94 Talata sa Bibliya tungkol sa Bunga
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak.
Ang puno ng ubas ay natuyo, at ang puno ng higos ay nalalanta; ang puno ng granada, ang puno ng palma ay gayon din at ang puno ng manzanas, lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo; sapagka't ang kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao.
Kaniyang nasumpungan sa isang ilang sa lupain, At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang; Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap, Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata:
Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata, ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak,
Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.
At kaniyang binahagi sa buong bayan, sa makatuwid baga'y sa buong karamihan ng Israel, sa mga lalake at gayon din sa mga babae, sa bawa't isa ay isang tinapay at isang bahaging lamang kati, at isang binilong pasas. Sa gayo'y ang buong bayan ay yumaon bawa't isa sa kaniyang bahay.
At siya'y nagbigay sa bawa't isa sa Israel, sa lalake at gayon din sa babae, sa bawa't isa ng isang tinapay, at ng isang bahaging laman, at isang binilong pasas.
At sila'y dumating sa libis ng Escol, at sila'y pumutol doon ng isang sangang may isang kumpol na ubas, at dinala sa isang pingga ng dalawa; sila'y nagdala rin ng mga granada, at mga igos.
At bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang dalhin kami sa masamang dakong ito? hindi dakong bukirin, o ng igos; o ng ubasan, o ng mga granada; at wala kahit tubig na mainom.
Nang magkagayo'y nagmadali si Abigail, at kumuha ng dalawang daang tinapay, at dalawang balat ng alak, at limang handang tupa, at limang takal ng trigo na sinangag, at isang daang kumpol na pasas, at dalawang daang binilong igos, at ipinagpapasan sa mga asno. At sinabi niya sa kaniyang mga bataan, Magpauna kayo sa akin; narito ako'y susunod sa inyo. Nguni't hindi niya isinaysay sa kaniyang asawang kay Nabal. At nagkagayon na samantalang siya'y nakasakay sa kaniyang asno at lumulusong sa isang kubling dako ng bundok na narito, si David at ang kaniyang mga lalake ay lumulusong na patungo sa kaniya, at sinalubong niya sila.
At sila'y nakasumpong ng isang taga Egipto sa parang, at dinala nila siya kay David, at binigyan nila siya ng tinapay, at kumain: at binigyan nila siya ng tubig na mainom: At binigyan nila siya ng isang putol ng binilong igos, at dalawang buwig na ubas; at nang kaniyang makain, ang kaniyang diwa ay nagsauli uli sa kaniya: sapagka't hindi siya nakakain ng tinapay o nakainom man ng tubig, na tatlong araw at tatlong gabi.
At nang si David ay makaraan sa dako pa noon ng kaunti ng taluktok ng bundok, narito, si Siba na lingkod ni Mephiboseth ay sumalubong sa kaniya, na may handang isang tuwang na asno, at sa ibabaw ng mga yaon ay dalawang daang tinapay, at isang daang kumpol na pasas, at isang daang bunga sa taginit, at isang sisidlang balat ng alak.
Bukod dito'y silang malapit sa kaniya, sa makatuwid baga'y hanggang sa Issachar, at Zabulon at Nephtali, ay nagsipagdala ng tinapay na nasa ibabaw ng mga asno, at ng mga kamelyo, at ng mga mula, at ng mga baka, mga pagkaing harina, at mga binilong igos, at mga buwig ng pasas, at alak, at langis, at mga baka, at mga tupa na sagana: sapagka't may kagalakan sa Israel.
At pagkatanaw niya sa malayo ng isang puno ng igos na may mga dahon, ay lumapit siya, na baka sakaling makasumpong doon ng anoman: at nang siya'y malapit sa kaniya ay wala siyang nasumpungang anoman kundi mga dahon; sapagka't hindi panahon ng mga igos.
Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon: Dakilain ninyo ang ating Dios. Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka't lahat niyang daan ay kahatulan: Isang Dios na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya. Sila'y nagpakasama, sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan; Mga tampalasan at likong lahi.magbasa pa.
