Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 14

2 Mga Hari Rango:

30
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglaban sa Isa't IsaMga Aklat ng KasaysayanMga Nakamit

Ang iba nga sa mga gawa ni Joas na kaniyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, at kung paanong siya'y lumaban kay Amasias na hari sa Juda, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

54
Mga Konsepto ng TaludtodPagtulog at KamatayanHari ng Hilagang Kaharian, MgaTalaan ng mga Hari ng Israel

At natulog si Joas na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel; at si Jeroboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

139
Mga Konsepto ng TaludtodGulang nang KinoronahanGinawang mga HariHari ng Israel at Juda, Mga

At kinuha ng buong bayan ng Juda si Azarias na may labing anim na taon, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias.

144
Mga Konsepto ng Taludtod15 hanggang 20 mga taonTalaan ng mga Hari ng Israel

At si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda ay nabuhay pagkamatay ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel, na labing limang taon.

152
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng Kasaysayan

Ang iba nga sa mga gawa ni Amasias, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

156
Mga Konsepto ng Taludtod40 hanggang 50 mga taonTalaan ng mga Hari ng IsraelHari ng Juda, Mga

Nang ikalabing limang taon ni Amasias na Anak ni Joas na hari sa Juda, si Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari sa Samaria, at nagharing apat na pu't isang taon.

184

Kaniyang itinayo ang Elath, at isinauli sa Juda pagkatapos na ang hari ay matulog na kasama ng kaniyang mga magulang.

232
Mga Konsepto ng TaludtodKaragatanSalita ng DiyosPinangalanang mga Propeta ng PanginoonSalita na Natupad sa mga Tao, Mga

Kaniyang isinauli ang hangganan ng Israel mula sa pasukan ng Hamath hanggang sa dagat ng Araba, ayon sa salita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Jonas na anak ni Amittai, na propeta na taga Gath-hepher.

250
Mga Konsepto ng TaludtodHari ng Hilagang Kaharian, MgaTalaan ng mga Hari ng Israel

At si Jeroboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, sa makatuwid baga'y ng mga hari sa Israel; at si Zacharias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

251
Mga Konsepto ng TaludtodPangalang BinuraTauhang Nagliligtas ng Iba, Mga

At hindi sinabi ng Panginoon na kaniyang papawiin ang pangalan ng Israel mula sa silong ng langit, kundi iniligtas nila siya sa pamamagitan ng kamay ni Jeroboam na anak ni Joas.

263
Mga Konsepto ng TaludtodMapagtanggap, PagigingPaghihirap ng mga Walang MuwangDiyos na Nakikita ang KahirapanDiyos na Nagsugo ng Kanyang AnakWalang Tulong

Sapagka't nakita ng Panginoon ang kapighatian ng Israel, na totoong masaklap: sapagka't walang nakulong o naiwan sa kaluwangan man, o sinomang tumulong sa Israel.

270
Mga Konsepto ng TaludtodKabayo, MgaInilibing sa Lungsod ni David

At dinala nila siya na nakapatong sa mga kabayo: at siya'y nalibing sa Jerusalem na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David.

280
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Katangian ng

At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang lahat na kasalanan ni Jeroboam na Anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.

299
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng KasaysayanMga NakamitNakamit

Ang iba nga sa mga gawa ni Jeroboam, at ang lahat na kaniyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, kung paanong siya'y nakipagdigma, at kung paanong binawi niya para sa Israel ang Damasco at ang Hamath, na nangaukol sa Juda, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

304
Mga Konsepto ng TaludtodSabwatan, MgaNagplaplano ng MasamaPagpatay sa mga HariSabwatan

At sila'y nagsipagbanta laban sa kaniya sa Jerusalem; at siya'y tumakas sa Lachis: nguni't pinasundan nila siya sa Lachis, at pinatay siya roon.

425
Mga Konsepto ng TaludtodTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang ikalawang taon ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel ay nagpasimula si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda na maghari.

