Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 13

2 Mga Hari Rango:

38
Mga Konsepto ng TaludtodKabayo, MgaDumadalawPagtangisKamatayan ng mga Banal, Halimbawa ngPagdalaw sa mga MaysakitPagdalawMagkapares na mga SalitaMakalangit na KarwahePaanong ang Kamatayan ay Hindi MaiiwasanMaysakit na isang TaoPagtangis sa KapighatianTalaan ng mga Hari ng IsraelKaramdamanKanser

Si Eliseo nga ay nagkasakit ng sakit na kaniyang ikinamatay: at binaba siya at iniyakan siya ni Joas na hari sa Israel, at nagsabi, Ama ko, ama ko, ang mga karo ng Israel at ang mga nangangabayo niyaon!

74
Mga Konsepto ng TaludtodPana, Mga

At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Kumuha ka ng busog at mga pana: at siya'y kumuha ng busog at mga pana.

101
Mga Konsepto ng TaludtodHawakan ang Kamay

At sinabi niya sa hari sa Israel, Ilagay mo ang iyong kamay sa busog: at inilagay niya ang kaniyang kamay roon. At inilagay ni Eliseo ang kaniyang mga kamay sa mga kamay ng hari.

132
Mga Konsepto ng TaludtodGawa ng Pagbubukas, AngPagliligtasSirya

At kaniyang sinabi, Buksan mo ang dungawan sa dakong silanganan: at binuksan niya. Nang magkagayo'y sinabi ni Eliseo, Magpahilagpos ka: at siya'y nagpahilagpos. At kaniyang sinabi, Ang pana nga ng pagtatagumpay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang pana ng pagtatagumpay sa Siria: sapagka't iyong sasaktan ang mga taga Siria sa Aphec, hanggang sa iyong mangalipol.

165
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Buong PusoGumagawa ng Tatlong UlitPana, Mga

At kaniyang sinabi, Tangnan mo ang mga pana: at tinangnan niya ang mga yaon. At sinabi niya sa hari sa Israel, Humampas ka sa lupa: at siya'y humampas na makaitlo, at tumigil.

178
Mga Konsepto ng TaludtodBatisPananakop, Mga

At namatay si Eliseo, at kanilang inilibing siya. Ang mga pulutong nga ng mga Moabita ay nagsilusob sa lupain sa pagdating ng taon.

181
Mga Konsepto ng TaludtodKatawanHimala, Katangian ng mgaHimala ni Eliseo, MgaButo, MgaLibingan ng Ibang TaoPagbangon

At nangyari, samantalang kanilang inililibing ang isang lalake, na, narito, kanilang natanaw ang isang pulutong; at kanilang inihagis ang lalake sa libingan ni Eliseo: at pagkasagi ng tao ng mga buto ni Eliseo, siya'y nabuhay uli, at tumayo sa kaniyang mga paa.

229
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggap mula sa DiyosDiyos ng ating mga NinunoDiyos na MapagbiyayaBanal na KaluguranBanal na PagkaantalaPinalayas mula sa Presensya ng DiyosTipan ng Diyos sa mga Patriarka

Nguni't ang Panginoo'y naawa sa kanila at nahabag sa kanila, at kaniyang pinakundanganan sila, dahil sa kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, at hindi nilipol sila o pinalayas man sila sa kaniyang harapan hanggang noon.

274
Mga Konsepto ng TaludtodSirya

At pinighati ni Hazael na hari sa Siria ang Israel sa lahat ng kaarawan ni Joachaz.

281
Mga Konsepto ng TaludtodGumagawa ng Tatlong UlitPagbihag sa mga Lungsod

At inalis uli ni Joas na anak ni Joachaz sa kamay ni Ben-adad na anak ni Hazael ang mga bayan na kaniyang inalis sa kamay ni Joachaz na kaniyang ama sa pakikipagdigma. Makaitlong sinaktan siya ni Joas, at binawi ang mga bayan ng Israel.

