Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Paralipomeno 2

2 Paralipomeno Rango:

3
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatag

At si Salomon ay nagsugo kay Hiram na hari sa Tiro, na ipinasasabi, Kung paanong iyong ginawa kay David na aking ama at pinadalhan siya ng mga sedro upang ipagtayo siya ng bahay na matirahan doon, gayon din ang gawin mo sa akin.

45
Mga Konsepto ng TaludtodBagong Buwan, Pista ngOrdinansiyaSabbath sa Lumang TipanAmoy

Narito, aking ipinagtatayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios, upang italaga sa kaniya, at upang magsunog sa harap niya ng kamangyan na may mga mainam na espesia, at maiukol sa palaging tinapay na handog, at sa mga handog na susunugin sa umaga at hapon, sa mga sabbath, at sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan sa Panginoon naming Dios. Ito ang utos sa Israel magpakailan man.

64
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapasyaNananambahan ng SamasamaPapunta sa SimbahanPagiging MagandaPagkadakilaKonstruksyonKahalagahan

At ang bahay na aking itinatayo ay dakila: sapagka't dakila ang aming Dios kay sa lahat ng mga Dios.

77
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang EspirituDiyos ay Nasa Lahat ng DakoDiyos na KataastaasanDiyos na Walang KatapusanDiyos, Tahanan ngAng Lawak ng Kalikasan

Nguni't sinong makapagtatayo para sa kaniya ng isang bahay, dangang sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi siya magkasiya? sino nga ako, na ipagtatayo ko siya ng isang bahay, liban sa magsunog lamang ng kamangyan sa harap niya?

89

Padalhan mo rin ako ng mga kahoy na sedro, mga kahoy na abeto, at mga kahoy na algum, na mula sa Libano, sapagka't talastas ko na ang iyong mga bataan ay matalinong pumutol ng kahoy sa Libano. At, narito, ang aking mga alipin ay sasama sa iyong mga bataan,

94
Mga Konsepto ng TaludtodSolomon, Templo ni

Si Salomon nga ay nagpasiya na ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon, at ng isang bahay ang kaniyang kaharian.

96
Mga Konsepto ng TaludtodTrigoGinigilingTimbangan at PanukatTimbangan at Panukat ng TubigManggagawa ng Sining

At narito, aking ibibigay sa iyong mga bataan, na mga mamumutol ng kahoy, ang dalawangpung libong koro ng binayong trigo, at dalawang pung libong koro ng sebada, at dalawangpung libong bath ng alak, at dalawangpung libong bath ng langis.

101
Mga Konsepto ng TaludtodPulang-pulaTansoPaguukitGintoBakalManggagawa ng BakalPilakHusayKarunungan, sa Likas ng TaoPanday-GintoKulay, Asul naTao, Nagtratrabahong mgaManggagawa ng SiningSining

Ngayon nga'y suguan mo ako ng isang lalake na bihasang manggagawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso, at sa bakal, at sa kulay ube, at matingkad na pula, at bughaw, at ng makauukit ng sarisaring ukit, upang makasama ng mga matalinong lalake na kasama ko sa Juda at sa Jerusalem, na itinaan ni David na aking ama.

113

Sa makatuwid baga'y upang ipaghanda ako ng kahoy na sagana: sapagka't ang bahay na aking itatayo ay magiging dakila at kagilagilalas.

122

At kami ay magsisiputol ng kahoy mula sa Libano, kung gaano ang iyong kakailanganin: at aming dadalhin sa iyo sa mga balsa na idadaan sa dagat hanggang sa Joppe; at iyong iaahon sa Jerusalem.

131
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahandang EspirituwalKarunungang Kumilala ng mga GobernadorLangit at LupaPagiisipPaglikha sa Pisikal na Langit

Sinabi ni Hiram bukod dito, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na lumikha ng langit at lupa, na nagbigay kay David na hari ng isang pantas na anak, na may bait at kaalaman, na ipagtatayo ng isang bahay ang Panginoon, at ng isang bahay ang kaniyang kaharian.

135
Mga Konsepto ng TaludtodSining

At ngayo'y nagsugo ako ng bihasang lalake na may kaalaman, kay Hiram na aking ama,

138
Mga Konsepto ng TaludtodTitik, Mga

Nang magkagayo'y si Hiram na hari sa Tiro ay sumagot sa sulat, na kaniyang ipinadala kay Salomon, Sapagka't minamahal ng Panginoon ang kaniyang bayan, ay ginawa ka niyang hari sa kanila.

151
Mga Konsepto ng TaludtodIsangdaang Libo at Higit Pa

At binilang ni Salomon ang lahat na taga ibang lupa na nangasa lupain ng Israel, ayon sa bilang na ibinilang ni David na kaniyang ama sa kanila; at nasumpungan ay isang daan at limang pu't tatlong libo at anim na raan.

157
Mga Konsepto ng TaludtodPulang-pulaPaguukit

Na anak ng isang babae sa mga anak ni Dan; at ang kaniyang ama ay taga Tiro na bihasang manggagawa sa ginto, at sa pilak, sa tanso, sa bakal, sa bato, at sa kahoy, sa kulay ube, sa bughaw, at sa mainam na kayong lino, at sa matingkad na pula; upang umukit din naman ng anomang paraan ng ukit, at magmunakala ng anoman; upang magkaroon ng isang takdang dako sa kaniya na kasama ng iyong mga bihasang lalake at ng mga bihasang lalake ng aking panginoong si David na iyong ama.

166
Mga Konsepto ng TaludtodAtas na Paglilingkod sa PamahalaanMason, MgaTagapangasiwaHusayBato, MgaTatlong Libo at Higit PaLimangpu hanggang Siyamnapung Libo

At si Salomon ay bumilang ng pitong pung libong lalake upang magsipagpasan ng mga pasan, at walong pung libong lalake na mga maninibag ng bato sa mga bundok, at tatlong libo at anim na raan upang mamahala sa kanila.

179
Mga Konsepto ng TaludtodMason, MgaBato, MgaTatlong Libo at Higit PaLimangpu hanggang Siyamnapung Libo

At kaniyang inilagay sa kanila ay pitong pung libong tagadala ng pasan, at walong pung libo na mga maninibag ng bato sa mga bundok, at tatlong libo at anim na raan na kapatas upang magayos ng gawain ng bayan.

187
Mga Konsepto ng TaludtodKalakal

Ngayon nga'y ang trigo at ang sebada, ang langis at ang alak, na sinalita ng aking panginoon, ipadala niya sa kaniyang mga bataan: