Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Paralipomeno 20

2 Paralipomeno Rango:

14
Mga Konsepto ng TaludtodMangaawitKoroPagpupuri sa DiyosKabanalanManggagawa ng Sining

At nang siya'y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila'y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.

49
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyadoSandatahang-LakasSurpresa

At nang sila'y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri, ang Panginoon ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila'y nangasugatan.

120
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglaban sa Isa't Isa

Sapagka't ang mga anak ni Ammon at ni Moab ay nagsitayo laban sa mga taga bundok ng Seir, upang lubos na magsipatay at lipulin sila: at nang sila'y makatapos sa mga taga bundok ng Seir, bawa't isa'y tumulong na lumipol sa iba.

127

At nang ikaapat na araw, sila'y nagpupulong sa libis ng Baracah; sapagka't doo'y kanilang pinuri ang Panginoon: kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Libis ng Baracah, hanggang sa araw na ito.

142

Sa gayo'y ang kaharian ni Josaphat ay natahimik: sapagka't binigyan siya ng kaniyang Dios ng kapahingahan sa palibot.

188
Mga Konsepto ng TaludtodSamahanPagpapantay

At pagkatapos nito ay nakipisan si Josaphat na hari sa Juda kay Ochozias na hari sa Israel; na siyang gumawa ng totoong masama:

193
Mga Konsepto ng TaludtodMandaragatIpinagbabawal na KasunduanPagpapahayag ng Propesiya

Nang magkagayo'y si Eliezer na anak ni Dodava sa Mareosah ay nanghula laban kay Josaphat, na kaniyang sinabi, Sapagka't ikaw ay nakipisan kay Ochozias, giniba ng Panginoon ang iyong mga gawa. At ang mga sasakyan ay nangabasag, na anopa't sila'y hindi na makaparoon sa Tharsis.

194
Mga Konsepto ng TaludtodAng Hukbong DagatSamahan

At siya'y nakipisan sa kaniya upang gumawa ng mga sasakyang dagat na magsisiparoon sa Tharsis: at kanilang ginawa ang mga sasakyan sa Esion-geber.

199
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpeta

At sila'y nagsiparoon sa Jerusalem na may mga salterio at mga alpa, at mga pakakak sa bahay ng Panginoon.

286
Mga Konsepto ng TaludtodPagwasak

At nang ang Juda ay dumating sa bantayang moog sa ilang, sila'y nagsitingin sa karamihan; at, narito, mga bangkay na nangakabuwal sa lupa, at walang nakatanan.

287
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyadoSinasalakayPananakop, Mga

At nangyari, pagkatapos nito, na ang mga anak ni Moab, at ang mga anak ni Ammon, at pati ng iba sa mga Ammonita, ay naparoon laban kay Josaphat upang makipagbaka.

291
Mga Konsepto ng TaludtodSamsam sa DigmaanPagtitiponHiyas, Mga

At nang si Josaphat at ang kaniyang bayan ay magsiparoon upang kunin ang samsam sa kanila, kanilang nasumpungan sa kanila na sagana ay mga kayamanan at mga bangkay, at mga mahahalagang hiyas na kanilang mga sinamsam para sa kanilang sarili, na higit kay sa kanilang madala: at sila'y nagsidoon na tatlong araw, sa pagkuha ng samsam, na totoong marami.

293
Mga Konsepto ng TaludtodPananampalataya at Pagpapala ng DiyosDisyerto, EspisipikongPagpapasya, MgaUmagaTagumpayDigmaan, Halimbawa ngPananampalataya, Layon ngBumangon, MaagangYaong mga Bumangon ng UmagaPahayag sa Pamamagitan ng mga PropetaPagkakaibigan at TiwalaDiyos bilang Pansin ng Pananampalataya

At sila'y nagsibangong maaga sa kinaumagahan, at nagsilabas sa ilang ng Tecoa: at habang sila'y nagsisilabas, si Josaphat ay tumayo, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Juda, at ninyong mga taga Jerusalem; sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios, sa gayo'y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta, sa gayo'y giginhawa kayo.

298
Mga Konsepto ng TaludtodPagkatuwa

Nang magkagayo'y nagsibalik sila, bawa't lalake sa Juda, at sa Jerusalem, at si Josaphat ay sa unahan nila, upang bumalik sa Jerusalem na may kagalakan; sapagka't sila'y pinapagkatuwa ng Panginoon sa kanilang mga kaaway.

312
Mga Konsepto ng TaludtodKatapangan sa Pagharap sa KaawayPanghihina ng LoobPakikinigPagsagipTagumpay bilang Gawa ng DiyosPagpapakasakitLabananSandatahang-Lakas

At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, buong Juda, at ninyong mga taga Jerusalem, at ikaw na haring Josaphat: ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong mangatakot, o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; sapagka't ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Dios.

330
Mga Konsepto ng TaludtodJerusalem, Kasaysayan ng20 hanggang 30 mga taonGulang nang Kinoronahan

At si Josaphat ay naghari sa Juda: siya'y may tatlong pu't limang taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang pu't limang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silhi.

331
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Ang Kaibigan ng DiyosPangalan at Titulo para sa KristyanoBanal na PakikipagkaibiganPagkakaibigan at Tiwala

Di mo ba pinalayas, Oh aming Dios, ang mga nananahan sa lupaing ito sa harap ng iyong bayang Israel, at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na iyong kaibigan magpakailan man?