297
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Buong PusoGumagawa ng Tatlong UlitPagtagumpayan ang Mahirap na SandaliSirya

At ang lalake ng Dios ay naginit sa kaniya, at nagsabi, Marapat nga sana na iyong hampasing makalima o makaanim; sinaktan mo nga sana ang Siria hanggang sa iyong nalipol: kaya't ngayo'y sasaktan mo ang Siria na makaitlo lamang.

305
Mga Konsepto ng TaludtodBanyagang mga HariSirya

At si Hazael na hari sa Siria ay namatay; at si Ben-adad na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

461
Mga Konsepto ng Taludtod15 hanggang 20 mga taonTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang ikadalawangpu't tatlong taon ni Joas na anak ni Ochozias na hari sa Juda, nagpasimulang maghari si Joachaz na anak ni Jehu sa Israel sa Samaria, at nagharing labing pitong taon.

531
Mga Konsepto ng TaludtodKapangyarihan ng TaoGalit ng Diyos, Dulot ngSirya

At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at palagi niyang ibinigay sila sa kamay ni Hazael na hari sa Siria, at sa kamay ni Ben-adad na anak ni Hazael.

538

At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon, at sumunod sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel; hindi niya hiniwalayan ang mga yaon.

559
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang TagapagligtasTahananPagsagipPagtakas mula sa Taung-BayanTauhang Nagliligtas ng Iba, Mga

(At binigyan ng Panginoon ang Israel ng isang tagapagligtas, na anopa't sila'y nagsilabas na mula sa kamay ng mga taga Siria: at ang mga anak ni Israel ay nagsitahan sa kanilang mga tolda, gaya ng dati.

569
Mga Konsepto ng TaludtodSinagot na PanalanginBiyaya sa Lumang TipanPinangalanang mga Tao na NanalanginPaghahanap sa Lingap ng Diyos

At si Joachaz ay dumalangin sa Panginoon, at dininig siya ng Panginoon: sapagka't nakita niya ang kapighatian ng Israel, kung paanong inapi sila ng hari sa Siria.

580
Mga Konsepto ng Taludtod15 hanggang 20 mga taonTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang ikatatlongpu't pitong taon ni Joas na hari sa Juda ay nagpasimula si Joas na anak ni Joachaz na maghari sa Israel sa Samaria, at nagharing labing anim na taon.

619
Mga Konsepto ng TaludtodNaglilingkod kay Aserah

Gayon ma'y hindi sila nagsihiwalay sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Jeroboam, na ipinapagkasala sa Israel, kundi nilakaran nila: at nalabi ang Asera naman na Samaria).

628
Mga Konsepto ng TaludtodSundalo, MgaGumigiikSampung BagayLimangpuSampu-sampung LiboDinudurog na mga Tao

Sapagka't hindi siya nagiwan kay Joachaz sa mga tao liban sa limangpung nangangabayo, at sangpung karo, at sangpung libong taong lakad; sapagka't nilipol sila ng hari sa Siria, at ginawa silang parang alabok sa giikan.

638
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Katangian ngTinutularan ang mga Masasamang Hari

At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon; siya'y hindi humiwalay sa lahat na kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel; kundi kaniyang nilakaran.

648
Mga Konsepto ng TaludtodHari ng Hilagang Kaharian, MgaTalaan ng mga Hari ng Israel

At si Joachaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang: at inilibing nila siya sa Samaria: at si Joas na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

665
Mga Konsepto ng TaludtodTalaan ng mga Hari ng Israel

At si Joas ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Jeroboam ay naupo sa kaniyang luklukan; at si Joas ay nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel.

672
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan, Halimbawa ngPakikipaglaban sa Isa't IsaMga Aklat ng Kasaysayan

Ang iba nga sa mga gawa ni Joas, at ang lahat niyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakipaglaban kay Amasias na hari sa Juda, hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

707
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng KasaysayanMga NakamitNakamit

Ang iba nga sa mga gawa ni Joachaz, at ang lahat niyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?