438
Mga Konsepto ng TaludtodAsinLambak, MgaSampu-sampung LiboMga Pangalan Hanggang sa Araw na ItoBilang ng mga Banyagang Namatay

Siya'y pumatay sa mga Idumeo ng sangpung libo sa Libis ng Asin, at sinakop ang Sela sa pakikipagdigma, at pinanganlang Jocteel, hanggang sa araw na ito.

454
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanTrosong PanggibaPader, MgaPagkawasak ng JerusalemPagkawasak ng Pader ng JerusalemPinangalanang mga TarangkahanTalaan ng mga Hari ng Israel

At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda, na anak ni Joas na anak ni Ochozias, sa Beth-semes, at naparoon sa Jerusalem, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa pintuang-bayan ng sulok, na apat na raang siko.

464
Mga Konsepto ng TaludtodSugo, Mga IpinadalangTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang magkagayo'y nagsugo ng mga sugo si Amasias kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu, na hari sa Israel, na sinasabi, Halika, tayo'y magtitigan,

470
Mga Konsepto ng TaludtodAklat ng KautusanKasalanan ng mga MagulangNasusulat sa KautusanKamatayan ng isang Bata

Nguni't ang mga anak ng mga mamamatay tao ay hindi niya pinatay; ayon doon sa nasusulat sa aklat ng kautusan ni Moises, gaya ng iniutos ng Panginoon, na sinasabi, Ang mga ama ay hindi papatayin dahil sa mga anak, o ang mga anak man ay papatayin dahil sa mga ama; kundi bawa't tao ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kasalanan.

494
Mga Konsepto ng Taludtod20 hanggang 30 mga taonGulang nang KinoronahanIna ng mga Hari, Mga

Siya'y may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawangpu't siyam na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Joaddan na taga Jerusalem.

506
Mga Konsepto ng TaludtodCedarPabulaTinik,MgaPanunuyaDawag, MgaLumang Tipan, Mga Talinghaga saPagbibigay sa Buhay May Asawa

At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda, na nagsasabi, Ang dawag na nasa Libano ay nagsugo sa sedro na nasa Libano, na nagsasabi, Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak: at nagdaan ang isang mabangis na hayop na nasa Libano, at niyapakan ang dawag.

541
Mga Konsepto ng TaludtodKayabangan, Katangian ng MasamaPakialameroPalalong mga Tao

Iyong tunay na sinaktan ang Edom, at pinapagmataas ka ng iyong puso: lumuwalhati ka nawa, at tumahan sa bahay: sapagka't bakit ka nakikialam sa ikasasama, upang ikaw ay mabuwal, ikaw, at ang Juda na kasama mo?

578
Mga Konsepto ng TaludtodPagharapTalaan ng mga Hari ng IsraelMga Tao na Sinasalakay ang Kapwa Nila

Nguni't hindi dininig ni Amasias. Sa gayo'y umahon si Joas na hari sa Israel; at siya, at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa Beth-semes, na ukol sa Juda.

591

At nangyari, pagkatatag ng kaharian sa kaniyang kamay, na kaniyang pinatay ang kaniyang mga lingkod na nagsipatay sa hari na kaniyang ama.

610
Mga Konsepto ng TaludtodGintoPagiimbakSalapi para sa TemploKumuha ng mga Pinahalong Metal

At kinuha niya ang lahat na ginto at pilak, at ang lahat na kasangkapan na masumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari, pati ng mga sanglang tao at bumalik sa Samaria.

622
Mga Konsepto ng TaludtodPagkahari, PantaongHindi Tinutularan ang MabutiMga Taong Gumawa ng Tama

At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, gayon man di gaya ni David na kaniyang magulang: kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ni Joas na kaniyang ama.

632
Mga Konsepto ng TaludtodInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ng

Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.

682
Mga Konsepto ng TaludtodIsrael, Tumatakas angPagkatalo ng Bayan ng Diyos

At ang Juda ay napariwara sa harap ng Israel; at sila'y tumakas bawa't isa sa kaniyang tolda.