Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Samuel 17

2 Samuel Rango:

27
Mga Konsepto ng TaludtodPatyoPagtatago mula sa mga TaoNagsasabi tungkol sa mga Pangyayari

Nguni't nakita sila ng isang bata, at isinaysay kay Absalom: at sila'y kapuwa lumabas na nagmadali, at sila'y nagsiparoon sa bahay ng isang lalake sa Bahurim, na may isang balon sa kaniyang looban; at sila'y nagsilusong doon.

72
Mga Konsepto ng TaludtodTelaTinatakpan ang BibigMga Taong Nagtatago ng mga TaoKahangalan sa Totoo

At ang babae ay kumuha ng isang panakip at inilatag sa bunganga ng balon, at nilagyan ng mga trigo na giniik; at walang bagay na naalaman.

98
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanapIlog, Tawiran ngHindi NatagpuanGrupong Papauwi ng BahayNasaan ang mga Tao?Yaong Naghahanap sa mga Tao

At ang mga bataan ni Absalom ay nagsidating sa babae sa bahay; at kanilang sinabi, Saan nandoon si Ahimaas at si Jonathan? At sinabi ng babae sa kanila, Sila'y tumawid sa batis ng tubig. At nang kanilang mahanap at hindi nila masumpungan ay bumalik sila sa Jerusalem.

162
Mga Konsepto ng TaludtodMag-asawa, Pagtatalik ngMag-asawa, Pagtatalik sa Pagitan ngPinangalanang mga Kapatid na Babae

At inilagay ni Absalom si Amasa sa hukbo na kahalili ni Joab. Si Amasa nga ay anak ng isang lalake na ang pangalan ay Itra, na Israelita, na sumiping kay Abigal na anak na babae ni Naas, na kapatid ni Sarvia, na ina ni Joab.

172
Mga Konsepto ng TaludtodLiwaywayMadaling ArawHanggang sa Pagbubukang Liwayway

Nang magkagayo'y nagsibangon si David, at ang buong bayan na kasama niya, at sila'y tumawid sa Jordan; sa pagbubukang liwayway ay walang naiwan kahit isa sa kanila na hindi tumawid sa Jordan.

177

Nang magkagayon ay naparoon si David sa Mahanaim. At si Absalom ay tumawid sa Jordan, siya at ang lahat na lalake ng Israel na kasama niya.

183

At nangyari, ng si David ay dumating sa Mahanaim, na si Sobi na anak ni Naas na taga Rabba sa mga anak ni Ammon, at si Machir na anak ni Ammiel na taga Lodebar, at si Barzillai na Galaadita na taga Rogelim.

235

At ang Israel at si Absalom ay nagsihantong sa lupain ng Galaad.

247
Mga Konsepto ng TaludtodHarinaPlangganaMunggoSilid-Tulugan

Ay nangagdala ng mga higaan, at mga mangkok, at mga sisidlang lupa, at trigo, at sebada, at harina, at butil na sinangag, at habas, at lentehas, at pagkain na sinangag.

263
Mga Konsepto ng TaludtodTumawid na IlogNagsasabi tungkol sa mga Pangyayari

At nangyari, pagkatapos na sila'y makaalis, na sila'y nagsilabas sa balon, at nagsiyaon at isinaysay sa haring kay David: at kanilang sinabi kay David, Kayo'y magsibangon, at magsitawid na madali sa tubig: sapagka't ganito ang ipinayo ni Achitophel laban sa inyo.

265
Mga Konsepto ng TaludtodBaka, MgaMantikilyaGatasTupaKapaguranKesoPaggawaan ng GatasMayamang PagkainPagod dahil sa PaglalayagPagod

At pulot pukyutan, at mantekilya, at mga tupa, at keso ng baka para kay David, at sa bayan na kasama niya, upang kanin; sapagka't kanilang sinabi, Ang bayan ay gutom, at pagod, at uhaw sa ilang.

342
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang-Pagasa, Larawan ngNakabitinPagasa, Bunga ng KawalangKabahayan, MgaKaparusahan, Legal na Aspeto ngPagpapakamatayLibinganIsinasaayosTauhang Pinauwi ng Bahay, MgaMga Taong BinitayPaghahanda sa PaglalakbaySiyahan ang Asno

At nang makita ni Achitophel na ang kaniyang payo ay hindi sinunod, kaniyang siniyahan ang kaniyang asno, at bumangon, at umuwi siya sa bahay, sa kaniyang bayan at kaniyang inayos ang kaniyang bahay, at nagbigti; at siya'y namatay, at nalibing sa libingan ng kaniyang ama.

412
Mga Konsepto ng TaludtodTagapayo, MgaAng Bilang na Labing DalawaHinahanapLabing Isa hanggang Labing Siyam na Libo

Bukod dito'y sinabi ni Achitophel kay Absalom, Papiliin mo ako ng labing dalawang libong lalake, at ako'y titindig at aking hahabulin si David sa gabing ito:

471
Mga Konsepto ng TaludtodIsrael, Tumatakas angIsang Tao LamangPagpatay na MangyayariPagod dahil sa PaglalayagPagod

At ako'y darating sa kaniya samantalang siya'y pagod at may mahinang kamay, at akin siyang tatakutin: at ang buong bayan na nasa kaniya ay tatakas; at ang hari lamang ang aking sasaktan:

496
Mga Konsepto ng TaludtodPagpasok sa mga SiyudadPanganib

Si Jonathan at si Ahimaas nga ay nagsitigil sa tabi ng Enrogel; at isang alilang babae ang pinaparoon at pinapagsaysay sa kanila; at sila'y nagsiparoon, at isinaysay sa haring kay David: sapagka't sila'y hindi makapakitang pumasok sa bayan.

