53 Talata sa Bibliya tungkol sa Katapangan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Efeso 6:19

At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

1 Juan 2:28

At ngayon, mumunti kong mga anak, manahan kayo sa kaniya; upang, kung siya'y mahayag, ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala, at huwag tayong mangapahiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito.

Lucas 11:8

Sinasabi ko sa inyo, Kahit siya'y hindi bumangon, at magbigay sa kaniya, dahil sa siya'y kaibigan niya, gayon ma'y dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya'y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya.

2 Corinto 10:2

Oo, ako'y namamanhik sa inyo, upang kung ako'y nahaharap ay huwag akong magpakita ng katapangang may pagkakatiwala na ipinasiya kong ipagmatapang laban sa ilang nagiisip sa amin, na waring kami ay nagsisilakad ng ayon sa laman.

Filemon 1:8

Kaya, bagama't kay Cristo ay mayroon akong buong pagkakatiwala upang ipagtagubilin ko sa iyo ang nauukol,

Mga Taga-Filipos 1:14

At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios.

1 Timoteo 3:13

Sapagka't ang nangamamahalang mabuti sa pagka diakono, ay nangagtatamo sa kanilang sarili ng isang mabuting kalagayan, at malaking katapangan sa pananampalataya na kay Cristo Jesus.

Mga Taga-Colosas 4:4

Upang ito'y aking maihayag, gaya ng aking nararapat na salitain.

Mangangaral 8:1

Sino ang gaya ng pantas na lalake? at sinong nakakaalam ng kahulugan ng isang bagay? Ang karunungan ng tao ay nagpapasilang ng kaniyang mukha, at ang katigasan ng kaniyang mukha ay nababago.

Mga Taga-Roma 10:20

At si Isaias ay buong tapang na nagsasabi, Ako'y nasumpungan nilang mga hindi nagsisihanap sa akin; Nahayag ako sa kanilang mga hindi nagsisipagtanong tungkol sa akin.

Juan 7:26

At narito, siya'y hayag na nagsasalita, at walang anomang sinasabi sila sa kaniya. Napagkikilala kayang tunay ng mga pinuno na ito ang Cristo?

Mga Taga-Efeso 6:20

Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain.

Mga Gawa 26:26

Sapagka't nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok.

Mga Gawa 9:29

Na nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon: at siya'y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga Greco-Judio; datapuwa't pinagpipilitan nilang siya'y mapatay.

1 Tesalonica 2:2

Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan.

Mga Taga-Filipos 1:20

Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, sa anoma'y hindi ako mapapahiya, kundi sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa pamamagitan ng kamatayan.

Kawikaan 21:29

Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha; nguni't tungkol sa taong matuwid, nagaayos ng kaniyang mga lakad.

Mga Gawa 9:27

Datapuwa't kinuha siya ni Bernabe, at siya'y iniharap sa mga apostol, at sa kanila'y isinaysay kung paanong nakita niya sa daan ang Panginoon, at kinausap siya, at kung paanong siya'y nangaral sa Damasco na may katapangan sa pangalan ni Jesus.

Jeremias 30:21

At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.

Mga Taga-Roma 15:15

Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios,

Mga Paksa sa Katapangan

Katapangan

Mga Bilang 13:20

At kung ano ang lupain, kung mataba o payat, kung mayroong kahoy o wala. At magpakatapang kayo, at magdala kayo rito ng bunga ng lupain. Ngayon ang panahon ay panahon ng mga unang hinog na ubas.

Katapangan, Halimbawa ng

Genesis 33:18

At dumating si Jacob na payapa sa bayan ng Sichem, na nasa lupain ng Canaan, nang siya'y manggaling sa Padan-aram; at siya'y humantong sa tapat ng bayan.

Katapangan, Halimbawa ng

Josue 14:12

Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon: sapagka't iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga Anaceo, at mga bayang malalaki at nakukutaan: marahil ay sasa akin ang Panginoon, at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon.

Tiwala sa Diyos, Nagbubunga ng Katapangan

Isaias 41:10
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabalisaPakikipaglabanNagbibigay KaaliwanMasamang PamumunoMasamang PananalitaTamang GulangKahirapanPagiging KristyanoPagiging tulad ni CristoPagiging Alam ang LahatPagiging Lingkod ng DiyosPagiging Ganap na KristyanoPagiging TakotPinagtaksilanPagiging PinagpalaPag-aalinlangan, Pagtugon saPagiging Tiwala ang LoobKatiyakan, Katangian ngTiwala sa Diyos, Nagbubunga ng KatapanganDiyos, Katuwiran ngPagiging MatulunginPagiisaKamay ng DiyosTakotKapayapaan sa Lumang Tipan, MakaDiyos naPesimismoPagiingatMapagkakatiwalaanPagsagipKanang Kamay ng DiyosKalakasan, EspirituwalPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayKalakasan, Ang Diyos ang AtingPagiingat mula sa DiyosKaaliwan kapag NagiisaMananakopNagpapanatiling ProbidensiyaKalakasan ng Loob sa BuhayDiyos na nasa IyoDiyos na Nagbibigay LakasPuso, SinaktangKaaliwanAko ang PanginoonDiyos na Saiyo ay TutulongDiyos na Nagbibigay LakasAko ay Kanilang Magiging DiyosPagiisaHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay TutulongKaisipan, Sakit ngKaisipan, Kalusugan ngPagkabalisa at KalumbayanKatuwiranPagpapakamatay, Kaisipan ngPawiin ang TakotKatapangan at LakasPagkabalisa at TakotPagasa at LakasTakot sa DiyosTakot at KabalisahanPag-iingat ng DiyosTustosNatatakotNagtitiwala sa Diyos at Hindi NababalisaDiyos na SumasaiyoTulongPagtulongNababalisa

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a