Ganyan ba ninyo ginaganti ang Panginoon, O mangmang na bayan at hindi pantas? Hindi ba siya ang iyong ama na tumangkilik sa iyo? Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka. Alalahanin mo ang mga araw ng una, Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi: Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo; Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo. Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana, Nang kaniyang ihiwalay ang mga anak ng tao, Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel. Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan; Si Jacob ang bahaging mana niya. Kaniyang nasumpungan sa isang ilang sa lupain, At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang; Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap, Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata: Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad, Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay, Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak, kaniyang kinukuha, Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak: Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya. Ipinaari sa kaniya ang matataas na dako ng lupa, At siya'y kumain ng tubo sa bukid; At kaniyang pinahitit ng pulot na mula sa bato, At ng langis na mula sa batong pinkian; Ng mantika ng baka, at gatas ng tupa, Na may taba ng mga kordero, At ng mga tupang lalake sa Basan, at mga kambing, Na may taba ng mga butil ng trigo; At sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak.
At sinaysay ng puno ng mga katiwala ng saro kay Jose ang kaniyang panaginip, at nagsabi sa kaniya, Sa aking panaginip, narito, ang isang puno ng ubas ay nasa harap ko; At sa puno ng ubas, ay may tatlong sanga: at yao'y pawang sumupling, na namulaklak, at ang mga buwig niyaon, ay nangagtaglay ng mga ubas na hinog. At ang saro ni Faraon ay nasa aking kamay; at kumuha ako ng mga ubas at aking pinagpipiga sa saro ni Faraon, at ibinigay ko ang saro sa kamay ni Faraon.
At sila'y dumating sa libis ng Escol, at sila'y pumutol doon ng isang sangang may isang kumpol na ubas, at dinala sa isang pingga ng dalawa; sila'y nagdala rin ng mga granada, at mga igos. Ang dakong yaon ay tinawag na libis ng Escol, dahil sa kumpol na kinitil ng mga anak ni Israel doon.
Ating naaalaala ang isda, na ating kinakain sa Egipto na walang bayad; ang mga pipino, at ang mga milon, at ang mga puero, at ang mga sibuyas, at ang bawang:
At ang anak na babae ng Sion ay naiwang parang balag sa isang ubasan, parang pahingahan sa halamanan ng mga pepino, parang bayang nakukubkob.
Sila'y gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagka't hindi makalakad. Huwag ninyong katakutan ang mga yaon, sapagka't hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti.
Sapagka't dinala ka ng Panginoon mong Dios sa isang mabuting lupain, na lupain ng mga batis ng tubig, ng mga bukal at ng mga kalaliman, na bumubukal sa mga libis at mga bundok. Lupain ng trigo at ng sebada at ng puno ng ubas at ng mga puno ng igos, at ng mga granada; lupain ng mga puno ng olibo at ng pulot:
At tumigil si Saul sa kaduluduluhang bahagi ng Gabaa sa ilalim ng puno ng granada na nasa Migron: at ang bayan na nasa kaniya ay may anim na raang lalake.
May binhi pa baga sa kamalig? oo, ang puno ng ubas, at ang puno ng igos, at ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi nagbunga; mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo.
Ang dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang mga tungtungan, na ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon; ang tanso ng lahat ng kasangkapang ito ay walang timbang. Ang taas ng isang haligi ay labing walong siko, at isang kapitel na tanso ang nasa dulo niyaon; at ang taas ng kapitel ay tatlong siko, na may yaring lambat at mga granada sa kapitel sa palibot, lahat ay tanso; at mayroong gaya ng mga ito ang ikalawang haligi na may yaring lambat.
Ang dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang labing dalawang torong tanso na nangasa ilalim ng mga tungtungan, na ginawa ng haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon, ang tanso ng lahat ng sisidlang ito ay walang timbang. At tungkol sa mga haligi, ang taas ng isang haligi ay labing walong siko; at isang pisi na labing dalawang siko ay naililibid doon; at ang kapal niyao'y apat na daliri: may guwang. At isang kapitel na tanso ay nasa ibabaw niyaon; at ang taas ng isang kapitel ay limang siko, na yaring nilambat at may mga granada sa kapitel sa palibot, taganas na tanso: at ang ikalawang haligi naman ay mayroong gaya ng mga ito, at mga granada.magbasa pa.
