Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 30

1 Samuel Rango:

177

At sa kanila na nasa Hebron, at sa lahat na dako na karaniwang pinaroroonan ni David at ng kaniyang mga lalake.

394
Mga Konsepto ng TaludtodPagsusunogPagsunog sa mga Lungsod

At nangyari, nang si David at ang kaniyang mga lalake ay dumating sa Siclag, sa ikatlong araw, na ang mga Amalecita ay sumalakay sa Timugan, at sa Siclag, at sinaktan ang Siclag, at sinunog ng apoy;

435
Mga Konsepto ng TaludtodMapanalanginin, PagigingHinanakit Laban sa mga TaoBatuhinPagiging Masama ang LoobKatapanganPananangan sa DiyosDiyos na Nagpapalakas sa mga TaoTakot na BatuhinKatapangan at LakasPamilya, Lakas ngBagabag at KabigatanPamilya, Problema saTrahedyaUdyokNakapagpapalakas LoobNakapagpapasiglaAkoPaghahanap ng Kaaliwan sa Diyos

At nagdalamhating totoo si David, sapagka't pinagsasalitaan ng bayan na batuhin siya, sapagka't ang kaluluwa ng buong bayan ay pumanglaw, bawa't tao dahil sa kanikaniyang mga anak na lalake at babae; nguni't si David ay nagpakatibay sa Panginoon niyang Dios.

634
Mga Konsepto ng TaludtodAng Urim at Tumim

At sinabi ni David kay Abiathar na saserdote, na anak ni Ahimelech, Isinasamo ko sa iyo na dalhin mo rito ang epod. At dinala doon ni Abiathar ang epod kay David.

636
Mga Konsepto ng TaludtodPasasKeykTuyong PrutasTatlong Araw at GabiPagbangon

At binigyan nila siya ng isang putol ng binilong igos, at dalawang buwig na ubas; at nang kaniyang makain, ang kaniyang diwa ay nagsauli uli sa kaniya: sapagka't hindi siya nakakain ng tinapay o nakainom man ng tubig, na tatlong araw at tatlong gabi.

661
Mga Konsepto ng TaludtodKaloob, Mga

At nang dumating si David sa Siclag, siya'y nagpadala ng mga samsam sa mga matanda sa Juda, sa makatuwid baga'y sa kaniyang mga kaibigan, na sinasabi, Narito, ang isang kaloob sa inyo na mula sa samsam sa mga kaaway ng Panginoon;

664
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa mga Lungsod

Kami ay sumalakay sa Timugan ng mga Ceretheo, at sa nauukol sa Juda, at sa Timugan ng Caleb; at aming sinunog ng apoy ang Siclag.

672
Mga Konsepto ng TaludtodPatas na BayadBagaheNagbabahagiLabanan

At sino ang didinig sa inyo sa bagay na ito? sapagka't kung gaano ang bahagi ng lumusong sa pakikipagbaka, ay gayon ang bahagi ng naiwan sa daladalahan: sila'y paraparang magkakabahagi.

696

Sa kanila na nasa Beth-el, at sa kanila na nasa Ramoth ng Timugan, at sa kanila na nasa Jathir;

698
Mga Konsepto ng TaludtodPagsangguni sa DiyosSinagot na PanalanginNaabutanPagbutiPamilya, Kaguluhan sa

At sumangguni si David sa Panginoon, na nagsasabi, Kung aking habulin ang pulutong na ito, ay akin kayang aabutan sila? At sinagot niya siya, Iyong habulin: sapagka't tunay na iyong aabutan, at walang pagsalang mababawi mo ang lahat.

705

At sa kanila na sa Horma, at sa kanila na nasa Chorasan, at sa kanila na nasa Athach;

709
Mga Konsepto ng TaludtodAnim hanggang Pitong DaanAnimnaraan at Higit Pa

Sa gayo'y yumaon si David, siya at ang anim na raang lalake na kasama niya, at naparoon sa batis ng Besor, na kinaroroonan niyaong mga naiwan sa likuran.

712

At dinalang bihag ang mga babae at lahat na nandoon, ang maliliit at gayon din ang malalaki; hindi nila pinatay ang sinoman, kundi kanilang pinagdadala, at nagpatuloy ng kanilang lakad.

719
Mga Konsepto ng TaludtodPagtakasMga KamelyoKabalyeryaApat hanggang Limang DaanIsang ArawPagtakas mula sa Taung-BayanApat at Limang DaanPakikipaglaban sa mga Kaaway

At sinaktan ni David sila mula sa pagtatakip silim hanggang sa paglubog ng araw sa sumunod na araw: at walang taong nakatanan sa kanila liban sa apat na raang bataan na nakasakay sa mga kamelyo at tumakas.

744
Mga Konsepto ng TaludtodKatakawanPistahanLumabisPagsasayaKumain at Umiinom

At nang kaniyang mailusong, narito, sila'y nangangalat sa buong lupa, na nagkakainan at nagiinuman, at nagkakasayahan, dahil sa lahat na malaking samsam na kanilang nakuha sa lupain ng mga Filisteo, at sa lupain ng Juda.

