Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Samuel 16

2 Samuel Rango:

28
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan

At sinabi ni Absalom kay Husai, Ito ba ang iyong kagandahang loob sa iyong kaibigan? bakit hindi ka sumama sa iyong kaibigan?

58
Mga Konsepto ng TaludtodKasamahanPamimili ng mga TaoMga Taong Inaangkin ang Ibang mga Bagay

At sinabi ni Husai kay Absalom, Hindi; kundi kung sinong piliin ng Panginoon, at ng bayang ito, at ng lahat na lalake sa Israel, doroon ako, at sa kasamahan noon tatahan ako.

139
Mga Konsepto ng TaludtodIlongKasalananIsang LamanAmoyMga Taong Kinamumuhian

At sinabi ni Achitophel kay Absalom, Sipingan mo ang mga babae ng iyong ama, na kaniyang iniwan na magsipagingat ng bahay; at mababalitaan ng buong Israel na ikaw ay makayayamot sa iyong ama: kung magkagayo'y lalakas ang mga kamay ng lahat na nasa iyo.

146
Mga Konsepto ng TaludtodLingkod ng mga tao

At saka, kanino ako maglilingkod? hindi ba sa harap ng kaniyang anak? kung paanong ako'y naglingkod sa harap ng iyong ama, ay magiging gayon ako sa iyong harap.

154
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Panukala ngSinaktan at Pinagtaksilan

At ang payo ni Achitophel, na kaniyang ipinapayo sa mga araw na yaon, ay gaya ng kung ang isang lalake ay nagsisiyasat sa salita ng Dios: gayong lahat ang payo ni Achitophel kay David at gayon din kay Absalom.

178
Mga Konsepto ng TaludtodImmoralidad, Halimbawa ng Sekswal naBubongTolda, MgaBubunganPagkakita sa mga Tao

Sa gayo'y kanilang ipinagladlad si Absalom ng isang tolda sa bubungan ng bahay; at sinipingan ni Absalom ang mga babae ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel.

185

Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom kay Achitophel, Magbigay payo kayo kung ano ang ating gagawin.

401
Mga Konsepto ng TaludtodBungaPagkainPuno ng IgosPasasPagkakatiwalaPaghihintayIsang DaanAng Bilang Dalawang DaanTaginit, Prutas sa

At nang si David ay makaraan sa dako pa noon ng kaunti ng taluktok ng bundok, narito, si Siba na lingkod ni Mephiboseth ay sumalubong sa kaniya, na may handang isang tuwang na asno, at sa ibabaw ng mga yaon ay dalawang daang tinapay, at isang daang kumpol na pasas, at isang daang bunga sa taginit, at isang sisidlang balat ng alak.

447
Mga Konsepto ng TaludtodSinusumpa ang Di-MatuwidPanliligalig

At nang dumarating ang hari sa Bahurim, narito, lumalabas na mula roo'y isang lalake sa angkan ng sangbahayan ni Saul, na ang pangala'y Semei, na anak ni Gera: siya'y lumalabas, at manunumpa habang siya'y lumalabas.

462
Mga Konsepto ng TaludtodTaginitPagsakay sa AsnoTaginit, Prutas saPagod dahil sa Paglalayag

At sinabi ng hari kay Siba, Ano ang iyong ibig sabihin sa mga ito? At sinabi ni Siba, Ang mga asno ay upang sakyan ng sangbahayan ng hari; at ang tinapay at ang bunga sa taginit ay upang mangakain ng mga binata; at ang alak ay upang mainom ng nangapapagod sa ilang.

483
Mga Konsepto ng TaludtodKapaguranMga Taong SumiglaPagod dahil sa Paglalayag

At ang hari at ang buong bayan na nasa kaniya ay nagsidating na pagod; at siya'y nagpahinga roon.

487
Mga Konsepto ng TaludtodMagkapares na mga SalitaSinaktan at Pinagtaksilan

At nangyari, nang si Husai na Arachita, na kaibigan ni David, ay dumating kay Absalom, na sinabi ni Husai kay Absalom, Mabuhay ang hari, mabuhay ang hari.