At mayroong siyam na pu't anim na granada sa mga tagiliran; lahat na granada ay isang daan na yaring nilambat sa palibot.
At gagawin mo ang balabal ng epod na taganas na bughaw. At magkakaroon ng isang pinakaleeg sa gitna niyaon: magkakaroon ito ng isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg, gaya ng butas ng isang koselete, upang huwag mapunit. At ang saya niyaon ay igagawa mo ng mga granadang bughaw, at kulay-ube, at pula, sa palibot ng saya niyaon; at ng mga kampanilyang ginto sa gitna ng mga yaon sa palibot:magbasa pa.
Isang kampanilyang ginto at isang granada, isang kampanilyang ginto at isang granada sa saya sa ibaba ng balabal sa palibot. At isusuot ni Aaron upang mangasiwa: at ang tunog niyao'y maririnig pagka siya'y pumapasok sa dakong banal sa harap ng Panginoon, at pagka siya'y lumalabas, upang siya'y huwag mamatay.
At kaniyang ginawa ang balabal ng epod na yari ng manghahabi, na taganas na bughaw; At ang butas ng balabal ay nasa gitna niyaon na gaya ng leeg ng isang koselete, na may isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg upang huwag mapunit. At kanilang ginawan ang mga ribete ng balabal ng mga granadang kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.magbasa pa.
At sila'y gumawa ng mga kampanilyang taganas na ginto, at inilagay ang mga kampanilya sa pagitan ng mga granada sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot, sa pagitan ng mga granada; Isang kampanilya at isang granada, isang kampanilya at isang granada, sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot, upang ipangasiwa gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Sapagka't kaniyang tinabas ang dalawang haligi na tanso, na may labing walong siko ang taas ng bawa't isa: at isang panukat na pisi na may labing dalawang siko ay maipalilibid sa bilog ng alinman sa bawa't isa. At siya'y gumawa ng dalawang kapitel na binubong tanso, upang ilagay sa mga dulo ng mga haligi: ang taas ng isang kapitel ay limang siko at ang taas ng kabilang kapitel ay limang siko. May mga yaring nilambat, at mga tirintas na yaring tinanikala, na ukol sa mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; pito sa isang kapitel, at pito sa kabilang kapitel.magbasa pa.
Gayon ginawa niya ang mga haligi: at mayroong dalawang hanay sa palibot ng isang yaring lambat, upang takpan ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; at gayon ang ginawa niya sa kabilang kapitel. At ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi sa portiko ay mga yaring lila, na apat na siko. At may mga kapitel naman sa dulo ng dalawang haligi, na malapit sa pinakatiyan na nasa siping ng yaring lambat: at ang mga granada ay dalawang daan, na nahahanay sa palibot sa ikalawang kapitel.
At ginawa ni Hiram ang mga palayok, at ang mga pala, at ang mga mangkok. Gayon tinapos ni Hiram ang paggawa ng gawain na ginawa niya na ukol sa haring Salomon sa bahay ng Dios: Ang dalawang haligi, at ang mga kabilugan, at ang dalawang kapitel na nasa dulo ng mga haligi, at ang dalawang yaring lambat na nagsisitakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nangasa dulo ng mga haligi; At ang apat na raang granada na ukol sa dalawang yaring lambat; dalawang hanay na granada na ukol sa bawa't yaring lambat, upang tumakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nangasa dulo ng mga haligi.
At kaniyang ginawan ng mga tanikala ang sanggunian at inilagay sa ibabaw ng mga haligi; at siya'y gumawa ng isang daang granada, at inilagay sa mga tanikala.
At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain.
Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan? At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami: Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay.magbasa pa.
At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay: Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama. At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain. At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi.
Ganito nagpakita ang Panginoong Dios sa akin: at, narito, ang isang bakol ng bunga ng taginit. At kaniyang sinabi, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang bakol ng bunga ng taginit. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel; hindi na ako daraan pa uli sa kanila.
At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon. At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi, ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti.