746
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang BabaeTunay na mga BaloDavid, Mga Asawa ni

At ang dalawang asawa ni David ay nabihag, si Ahinoam na taga Jezreel, at si Abigail, na asawa ni Nabal, na taga Carmelo.

750
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang Dalawang DaanApat hanggang Limang DaanApat at Limang DaanPagod sa PanghahabolPagod

Nguni't hinabol ni David, niya at ng apat na raang lalake: sapagka't ang dalawang daan natira sa likuran, na mga pata na hindi na nakatawid sa batis ng Besor:

751
Mga Konsepto ng TaludtodPagbatiAng Bilang Dalawang DaanPagod sa Panghahabol

At naparoon si David sa dalawang daang lalake, na totoong mga pata na hindi nangakasunod kay David, na kanila namang pinatahan sa batis ng Besor; at sila'y lumabas upang salubungin si David, at upang salubungin ang mga taong kasama niya: at nang lumapit si David sa bayan, siya'y bumati sa kanila.

753
Mga Konsepto ng TaludtodTao na Nagbibigay TubigYaong mga Nagbigay ng Pagkain

At sila'y nakasumpong ng isang taga Egipto sa parang, at dinala nila siya kay David, at binigyan nila siya ng tinapay, at kumain: at binigyan nila siya ng tubig na mainom:

754
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa mga LungsodPagbuti

At nang si David at ang kaniyang mga lalake ay dumating sa bayan, narito, sinunog ng apoy; at ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak na lalake at babae ay pinagdadalang bihag.

761
Mga Konsepto ng TaludtodPinabayaanEmployer, Masamang Halimbawa ng mgaMaysakit na isang TaoSaan Mula?

At sinabi ni David sa kaniya, Kanino ka ba nauukol? at taga saan ka? At sinabi niya, Ako'y isang binatang taga Egipto, bataan ng isang Amalecita; at iniwan ako ng aking panginoon, sapagka't tatlong araw na ako'y nagkasakit.

762
Mga Konsepto ng TaludtodHindi sa mga TaoHinati ang mga Ninakaw

Nang magkagayo'y sumagot ang lahat ng masamang tao, at mga tao na hamak, sa mga yumaong kasama ni David, at nagsabi, Sapagka't hindi sila yumaong kasama namin, hindi namin bibigyan sila ng samsam na aming nabawi, liban sa bawa't lalake ay ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak, upang kanilang dalhin, at yumaon.

771

At kinuha ni David ang lahat ng kawan at bakahan, na kanilang dinala na nasa unahan niyaong mga ibang hayop, at sinabi, Ito'y samsam ni David.

777
Mga Konsepto ng TaludtodPagtangisLuhaIba pa na Tumatangis

Nang magkagayo'y si David at ang bayan na nasa kaniya ay naglakas ng tinig, at umiyak, hanggang sa sila'y nawalan ng lakas na umiyak.

781

At sa kanila na nasa Rachal, at sa kanila na nasa mga bayan ng mga Jerameelita, at sa kanila na nasa mga bayan ng mga Cineo;

782

At sa kanila na nasa Aroer, at sa kanila na nasa Siphmoth, at sa kanila na nasa Esthemoa;

789
Mga Konsepto ng TaludtodOrdinansiyaBantayog Hanggang Ngayon

At nagkagayon, na mula sa araw na yaon, na siya'y gumawa ng isang palatuntunan at ayos sa Israel, hanggang sa araw na ito.

790
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalik sa mga BagayDalawang BabaeTauhang Nagliligtas ng Iba, MgaDavid, Mga Asawa niPagbuti

At binawi ni David ang lahat na nakuha ng mga Amalecita: at iniligtas ni David ang kaniyang dalawang asawa.

791
Mga Konsepto ng TaludtodPag-uusapPagtataksilMga Taong Tali ng Panata

At sinabi ni David sa kaniya, Ilulusong mo ba ako sa pulutong na ito? At kaniyang sinabi, Ipanumpa mo sa akin ang Dios, hindi mo ako papatayin, o ibibigay man sa mga kamay ng aking panginoon, at aking ilulusong ka sa pulutong na ito.

794
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

Nang magkagayo'y sinabi ni David, Huwag ninyong gagawing gayon, mga kapatid ko, sa ibinigay sa atin ng Panginoon, na siyang nagadya sa atin, at nagbigay sa ating kamay ng pulutong na naparito laban sa atin.

804
Mga Konsepto ng TaludtodKakulanganWalang KalugihanMay Isang NawawalaNaliligaw

At walang nagkulang sa kanila, kahit maliit o malaki man, kahit mga anak na lalake o babae man, kahit samsam man, kahit anomang bagay na nakuha nila sa kanila: ibinalik na lahat ni David.