake ang matatakutin at mahinang loob? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka ang puso ng kaniyang mga kapatid ay manglupaypay na gaya ng kaniyang puso.

Deuteronomio 28:10

At makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa, na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon at sila'y matatakot sa iyo.

Mga Taga-Roma 13:3

Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:

Awit 18:45

Ang mga taga ibang lupa ay manganghihiluka, at sila'y magsisilabas na nanganginginig mula sa kanilang mga taguang dako.

Job 3:25

Sapagka't ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin, at ang aking pinangingilabutan ay dumarating sa akin.

2 Paralipomeno 20:29

At ang takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain, nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel.

Mga Paksa sa Natatakot

Yaong Hindi Natatakot

1 Corinto 16:10

Ngayon kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman:

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a