502
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalik sa mga Tao

At aking ibabalik sa iyo ang buong bayan: ang lalake na iyong inuusig ay parang kung ang lahat ay nagbabalik: sa gayo'y ang buong bayan ay mapapayapa.

505
Mga Konsepto ng TaludtodPayo mula sa DiyosDiyos, Sinaktan sila ngDiyos na HumahadlangDiyos, Atas ngTao, Payo ng

At si Absalom at ang lahat na lalake sa Israel ay nagsipagsabi, Ang payo ni Husai na Arachita ay lalong mabuti kay sa payo ni Achitophel. Sapagka't ipinasiya ng Panginoon na masansala ang mabuting payo ni Achitophel, upang dalhin ng Panginoon ang kasamaan kay Absalom.

506

At ang sabi ay nakalugod na mabuti kay Absalom, at sa lahat ng matanda sa Israel.

523

Nang magkagayo'y sinabi ni Husai kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote. Ganito't ganito ang ipinayo ni Achitophel kay Absalom at sa mga matanda sa Israel; at ganito't ganito ang aking ipinayo.

539
Mga Konsepto ng TaludtodHamogBanal na Espiritu, Paglalarawan saWalang NakaligtasPagpatay na Mangyayari

Sa gayo'y aabutin natin siya sa ibang dako na kasusumpungan natin sa kaniya, at tayo'y babagsak sa kaniya na gaya ng hamog na lumalapag sa lupa: at sa kaniya at sa lahat ng mga lalake na nasa kaniya ay hindi tayo magiiwan kahit isa.

579
Mga Konsepto ng TaludtodKalagitnaan ng EdadOsoPangungulilaMatatapang na LalakeHanda na sa Digmaan

Sinabi ni Husai bukod sa rito, Iyong kilala ang iyong Ama at ang kaniyang mga lalake, na sila'y makapangyarihang lalake at sila'y nagngingitngit sa kanilang mga pagiisip na gaya ng isang oso na ninakawan sa parang ng kaniyang mga anak: at ang iyong ama ay lalaking mangdidigma, at hindi tatahan na kasama ng bayan.

594
Mga Konsepto ng TaludtodIba pang Ipinapatawag

Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom, Tawagin mo naman ngayon si Husai na Arachita, at atin ding dinggin ang kaniyang sasabihin.

596
Mga Konsepto ng TaludtodTakot sa mga Kaaway

At pati ng matapang, na ang puso ay gaya ng puso ng leon, ay lubos na manglulupaypay: sapagka't kilala ng buong Israel na ang iyong ama ay makapangyarihang lalake, at sila na nasa kaniya ay matatapang na lalake.

604
Mga Konsepto ng TaludtodIlog at Sapa, MgaMagdamagTumawid na Ilog

Ngayon nga'y magsugo kang madali, at saysayin kay David, na sabihin, Huwag kang tumigil ng gabing ito sa mga tawiran sa ilang, kundi sa anomang paraan ay tumawid ka: baka ang hari ay mapatay at ang buong bayan na nasa kaniya.

613
Mga Konsepto ng TaludtodBuhanginPagtitipon ng IsraelGumagawa para sa SariliMarami sa Israel

Nguni't aking ipinapayo na ang buong Israel ay mapisan sa iyo, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, na gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat ang dami; at ikaw ay pumaroon sa pagbabaka ng iyong sariling pagkatao.

618

At sinabi ni Husai kay Absalom, Ang payo na ibinigay ni Achitophel ngayon ay hindi mabuti.

632
Mga Konsepto ng TaludtodLubidLungsod na SinasalakayHinihila ang mga BagayItinakuwil na Batong Panulukan

Bukod dito, kung siya'y umurong sa isang bayan, ang buong Israel ay magdadala nga ng mga lubid sa bayang yaon, at ating babatakin sa ilog, hanggang sa walang masumpungan doon kahit isang maliit na bato.

645
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Payo ng

At nang dumating si Husai kay Absalom, ay sinalita ni Absalom sa kaniya, na sinasabi, Nagsalita si Achitophel ng ganitong paraan: atin bang gagawin ang ayon sa kaniyang sabi? Kung hindi, magsalita ka.

649
Mga Konsepto ng TaludtodYungibMga Taong nasa KuwebaPagtatago mula sa mga TaoPagpatay na MangyayariYungib bilang Taguang Lugar

Narito, siya'y nagkukubli ngayon sa isang hukay o sa ibang dako: at mangyayari, na pagka ang ilan sa kanila ay nabuwal sa pasimula, sinomang makarinig ay magsasabi, May patayan sa bayang sumusunod kay Absalom.