498
Mga Konsepto ng TaludtodAso, MgaPugutan ng UloKaisipan, Abuso sa

Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai na anak ni Sarvia sa hari, Bakit susumpain nitong asong patay ang aking panginoon na hari? payaunin mo ako, isinasamo ko sa iyo, at pugutin ang kaniyang ulo.

500

At ganito ang sinabi ni Semei nang siya'y nanunumpa, Lumayas ka, lumayas ka, ikaw na lalaking mabagsik, at hamak na lalake:

503
Mga Konsepto ng TaludtodAno ba ang ating Pagkakatulad?Sinusumpa ang Di-MatuwidDiyos, Atas ng

At sinabi ng hari, Anong ipakikialam ko sa inyo, kayong mga anak ni Sarvia? Sapagka't siya'y nanunumpa, at sapagka't sinabi ng Panginoon sa kaniya, Sumpain mo si David, sino nga ang magsasabi, Bakit ka gumawa ng ganyan?

524

At si Absalom at ang buong bayan, na mga lalake ng Israel, ay nagsidating sa Jerusalem at si Achitophel na kasama niya.

530
Mga Konsepto ng TaludtodTinatangkang Patayin AkoSinusumpa ang Di-MatuwidPabayaan mo Sila

At sinabi ni David kay Abisai, at sa lahat niyang mga lingkod, Narito, ang anak ko, na lumabas sa aking tiyan, siyang humahanap ng aking buhay: gaano pa nga kaya ang gagawin ngayon ng Benjamitang ito? bayaan ninyo siya at manumpa siya: sapagka't iniutos ng Panginoon sa kaniya.

551
Mga Konsepto ng TaludtodAbo, Talinghagang Gamit ngDumiItinatapong mga BatoPinupunasan ang AlikabokSinusumpa ang Di-Matuwid

Sa gayo'y nagpatuloy ng lakad si David at ang kaniyang mga lalake: at si Semei ay yumaon sa tagiliran ng bundok sa tapat niya, at sumusumpa habang siya'y yumayaon, at hinahagis ng bato siya, at nananaboy ng alabok.

561
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nakikita ang KahirapanDiyos na Nagsugo ng Kanyang AnakDiyos, Hihingin ng

Marahil ay titingnan ng Panginoon ang kasamaang ginagawa sa akin, at gagawan ako ng mabuti ng Panginoon sa sumpa niya sa akin sa araw na ito.

563
Mga Konsepto ng TaludtodPagkumpiskaPagyukod sa Harapan ni DavidGawing Pag-aari

Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Siba, Narito, iyo ang buong nauukol kay Mephiboseth. At sinabi ni Siba, Ako'y yumuyukod; makasumpong nawa ako ng biyaya sa paningin mo, panginoon ko, Oh hari.

588
Mga Konsepto ng TaludtodGuwardiya, MgaBatuhinItinatapong mga Bato

At kaniyang hinagis ng mga bato si David, at ang lahat ng lingkod ng haring si David: at ang buong bayan, at ang lahat na malalakas na lalake ay nasa kaniyang kanan, at sa kaniyang kaliwa.

615
Mga Konsepto ng TaludtodMga ApoLolo at LolaPagpapanumbalik sa mga TaoSaulo at David

At sinabi ng hari, At nasaan ang anak ng iyong panginoon? At sinabi ni Siba sa hari, Narito, siya'y tumatahan sa Jerusalem; sapagka't kaniyang sinabi, Ngayo'y ibabalik sa akin ang sangbahayan ng Israel, ang kaharian ng aking ama.

623
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Ginawang Dumami ang KasamaanHari ng Israel at Juda, Mga

Ibinalik sa iyo ng Panginoon ang buong dugo ng sangbahayan ni Saul na siya mong hinalinhan ng pagkahari; at ibinigay ng Panginoon ang kaharian sa kamay ni Absalom na iyong anak: at, narito, ikaw ay nasa iyong sariling kasamaan, sapagka't ikaw ay lalaking mabagsik.