Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Samuel 1

2 Samuel Rango:

3
Mga Konsepto ng TaludtodIsrael, Tumatakas angAnong Pamamaraan?

At sinabi ni David sa kaniya, Ano ang nangyari? isinasamo ko sa iyo na iyong saysayin sa akin. At siya'y sumagot: Ang bayan ay tumakas sa pakikipagbaka, at karamihan sa bayan naman ay nangabuwal at nangamatay; at si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay nangamatay rin.

5
Mga Konsepto ng TaludtodPagtakas sa mga Pisikal na BagayHalimbawa ng PagtakasPagtakas mula sa Taung-BayanSaan Mula?

At sinabi ni David sa kaniya, Saan ka nanggaling? At kaniyang sinabi sa kaniya, Sa kampamento ng Israel ay tumakas ako.

8
Mga Konsepto ng TaludtodKarwahePagkakataonSinasalakay gamit ang KarwaheIba pang Tumutulong

At sinabi sa kaniya ng binatang nagsaysay, Sa isang pagkakataon ay napasa bundok ako ng Gilboa, narito, si Saul ay nagpakabuwal sa kaniyang sibat; at, narito, hinahabol siyang mainam ng mga karo at ng mga mangangabayo.

10
Mga Konsepto ng TaludtodMasdan nyo Ako!Hari na Ipinatawag, Mga

At nang siya'y lumingon, kaniyang nakita ako, at tinawag niya ako, at ako'y sumagot: Narito ako.

11
Mga Konsepto ng TaludtodSaulo

At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya: Paanong nalalaman mo na si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay patay?

12
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno, Katangian ngGabiKalugihanPagtangisGumawa hanggang GabiPagaayuno tuwing may KalungkutanTinatangisan ang Kamatayan ng Iba

At sila'y tumangis, at umiyak, at nagayuno hanggang sa paglubog ng araw, dahil kay Saul, at dahil kay Jonathan na kaniyang anak, at dahil sa bayan ng Panginoon, at dahil sa sangbahayan ng Israel; sapagka't sila'y nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.

13
Mga Konsepto ng TaludtodMga PulserasUlo, MgaTakip sa UloPalamutiPagpatay sa mga Hari

Sa gayo'y tumayo ako sa siping niya, at aking pinatay siya, sapagka't talastas ko na siya'y hindi mabubuhay pagkatapos na siya'y nabuwal: at aking kinuha ang putong na nasa kaniyang ulo, at ang pulsera na nasa kaniyang kamay, at aking dinala rito sa aking panginoon.

16
Mga Konsepto ng TaludtodYaong mga Humapak ng Kanilang Kasuotan

Nang magkagayo'y tinangnan ni David ang kaniyang mga suot at pinaghapak; at gayon din ang ginawa ng lahat na lalake na kasama niya:

17
Mga Konsepto ng TaludtodSino ito?

At sinabi niya sa akin, Sino ka? At ako'y sumagot sa kaniya, Ako'y isang Amalecita.

19
Mga Konsepto ng TaludtodPagsusulat ng AwitinMga Aklat ng KasaysayanPagtuturo ng Daan ng Diyos

(At kaniyang ipinaturo sa mga anak ni Juda ang awit sa pamamana narito, nasusulat sa aklat ni Jaser):

20
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapakamatayHinagpis, Sanhi ngHangarin na MamatayHanggang sa Itatagal ng BuhayPagpayag na Magpatiwakal

At kaniyang sinabi uli sa akin, Tumayo ka sa siping ko, isinasamo ko sa iyo, at patayin mo ako, dahil sa dinatnan ako ng panglulumo; sapagka't ang aking buhay ay lubos ko pang taglay.

21
Mga Konsepto ng TaludtodDugo, Talinghaga na GamitUlo, MgaAng Pinahiran ng PanginoonPagpatay sa mga HariSaksi laban sa SariliTaksil, Mga

At sinabi ni David sa kaniya, Ang iyong dugo ay sumaiyong ulo; sapagka't ang iyong bibig ang sumaksi laban sa iyo, na nagsasabi, Aking pinatay ang pinahiran ng langis ng Panginoon.

22
Mga Konsepto ng TaludtodPangungulila, Pahayag ngTumatangisTinatangisan ang Kamatayan ng Iba

At tinaghuyan ni David ng ganitong panaghoy si Saul at si Jonathan na kaniyang anak:

24
Mga Konsepto ng TaludtodAng Pinahiran ng PanginoonPagpatay sa mga HariBakit mo ito Ginagawa?

At sinabi ni David sa kaniya, Bakit hindi ka natakot na iunat mo ang iyong kamay na patayin ang pinahiran ng langis ng Panginoon?