336
Mga Konsepto ng TaludtodKaharian, MgaPagsagipPagpipitagan at ang Kalikasan ng DiyosKatatakutan sa DiyosDiyos, Pakikialam ngTakot sa DiyosNatatakot

At ang takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain, nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel.

340
Mga Konsepto ng TaludtodMaraming mga Kalaban

Nang magkagayo'y nagsiparoon ang iba na nagsipagsaysay kay Josaphat, na nagsasabi, May lumalabas na isang lubhang karamihan laban sa iyo na mula sa dako roon ng dagat na mula sa Siria; at, narito, sila'y nangasa Hasason-tamar (na siyang Engedi).

342
Mga Konsepto ng TaludtodHamonDiyos, Kamaharlikahan ngDiyos na Naghahari sa LahatGobyernoHari, MgaKaharian, MgaKapamahalaan na mula sa DiyosTatay

At kaniyang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng aming mga magulang, di ba ikaw ay Dios sa langit? at di ba ikaw ay puno sa lahat na kaharian ng mga bansa? at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at lakas, na anopa't walang makahaharap sa iyo.

353
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno, Katangian ngPaghingiPagaayunoTuntuninPagaayuno at Pananalangin

At si Josaphat ay natakot, at tumalagang hanapin ang Panginoon; at siya'y nagtanyag ng ayuno sa buong Juda.

358
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat na Hindi Napanatili

Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, na una at huli, narito, nangakasulat sa kasaysayan ni Jehu na anak ni Hanani, na nasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel.

359

Nang magkagayo'y dumating kay Jahaziel na anak ni Zacharias, na anak ni Benaias, na anak ni Jeiel, na anak ni Mathanias na Levita, sa mga anak ni Asaph ang Espiritu ng Panginoon sa gitna ng kapisanan;

360
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahan sa SariliHindi Buong Puso

Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ni inilagak pa man ng bayan ang kanilang puso sa Dios ng kanilang mga magulang.

381
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitiwalaKapangyarihan, Pagliligtas ng DiyosKahinaan, Pisikal naKahirapan, Panalangin sa Oras ngKapangyarihan, Kawalang

Oh aming Dios, hindi mo ba hahatulan sila? sapagka't wala kaming kaya laban sa malaking pulutong na ito na naparirito laban sa amin, ni hindi man nalalaman namin kung anong marapat gawin; nguni't ang aming mga mata ay nasa iyo.

386
Mga Konsepto ng TaludtodTinutularan ang mga Mabubuting Hari

At siya'y lumakad ng lakad ni Asa na kaniyang ama, at hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon.

394
Mga Konsepto ng TaludtodKatiyakan sa Buhay PananampalatayaTakot, PagtagumpayangPagpapakasakitLabananKinabukasanPagliligtas

Kayo'y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito: magsilagay kayo, magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas, ng Panginoon na kasama ninyo, Oh Juda at Jerusalem: huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man: bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila; sapagka't ang Panginoon ay sumasa inyo.

409
Mga Konsepto ng TaludtodTinig, MgaPagpupuri sa Diyos

At ang mga Levita, sa mga anak ng mga Coathita at sa mga anak ng mga Coraita; ay nagsitayo upang purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ng totoong malakas na tinig.

452

At si Josaphat ay tumayo sa kapisanan ng Juda at Jerusalem, sa bahay ng Panginoon, sa harap ng bagong looban;

455

At ang Juda'y nagpipisan, upang huminging tulong sa Panginoon: sa makatuwid baga'y mula sa lahat na bayan ng Juda ay nagsiparoon upang hanapin ang Panginoon.

596
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodUgali sa PananalanginPanalangin, Praktikalidad sa

At itinungo ni Josaphat ang kaniyang ulo sa lupa: at ang buong Juda at ang mga taga Jerusalem ay nangagpatirapa sa harap ng Panginoon, na nagsisamba sa Panginoon.

699

At ang buong Juda ay tumayo sa harap ng Panginoon, pati ang kanilang mga bata, ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak.

702
Mga Konsepto ng TaludtodPanghihina ng LoobSalot, MgaPanalangin sa Oras ng Panghihina ng LoobNakatayoEspada, MgaTulong sa Kakulangan

Kung ang kasamaan ay dumating sa amin, ang tabak ng kahatulan, o salot, o kagutom, kami ay magsisitayo sa harap ng bahay na ito, at sa harap mo, (sapagka't ang iyong pangalan ay nasa bahay na ito,) at kami ay dadaing sa iyo sa aming pagdadalamhati, at kami ay iyong didinggin at ililigtas.

727

At nagsitahan sila roon at ipinagtayo ka ng santuario roon na ukol sa iyong pangalan, na sinasabi,

733
Mga Konsepto ng TaludtodPagakyatDisyerto, Espisipikong

Bukas ay magsilusong kayo laban sa kanila: narito, sila'y nagsiahon sa ahunan ng Sis; at inyong masusumpungan sila sa dulo ng libis, sa harap ng ilang ng Jeruel.

739

At ngayon, narito, ang mga anak ni Ammon at ni Moab, at ng sa bundok ng Seir na hindi mo ipinalusob sa Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, kundi kanilang nilikuan sila, at hindi sila nilipol;

753

Tingnan mo, kung paanong sila'y gumaganti sa amin, na nagsisiparito upang palayasin kami sa iyong pag-aari, na iyong ibinigay sa amin upang manahin.