Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Paralipomeno 9

2 Paralipomeno Rango:

19

At ang mga bataan naman ni Hiram, at ang mga bataan ni Salomon, na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir, nagsipagdala ng mga kahoy na algum at mga mahalagang bato.

61
Mga Konsepto ng TaludtodAlpaLiraUmaawit

At ginawang mga hagdanan ng hari ang mga kahoy na algum sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at mga alpa, at mga salterio na ukol sa mga mangaawit: at wala nang nakita pang gaya niyaon sa lupain ng Juda.

84
Mga Konsepto ng TaludtodReynaTauhang Pinauwi ng Bahay, Mga

At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang nasa, anomang hiningi niya, bukod sa timbang ng kaniyang dinala sa hari. Sa gayo'y siya'y bumalik, at umuwi sa kaniyang sariling lupain, siya at ang kaniyang mga lingkod.

102
Mga Konsepto ng Taludtod666Pagawan ng SinsilyoKaloob

Ang timbang nga ng ginto na dumating kay Salomon sa isang taon ay anim na raan at anim na pu't anim na talentong ginto,

119
Mga Konsepto ng TaludtodGobernador

Bukod doon sa dinala ng mga manglalako at mga mangangalakal; at ang lahat na hari sa Arabia at ang mga tagapamahala sa lupain ay nagsipagdala ng ginto at pilak kay Salomon.

125

At siya'y nagpuno sa lahat ng mga hari mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo, at sa hangganan ng Egipto.

144
Mga Konsepto ng TaludtodKagubatanTatlong Daan at Higit Pa

At siya'y gumawa ng tatlong daang kalasag na pinukpok na ginto; tatlong daang siklo na ginto ang ginamit sa bawa't kalasag: at inilagay ng hari sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano.

145
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang Dalawang Daan

At ang haring Salomon ay gumawa ng dalawang daang kalasag na pinukpok na ginto: anim na raang siklo na pinukpok na ginto ang ginamit sa bawa't kalasag.

154
Mga Konsepto ng TaludtodHalamang Gamot at mga PampalasaAlahasMisyon ng IsraelReynaDumadalawRelasyon, Gulo sa

At nang mabalitaan ng reina sa Seba ang kabantugan ni Salomon, siya'y naparoon upang subukin si Salomon, sa mga mahirap na tanong sa Jerusalem, na may maraming kaakbay, at mga kamelyo na may pasang mga espesia, at ginto na sagana, at mga mahalagang bato: at nang siya'y dumating kay Salomon, kaniyang inihinga sa kaniya ang lahat na laman ng kaniyang dibdib.

162
Mga Konsepto ng TaludtodTungtungan ng PaaDalawang Hayop

At may anim na baytang sa luklukan, at isang gintong tungtungan, na mga nakakapit sa luklukan, at may mga pinakakamay sa bawa't tagiliran sa siping ng dako ng upuan, at dalawang leon ang nakatayo sa siping ng mga pinakakamay.

165
Mga Konsepto ng TaludtodSiningGaringPinapaibabawan ng Ginto

Bukod dito'y gumawa ang hari ng isang malaking luklukang garing, at binalot ng taganas na ginto.

175
Mga Konsepto ng TaludtodKagubatanGintoPilakSolomon, Buhay ni

At ang lahat na sisidlang inuman ni Salomon ay ginto, at ang lahat ng sisidlan sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano ay taganas na ginto; ang pilak ay hindi mahalaga sa mga kaarawan ni Salomon.

177
Mga Konsepto ng TaludtodLabing Dalawang Hayop

At labing dalawang leon ang nakatayo roon sa isang dako at sa kabilang dako sa ibabaw ng anim na baytang: walang nagawang gayon sa alinmang kaharian.

178
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibaySabsabanPaglikomKabalyeryaApat na LiboLabing Isa hanggang Labing Siyam na Libo

At si Salomon ay may apat na libong silungan ng kabayo at mga karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang mga inilagay sa mga bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem.

180
Mga Konsepto ng TaludtodGintoGaringMandaragatKalakalAng Hukbong DagatKalakalBarko, Mga Pangangalakal naPangangalakal ng Metal

Sapagka't ang hari ay may mga sasakyan na nagsisiparoon sa Tharsis na kasama ng mga bataan ni Hiram: minsan sa bawa't tatlong taon ay dumarating ang mga sasakyang dagat ng Tharsis, na nagsisipagdala ng ginto, at pilak, garing, at mga ungoy, at mga pabo real.

