Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Paralipomeno 19

2 Paralipomeno Rango:

299
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamuhiIpinagbabawal na Kasunduan

At si Jehu na anak ni Hanani na tagakita ay lumabas na sinalubong siya, at sinabi sa haring Josaphat: Tutulungan mo ba ang mga masama at mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon.

335
Mga Konsepto ng TaludtodKabuoan

At si Josaphat na hari sa Juda ay umuwing payapa sa kaniyang bahay sa Jerusalem.

348
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatangiPanunuhol ay KasalananPagtanggap ng SuholDiyos, Katarungan ngDiyos, Hindi Pagtatangi ngPagpipitagan at Asal sa LipunanMahistrado, Mga

Ngayon nga'y sumainyo nawa ang takot sa Panginoon; magsipagingat kayo at inyong gawin: sapagka't walang kasamaan sa Panginoon nating Dios, o tumangi man sa mga tao, o tumanggap man ng mga suhol.

378
Mga Konsepto ng TaludtodHari, Tungkulin ng mgaMahistrado, MgaDiyos sa piling ng mga TaoPagsasagawa ng PasyaKahatulan

At sinabi sa mga hukom, Buhayin ninyo kung ano ang inyong ginagawa: sapagka't hindi kayo nagsisihatol ng dahil sa tao, kundi dahil sa Panginoon, at siya'y sumasainyo sa kahatulan.

417
Mga Konsepto ng TaludtodPunong SaserdoteKatapangan

At, narito, si Amarias na punong saserdote ay nasa inyo sa lahat ng bagay ng Panginoon; at si Zebadias na anak ni Ismael, na tagapamahala sa sangbahayan ni Juda, sa lahat ng mga bagay ng hari: ang mga Levita rin naman ay magiging mga pinuno sa harap ninyo. Gawin ninyong may katapangan at ang Panginoon ay sumasamabuti nawa.

425
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Hinihingi ng Diyos para sa

At si Josaphat ay tumahan sa Jerusalem: at siya'y lumabas uli sa gitna ng bayan na mula sa Beer-seba hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim, at ibinalik niya sila sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.

435
Mga Konsepto ng TaludtodRepormasyonBinagong Puso

Gayon ma'y may mabuting mga bagay na nasumpungan sa iyo, sa iyong pagaalis ng mga Asera sa lupain, at inilagak mo ang iyong puso upang hanapin ang Dios.

441
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang Tipan

Bukod dito'y naglagay si Josaphat sa Jerusalem ng ilan sa mga Levita, at sa mga saserdote, at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, dahil sa kahatulan ng Panginoon, at sa mga pagkakaalitan. At sila'y nagsibalik sa Jerusalem.

563
Mga Konsepto ng TaludtodHukom, MgaBagabag at Kabigatan

At siya'y naglagay ng mga hukom sa lupain sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda sa bayan at bayan.

656
Mga Konsepto ng TaludtodOrdinansiyaBabala

At anomang kaalitan ang dumating sa inyo na mula sa inyong mga kapatid na nagsisitahan sa kanilang mga bayan, na dugo't dugo, kautusan at utos, mga palatuntunan at mga kahatulan, ay inyong papayuhan sila, upang sila'y huwag maging salarin sa Panginoon, at sa gayo'y kapootan ay huwag dumating sa inyo, at sa inyong mga kapatid: ito'y inyong gawin, at kayo'y hindi magiging salarin.

663
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa DiyosPaninindigan sa DiyosTaimtim na AtasPagpipitagan at Asal sa LipunanTakot sa Panginoon

At kaniyang binilinan sila, na sinasabi, Ganito ang inyong gagawin, sa takot sa Panginoon, na may pagtatapat, at may sakdal na puso.