At pagka kayo'y papasok sa lupain, at nakapagtanim na kayo ng sarisaring punong kahoy na pagkain, ay aariin ninyo ang bunga niyaon na parang hindi sa tuli: tatlong taong aariin ninyong parang hindi sa tuli; hindi kakanin. Datapuwa't sa ikaapat na taon, ang lahat ng bunga niyaon ay magiging banal na pinaka papuri sa Panginoon. At sa ikalimang taon ay kakain kayo ng bunga niyaon upang papagbungahin sa inyo: ako ang Panginoon ninyong Dios.
At sa pangpang ng ilog sa tabi niyaon, sa dakong ito at sa dakong yaon, tutubo ang sarisaring punong kahoy na pinakapagkain, na ang dahon ay hindi matutuyo, ni magkukulang man ang bunga niyaon: magbubunga ng bago buwan-buwan, sapagka't ang tubig niyaon ay lumalabas sa santuario; at ang bunga niyaon ay magiging pagkain at ang dahon niyaon ay pangpagaling.
Sa aba ko! sapagka't ako'y gaya ng kanilang pisanin ang mga bunga sa taginit, gaya ng mga pamumulot ng ubas sa ubasan: walang kumpol na makain; ako'y nananabik sa unang bunga ng igos.
At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.
At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na hindi nagbubungang mabuti ay pinuputol at inihahagis sa apoy.
O pabutihin ninyo ang punong kahoy, at mabuti ang bunga niyaon; o pasamain ninyo ang punong kahoy, at masama ang bunga niyaon: sapagka't ang punong kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga.
Mga Paksa sa Bunga
Adan, Bunga ng Kasalanan ni
Mga Taga-Roma 5:19Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.
Ang Pinagmumulan ng Bunga
Mga Taga-Galacia 5:22-23Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Ariing Ganap, Bunga ng Pagiging
Mga Taga-Roma 5:1-2Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;
Bunga na Katangian
Mga Taga-Filipos 1:11Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.
Bunga ng Espiritu
Mga Taga-Galacia 5:22-26Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Bunga ng Kasalanan
Genesis 3:7-24At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi.
Bunga ng Katuwiran
Awit 1:3At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa.
Bunga ng Pagsunod sa Kautusan
Awit 19:11Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod: sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala.
Bunga ng Pili
Jeremias 1:11Bukod dito ay dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi, Jeremias, anong nakikita mo? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng isang tungkod na almendro.
Bunga, Espirituwal na
Santiago 3:13Sino ang marunong at matalino sa inyo? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting kabuhayan ang kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan.
Dalawang Bunga ng Halaman
1 Mga Hari 7:24At sa ilalim ng labi sa paligid ay may mga kulukuti sa palibot, na sangpu sa bawa't siko, na nakalibid sa dagatdagatan sa palibot: ang mga kulukuti ay dalawang hanay, na binubo ng bubuin ang binubong dagatdagatan.
Dumaraming Bunga
Deuteronomio 7:13At kaniyang iibigin ka, at pagpapalain ka, at padadamihin ka: kaniya rin namang pagpapalain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis, ang karagdagan ng iyong mga bakahan, at ang mga guya ng iyong kawan sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, upang ibigay sa iyo.
Espirituwal na Pagkabulag, Bunga ng
Mga Taga-Roma 1:20-22Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan:
Hindi Pagsisisi, Bunga ng
Mga Hebreo 12:25Pagingatan ninyong kayo'y huwag tumanggi sa nagsasalita. Sapagka't kung hindi nakatanan ang mga nagsitanggi sa nagbalita sa kanila sa ibabaw ng lupa, ay lalo pa tayong hindi makatatanan na nagsisihiwalay Doon sa nagbabalitang buhat sa langit:
Hindi Pananalig, Bunga ng Sala ng
Juan 5:38At kayo'y walang salita niya na nananatili sa inyo: sapagka't hindi kayo nagsisisampalataya sa kaniyang sinugo.
Hinirang, Bunga sa pagiging
Mga Taga-Efeso 1:5Na tayo'y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,
Isilang na Muli, Bunga ng
Mga Taga-Efeso 4:24At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.