191
Mga Konsepto ng TaludtodPaggunitaTagakitaPangitain, MgaPropesiyang Pangitain

Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Nathan na propeta, at sa panghuhula ni Ahias na Silonita, at sa mga pangitain ni Iddo na tagakita tungkol kay Jeroboam na anak ni Nabat?

212
Mga Konsepto ng TaludtodKasaganahan, Materyal naKayamanan, Ugali ng Mananampalataya saDalawang Daan at Ilan Pa

Sa gayo'y ang haring Salomon ay humihigit sa lahat ng hari sa lupa, sa kayamanan at sa karunungan.

232

At hinanap ng lahat na hari sa lupa ang harapan ni Salomon, upang magsipakinig ng kaniyang karunungan, na inilagay ng Dios sa kaniyang puso.

239
Mga Konsepto ng TaludtodKabayo, Mga

At sila'y nagsipagdala ng mga kabayo kay Salomon mula sa Egipto, at mula sa lahat ng mga lupain.

241
Mga Konsepto ng TaludtodKaloob, MgaHalamang Gamot at mga PampalasaMola

At sila'y nagsipagdala bawa't isa ng kanikaniyang kaloob, na mga sisidlang pilak, at mga sisidlang ginto, at damit, sandata, at mga espesia, mga kabayo, at mga mula, isang takdang kayamanan sa taon-taon.

248
Mga Konsepto ng TaludtodCedarPilakSikomoro

At ginawa ng hari na maging parang mga bato ang pilak sa Jerusalem, at ang mga sedro ay ginawa niyang maging parang mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa, dahil sa kasaganaan.

249
Mga Konsepto ng TaludtodTagahawak ng SaroOrganisasyon

At ang pagkain sa kaniyang dulang, at ang pagkaayos ng kaniyang mga alila, at ang tayo ng kaniyang mga tagapaglingkod, at ang kanilang mga pananamit, gayon din ang kaniyang mga tagahawak ng saro, at ang kanilang mga pananamit; at ang kaniyang sampahan na kaniyang sinasampahan sa bahay ng Panginoon: nawalan siya ng loob.

250
Mga Konsepto ng TaludtodBugtong

At isinaysay ni Salomon sa kaniya ang lahat niyang tanong: at walang bagay na nalingid kay Salomon na hindi niya isinaysay sa kaniya.

254
Mga Konsepto ng TaludtodHangarin, MgaTrono

Purihin ang Panginoon mong Dios, na nalulugod sa iyo, na inilagay ka sa kaniyang luklukan, upang maging hari na ukol sa Panginoon mong Dios: sapagka't minamahal ng iyong Dios ang Israel, upang itatag magpakailan man, kaya't ginawa ka niyang hari sa kanila, upang magsagawa ng kahatulan at ng katuwiran.

260
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoGintoHalamang Gamot at mga Pampalasa

At siya'y nagbigay sa hari ng isang daan at dalawangpung talentong ginto, at mga espesia na totoong sagana, at mga mahalagang bato: ni nagkaroon pa man ng gayong espesia na gaya ng ibinigay ng reina sa Seba sa haring Salomon.

261

At nang makita ng reina sa Seba ang karunungan ni Salomon, at ang bahay na kaniyang itinayo.

262

Mapapalad ang iyong mga tao, at mapapalad itong iyong mga lingkod, na nagsisitayong palagi sa harap mo, at nangakakarinig ng iyong karunungan.

268
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngPiraso, KalahatingKalahati ng mga Bagay-bagayAnimnaraan at Higit Pa

Gayon ma'y hindi ko pinaniwalaan ang kanilang mga salita hanggang sa ako'y dumating, at nakita ng aking mga mata: at, narito, ang kalahati ng kalakhan ng iyong karunungan ay hindi nasaysay sa akin: ikaw ay humigit sa kabantugan na aking narinig.

274

At sinabi niya sa hari, Tunay na balita ang aking narinig sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga gawa, at sa iyong karunungan.

275
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang Apatnapu40 hanggang 50 mga taon

At si Salomon ay naghari sa Jerusalem sa buong Israel na apat na pung taon.

371

At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang, at siya'y nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama: at si Roboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.