Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Paralipomeno 3

2 Paralipomeno Rango:

18
Mga Konsepto ng TaludtodBalkonaheSukat ng mga Silid

At ang portiko na nasa harap ng bahay, ang haba niyao'y ayon sa luwang ng bahay ay dalawang pung siko, at ang taas ay isang daang at dalawangpu: at kaniyang binalutan sa loob ng taganas na ginto.

36
Mga Konsepto ng TaludtodKadenaPinapaibabawan ng Kahoy

At ang lalong malaking bahay ay kaniyang kinisamihan ng kahoy na abeto, na kaniyang binalot ng dalisay na ginto, at ginawan niya ng mga palma at mga tanikala.

78
Mga Konsepto ng TaludtodPalamuti sa GusaliPagiging Maganda

At kaniyang ginayakan ang bahay ng mga mahalagang bato na pinakapangpaganda: at ang ginto, ay ginto sa Parvaim.

91
Mga Konsepto ng TaludtodKalbaryoPasimulaJerusalem, Ang Kabuluhan ngHari, MgaKabundukanSolomon, Buhay niGiikanSolomon, Templo niNagsimulang MagtayoAng Unang Templo

Nang magkagayo'y pinasimulan ni Salomon na itayo ang bahay ng Panginoon, sa Jerusalem sa bundok ng Moria, na pinagkakitaan ng Panginoon kay David na kaniyang ama, sa dakong kaniyang pinaghandaan na pinagtakdaan ni David sa giikan ni Ornan na Jebuseo.

104

At ang pakpak ng isang querubin ay limang siko, na abot sa panig ng bahay: at ang kabilang pakpak ay limang siko rin, na nakadaiti sa pakpak ng isang querubin.

108
Mga Konsepto ng TaludtodSiningEskulturaKerubim bilang Palamuti

Kaniyang binalutan din naman ng ginto ang bahay, ang mga sikang, ang mga pintuan, at ang mga panig niyaon at ang mga pinto; at inukitan ng mga querubin sa mga panig niyaon.

111
Mga Konsepto ng TaludtodTimbang

At ang bigat ng mga pako ay limangpung siklong ginto. At kaniyang binalot ng ginto ang pinakamataas na silid.

129
Mga Konsepto ng TaludtodHabaKabanalbanalang DakoSukat ng mga Silid

At kaniyang ginawa ang kabanalbanalang bahay; ang haba niyaon, ayon sa luwang ng bahay, ay dalawangpung siko, at ang luwang niyaon ay dalawangpung siko; at kaniyang binalutan ng dalisay na ginto, na may timbang na anim na raang talento.

149
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonKaluwaganAng Unang TemploKonstruksyonSukat

Ang mga ito nga ay ang mga tatagangbaon na inilagay ni Salomon na ukol sa pagtatayo ng bahay ng Dios. Ang haba sa mga siko ayon sa panukat ng una ay anim na pung siko, at ang luwang ay dalawangpung siko.

159
Mga Konsepto ng TaludtodKabanalbanalang DakoPinapaibabawan ng GintoDalawang AnghelGawaing Kahoy

At sa kabanalbanalang bahay ay gumawa siya ng dalawang querubin na gawang nilarawan; at binalot nila ng ginto.

176
Mga Konsepto ng TaludtodBungaKadenaGranada, Prutas naIsang Daan

At kaniyang ginawan ng mga tanikala ang sanggunian at inilagay sa ibabaw ng mga haligi; at siya'y gumawa ng isang daang granada, at inilagay sa mga tanikala.

182
Mga Konsepto ng TaludtodHaligi sa Templo ni Solomon, Mga

At kaniyang itinayo ang mga haligi sa harap ng templo, ang isa'y sa kanan, at ang isa'y sa kaliwa; at tinawag ang pangalan niyaong nasa kanan ay Jachin, at ang pangalan niyaong nasa kaliwa ay Boaz.

186
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang Bahagi ng Ipinapatayo

Siya'y gumawa rin sa harap ng bahay ng dalawang haligi na may tatlongpu't limang siko ang taas, at ang kapitel na nasa ibabaw ng bawa't isa sa mga yaon ay limang siko.

196
Mga Konsepto ng TaludtodKerubim

At ang mga pakpak ng mga querubin ay dalawangpung siko ang haba; ang pakpak ng isang querubin ay limang siko, na abot sa panig ng bahay; at ang kabilang pakpak ay gayon din na limang siko na abot sa pakpak ng isang querubin.

198
Mga Konsepto ng TaludtodPulang-pulaTelaLinoKabanalbanalang DakoKerubim bilang PalamutiKulay, Asul naMala-Asul na Lila at Iskarlata

At kaniyang ginawa ang lambong na bughaw, at kulay ube, at matingkad na pula, at mainam na kayong lino, at ginawan ng mga querubin.

202

Ang mga pakpak ng mga querubing ito ay nangakaladlad ng dalawangpung siko: at sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mukha ay paharap sa dako ng bahay.

223
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, IkalawangKonstruksyon

At siya'y nagpasimulang magtayo nang ikalawang araw ng ikalawang buwan ng ikaapat na taon ng kaniyang paghahari.