25
Mga Konsepto ng TaludtodHari na Ipinatawag, Mga

At tinawag ni David ang isa sa mga bataan, at sinabi, Lumapit ka, at daluhungin mo siya. At kaniyang sinaktan siya, na anopa't namatay.

26
Mga Konsepto ng TaludtodSaan Mula?

At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya, Taga saan ka? At siya'y sumagot: Ako'y anak ng isang taga ibang lupa, na Amalecita.

29
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NatitisodLuging Balik sa Kapangyarihan

Ang iyong kaluwalhatian, Oh Israel, ay napatay sa iyong matataas na dako! Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan!

30
Mga Konsepto ng TaludtodTagtuyot, Pisikal naHamogKakulangan sa UlanPagpahid ng Langis ang mga Bagay-bagay

Kayong mga bundok ng Gilboa, Huwag magkaroon ng hamog, o ulan man sa inyo, kahit mga bukid na mga handog: Sapagka't diyan ang kalasag ng makapangyarihan ay nahagis ng kahalayhalay. Ang kalasag ni Saul, na parang isa, na hindi pinahiran ng langis.

31
Mga Konsepto ng TaludtodPana at Palaso, Gamit ngMamamana, Mga LalakengMga Taong NagtatagumpayPagpatay sa Maraming Tao

Sa dugo ng pinatay, sa taba ng makapangyarihan, Ang busog ni Jonathan ay hindi umurong, At ang tabak ni Saul ay hindi nagbalik na walang dala.

32
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig, at ang MundoHindi PagtutuliKalye, MgaHuwag SabihinNagagalak sa Masama

Huwag ninyong saysayin sa Gath, Huwag ninyong ihayag sa mga lansangan ng Ascalon; Baka ang mga anak na babae ng mga Filisteo ay mangagalak, Baka ang mga anak na babae ng mga hindi tuli ay magtagumpay.

33
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakaibiganAgilaKasamahanMabilis TumakboMalalakas na mga Tauhan

Si Saul at si Jonathan ay nagibigan at nagmagandahang-loob sa kanilang kabuhayan. At sa kanilang kamatayan sila'y hindi naghiwalay; Sila'y lalong maliliksi kay sa mga agila, Sila'y lalong malalakas kay sa mga leon.

35
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaPulang-pulaPalamuti ng KababaihanTelaGintoPalamutiPagtangisKulay, Iskarlata naPulang Kasuotan, MgaGintong PalamutiPagsusuot ng mga PalamutiTinatangisan ang Kamatayan ng Iba

Kayong mga anak na babae ng Israel, iyakan ninyo si Saul, Na siyang sa inyo'y maselang na nagbihis ng escarlata, Na siyang naggayak ng ginto sa inyong mga kasuutan.

36
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NatitisodLuging Balik sa KapangyarihanPagpatay sa mga Kilalang Tao

Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan sa gitna ng pagbabaka! Oh Jonathan, napatay ka sa iyong matataas na dako.

42
Mga Konsepto ng TaludtodSandata, MgaMga Taong NatitisodLuging Balik sa KapangyarihanDigmaanBayani, Mga

Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan, At nangalipol ang mga sandata na pandigma!

55
Mga Konsepto ng TaludtodMabubuting mga KaibiganMalambingHindi MaligayaPagpapahalagaPagkakaibigan, Halimbawa ngYaong mga NagmahalBabae, Lugar ngPagkakaibigan at PagibigPagkawala ng KaibiganTunay na mga KaibiganPuso, SugatangAng Hilig sa mga Babae

Ako'y namanglaw dahil sa iyo, kapatid kong Jonathan: Naging totoong kalugodlugod ka sa akin; Ang iyong pag-ibig sa akin ay kagilagilalas, Na humihigit sa pagsinta ng mga babae.

406
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodAng Ikatlong Araw ng LinggoPagyukod sa Harapan ni DavidAbo sa UloYaong mga Humapak ng Kanilang KasuotanPinupuri ang Ilang Kinauukulang Tao

Ay nangyari, sa ikatlong araw, na narito, ang isang lalake ay lumabas sa kampamento na mula kay Saul na hapak ang kaniyang suot, at may lupa ang kaniyang ulo: at nagkagayon, na nang dumating siya kay David, ay nagpatirapa at nagbigay galang.

409
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang Araw

At nangyari, pagkamatay ni Saul, nang magbalik si David na mula sa pagpatay sa mga Amalecita, at tumahan si David na dalawang araw sa Siclag;