Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 31

1 Samuel Rango:

400
Mga Konsepto ng TaludtodPagharapMga Kaaway ng Israel at JudaLupain bilang Kaloob ng DiyosIsrael, Tumatakas ang

Ang mga Filisteo nga ay lumaban sa Israel: at ang mga lalake sa Israel ay tumakas sa harap ng mga Filisteo, at nangabuwal na patay sa bundok ng Gilboa.

437
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga Kilalang Tao

At hinabol ng panunod ng mga Filisteo si Saul at ang kaniyang mga anak; at pinatay ng mga Filisteo si Jonathan, at si Abinadab, at si Melchisua, na mga anak ni Saul.

465
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno, Katangian ngPitoLinggo, MgaSementeryoPitong ArawTamariskoPagaayuno tuwing may Kalungkutan

At kanilang kinuha ang kanilang mga buto at ibinaon sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes, at nagayuno silang pitong araw.

466
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang-Pagasa, Larawan ngPagasa, Bunga ng KawalangPagpapakamatayHindi PagtutuliPagkabalisa, Mga Halimbawa ngGinawang KatatawananPagpayag na MagpatiwakalAbuso

Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang tagadala ng sandata, Bunutin mo ang iyong tabak at palagpasan mo ako niyaon; baka dumating ang mga hindi tuling ito at ako'y palagpasan, at ako'y kanilang pahirapan. Nguni't ayaw ang kaniyang tagadala ng sandata; sapagka't siya'y totoong natakot. Kaya't kinuha ni Saul ang kaniyang tabak, at nagpakabuwal sa kaniyang tabak.

644
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayBulaang Diyus-diyusanPader, MgaNaglilingkod kay Aserah

At kanilang inilagay ang kaniyang sakbat, sa bahay ni Astaroth: at kanilang ibinitin ang bangkay niya sa kuta ng Beth-san.

660

At nang mabalitaan ng mga tumatahan sa Jabes-galaad ang tungkol sa ginawa ng mga Filisteo kay Saul,

667
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hinuhubaran ang mga TaoMga Taong Hinuhubaran

At nangyari nang kinabukasan nang ang mga Filisteo ay dumating upang hubaran ang mga patay, ay kanilang nasumpungan si Saul at ang kaniyang tatlong anak na nabuwal sa bundok ng Gilboa.

669
Mga Konsepto ng TaludtodAng PatayPaglalakad sa Buong GabiPagsunog sa mga TaoBangkay ng mga Tao

Lahat ng matapang na lalake ay bumangon at nagsilakad sa buong gabi at kinuha ang bangkay ni Saul at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak sa kuta ng Beth-san; at sila'y naparoon sa Jabes, at kanilang pinagsunog doon.

674
Mga Konsepto ng TaludtodKalasag sa DibdibMamamana, Mga Taong Tinamaan ng mga

At ang pagbabaka ay lumubha laban kay Saul, at inabutan siya ng mga mamamana; at siya'y totoong nahirapan dahil sa mga mamamana.

758
Mga Konsepto ng TaludtodPugutan ng UloMga Taong Hinuhubaran ang mga TaoMga Taong HinuhubaranBungo, MgaMabuting Balita

At kanilang pinugot ang kaniyang ulo, at hinubad ang kaniyang mga sakbat, at ipinadala sa lupain ng mga Filisteo sa palibot upang ibalita sa mga bahay ng kanilang mga diosdiosan at sa bayan.

783
Mga Konsepto ng TaludtodGalit ng Diyos, Mga Halimbawa ngPamilya, Kamatayan sa

Gayon namatay si Saul, at ang kaniyang tatlong anak, at ang kaniyang tagadala ng sandata, at ang lahat niyang mga lalake nang araw na yaon na magkakasama.

784
Mga Konsepto ng TaludtodKalasag

At nang makita ng kaniyang tagadala ng sandata na si Saul ay patay, siya naman ay nagpakabuwal sa kaniyang tabak, at nagpakamatay na kasama niya.

786
Mga Konsepto ng TaludtodLungsod sa IsraelIsrael, Tumatakas angLampas sa Jordan

At nang makita ng mga lalake sa Israel na nasa kabilang dako ng libis, at ng mga nasa dako roon ng Jordan, na ang mga lalake sa Israel ay tumakas, at si Saul at ang kaniyang mga anak ay namatay, kanilang iniwan ang mga bayan, at nagsitakas; at naparoon ang mga Filisteo, at tumahan sa mga yaon.