Kabutihan bilang Bunga ng Espiritu
Mga Taga-Galacia 5:22Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Kabutihan bilang Bunga ng Espiritu
Mga Taga-Galacia 5:22Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Kagalakan bilang Bunga ng Espiritu
Mga Taga-Galacia 5:22Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Kahinahunan bilang Bunga ng Espiritu
Mga Taga-Galacia 5:22-23Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Kakayahan ng Bunga
Hosea 9:10Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig.
Kapalaluan, Bunga ng
Mga Taga-Galacia 6:3Sapagka't kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya.
Kapalaluan, Bunga sa
Jeremias 43:2Nagsalita nga kay Jeremias si Azarias na anak ni Osaias, at si Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na palalong lalake, na nangagsasabi, Ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan: hindi ka sinugo ng Panginoon nating Dios, na magsabi, Kayo'y huwag magsisiparoon sa Egipto na mangibang bayan doon;
Kapayapaan bilang Bunga ng Espiritu
Mga Taga-Galacia 5:22Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Kapayapaan, Bunga ng
Santiago 3:17Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, banayad, madaling panaingan, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw.
Kasalanan, Bunga ng
Kawikaan 13:6Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad; nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan.
Katapatan bilang Bunga ng Espiritu
Mga Taga-Galacia 5:22Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Katatagan, Bunga ng
Santiago 1:4At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.
Katigasan, Bunga ng
Mga Taga-Efeso 4:18Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;
Katiyagaan bilang Bunga ng Espiritu
Mga Taga-Galacia 5:22Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Libangan, Masamang Bunga ng
Kawikaan 14:13Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob.
Lupain, Bunga ng
Genesis 1:11At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.
Matalinghagang mga Unang Bunga
Jeremias 2:3Ang Israel ay kabanalan sa Panginoon, na mga pangunang bunga ng kaniyang halaman: lahat na nagsisisakmal sa kaniya ay aariing salarin; kasamaan ay darating sa kanila, sabi ng Panginoon.
Mga Bunga at Dahon
Levitico 23:40At magdadala kayo sa unang araw ng bunga ng magagandang punong kahoy, ng mga sanga ng mga palma, at ng mga sanga ng mayayabong na punong kahoy, at ng mga sause ng batis; at kayo'y magpapakagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, na pitong araw.
Muling Pagsilang, Bunga ng
2 Corinto 5:17Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.
Pag-aalinlangan, Bunga ng
Isaias 31:1Sa aba nila na nagsisilusong sa Egipto na humihinging tulong, at nagsisiasa sa mga kabayo; at nagsisitiwala sa mga karo, sapagka't marami, at sa mga mangangabayo, sapagka't mga totoong napakalakas; nguni't hindi sila nagsisitiwala sa Banal ng Israel, o hinahanap man ang Panginoon!
Pag-ampon, Bunga ng
2 Corinto 6:17-18Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin,
Pagasa, Bunga ng Kawalang
Job 17:13-15Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman:
Pagibig bilang Bunga ng Espiritu
Mga Taga-Galacia 5:22Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Pagibig para sa Diyos, Bunga ng
Awit 5:11Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
Pagkakaalam sa Diyos, Bunga ng
Mga Taga-Colosas 1:9Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,
Pagkakaroon ng Bunga
Genesis 17:19At sinabi ng Dios, Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.
Pagpapakabanal, Paraan at Bunga ng
1 Corinto 6:11At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal na kayo, nguni't inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios.
Pagsamba, Bunga ng
Exodo 23:25-26At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; at aking aalisin ang sakit sa gitna mo.
Pagtalikod, Bunga ng
Awit 78:56-59Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios, at hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
Pagtanggi sa Diyos, Bunga ng
Genesis 6:6At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso.
Panawagan ng Diyos, Bunga
Mga Hebreo 9:15At dahil dito'y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.
Pangangaral, Bunga ng
Mga Gawa 4:33At pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat.
Panunuhol, Bunga ng
Awit 26:10Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan, at ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.
Patnubay, Bunga ng
2 Samuel 5:17-20At nang mabalitaan ng mga Filisteo na kanilang inihalal si David na hari sa Israel, ang lahat ng Filisteo ay nagsiahon upang usigin si David; at nabalitaan ni David, at lumusong sa katibayan.
Unang Bunga
Kawikaan 3:9Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani: