Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Samuel 18

2 Samuel Rango:

41
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagpahayagTumatakboDiyos na Nagliligtas mula sa mga KaawayNagsasabi tungkol sa Kalagayan ng mga Tao

Nang magkagayo'y sinabi ni Ahimaas na anak ni Sadoc, Patakbuhin mo ako ngayon, at magdala ng balita sa hari, kung paanong iginanti siya ng Panginoon sa kaniyang kaaway.

87

At sinabi ni Joab sa kaniya, Hindi ka magiging tagapagdala ng balita sa araw na ito: kundi magdadala ka ng balita sa ibang araw: nguni't sa araw na ito ay hindi ka magdadala ng balita, sapagka't ang anak ng hari ay namatay.

103
Mga Konsepto ng TaludtodGumagawang MagisaMabuting Balita

At sumigaw ang bantay, at isinaysay sa hari. At sinabi ng hari, Kung siya'y nagiisa, may balita sa kaniyang bibig. At siya'y nagpatuloy at lumapit.

140
Mga Konsepto ng TaludtodTumatakbo ng may Balita

Nang magkagayo'y sinabi ni Joab sa Cusita, Yumaon ka na saysayin mo sa hari kung ano ang iyong nakita. At ang Cusita ay yumukod kay Joab, at tumakbo.

191
Mga Konsepto ng TaludtodLampasan ng Takbo

Nguni't sa anomang kahinatnan, ako'y tatakbo. At sinabi niya sa kaniya, Tumakbo ka. Nang magkagayo'y tumakbo si Ahimaas sa daan ng kapatagan, at inunahan ang Cusita.

244
Mga Konsepto ng TaludtodMabuting mga BalitaTumatakbo ng may BalitaMabuting Balita

At sinabi ng bantay, Inaakala ko na ang takbo ng una ay gaya ng takbo ni Ahimaas na anak ni Sadoc. At sinabi ng hari, Siya'y mabuting lalake at napariritong may mabuting balita.

254
Mga Konsepto ng TaludtodKalituhanPangangalagaPaglilingkod sa Lipunan

At sinabi ng hari, Ligtas ba ang binatang si Absalom? At sumagot si Ahimaas. Nang suguin ni Joab, ang lingkod ng hari, sa makatuwid baga'y ako na iyong lingkod, ako'y nakakita ng isang malaking pagkakagulo, nguni't hindi ko nalalaman kung ano.

260
Mga Konsepto ng TaludtodDavid, Katangian niUmiiyakMga Bata, Pangangailangan ngKawalang-Pagasa, Sanhi ngPangungulila, Karanasan ngPakikipagniigPagiisaPagtangisPanghihinayangHagdananPaghihirap, Lagay ng Damdamin saPagtangisMga Bata, Pagmamahal ng Magulang saMagkapares na mga SalitaHangarin na MamatayTaas na SilidTinatangisan ang Kamatayan ng IbaPagmamahal sa mga Bata

At ang hari ay nagulumihanan, at sumampa sa silid na nasa ibabaw ng pintuang bayan, at umiyak: at habang siya'y yumayaon, ganito ang sinasabi niya, Oh anak kong Absalom, anak ko, anak kong Absalom! Mano nawa'y ako ang namatay na kahalili mo, Oh Absalom, anak ko, anak ko!

272
Mga Konsepto ng TaludtodDamdamin, Uri ng mgaGaya ng mga Masasamang Tao

At sinabi ng hari sa Cusita, Ligtas ba ang binatang si Absalom? At sumagot ang Cusita, Ang mga kaaway ng aking panginoon na hari, at yaong lahat na nagsibangon laban sa iyo upang gawan ka ng masama ay maging gaya nawa ng binatang yaon.

283
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodPagbatiDiyos, Ipinaubaya ngPagyukod sa Harapan ni David

At tumawag si Ahimaas at nagsabi sa hari, Lahat ay mabuti. At siya'y nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari, at nagsabi, Purihin ang Panginoon mong Dios, na nagbigay ng mga lalaking nagsipagtaas ng kanilang kamay laban sa aking panginoon na hari.

309
Mga Konsepto ng TaludtodPag-ebanghelyo, Katangian ngDiyos na Nagliligtas mula sa mga Kaaway

At, narito, ang Cusita ay dumating; at sinabi ng Cusita, Balita sa aking panginoon na hari: sapagka't iginanti ka ng Panginoon sa araw na ito doon sa lahat na nagsibangon laban sa iyo.

313

Nang magkagayo'y nagsabi pa uli si Ahimaas na anak ni Sadoc kay Joab, Nguni't sa anomang kahinatnan, isinasamo ko sa iyo, na ako naman ay iyong patakbuhin na kasunod ng Cusita. At sinabi ni Joab, Bakit tatakbo ka, anak ko, dangang wala kang mapapala ng dahil sa balita?

411
Mga Konsepto ng TaludtodBubongPader, MgaBubunganNauupo sa PasukanTumatakbo ng may BalitaMga Taong Nakaupo

Si David nga ay nakaupo sa pagitan ng dalawang pintuang-bayan: at ang bantay ay sumampa sa ibabaw ng pintuang-bayan, sa kuta, at itinanaw ang kaniyang mga mata, at tumingin, at narito, isang lalake ay tumatakbong nagiisa.

418
Mga Konsepto ng TaludtodBinibilang na mga Sundalo

At binilang ni David ang bayan na kasama niya, at naglagay ng mga puno ng mga libolibo, at puno ng mga daandaan sa kanila.

448
Mga Konsepto ng TaludtodPiraso, Isang IkatloMagkasamang NakikipaglabanHinati sa Tatlong Bahagi

At pinayaon ni David ang bayan, ang isang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Joab, at ang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Abisai na anak ni Sarvia, na kapatid ni Joab, at ang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Ittai na Getheo. At sinabi ng hari sa bayan, Walang pagsalang ako'y lalabas na kasama ninyo.

457
Mga Konsepto ng TaludtodMolaLikodTinatakpan ang UloPagsakay sa MolaBuhokBuhol-buhol na Buhok

At nakasagupa ni Absalom ang mga lingkod ni David. At si Absalom ay nakasakay sa kaniyang mula, at ang mula ay nagdaan sa ilalim ng mayabong na mga sanga ng isang malaking ensina, at ang kaniyang ulo ay nasabit sa ensina, at siya'y nabitin; at ang mula na nasa ilalim niya ay nagpatuloy.

460
Mga Konsepto ng TaludtodMagulang, Pagmamahal ngMagaang PakikitungoAng Utos ng Hari

At ang hari ay nagutos kay Joab at kay Abisai, at kay Ittai, na nagsasabi, Inyong gamitan ng kaawaan, alangalang sa akin, ang binata, sa makatuwid baga'y si Absalom. At narinig ng buong bayan nang ipagbilin ng hari sa lahat ng punong kawal ang tungkol kay Absalom.

472
Mga Konsepto ng TaludtodLikhang-Sining, Uri ngPahinanteGumagawang MagisaTumatakbo ng may BalitaMabuting Balita

At ang bantay ay nakakita ng ibang lalake na tumatakbo at tinawag ng bantay ang tanod-pinto, at sinabi, Narito, may ibang lalake na tumatakbong nagiisa. At sinabi ng hari, Siya'y may dala ring balita.

493
Mga Konsepto ng TaludtodHaligi, MgaMakamundong Hangarin, Halimbawa ngBantayog, MgaMga Taong Nagbibigay Pangalan sa mga Bagay

Si Absalom nga sa kaniyang kabuhayan ay nagpasiya at nagtayo sa ganang kaniya ng haligi, na pinaka alaala, na nasa libis ng hari: sapagka't kaniyang sinasabi, Wala akong anak na magiingat ng alaala ng aking pangalan: at kaniyang tinawag ang haligi ng ayon sa kaniyang sariling pangalan: at tinawag na monumento ni Absalom, hanggang sa araw na ito.

512

Sa gayo'y lumabas ang bayan sa parang laban sa Israel; at ang pagbabaka ay nasa gubat ng Ephraim.

525
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapahalagaSampu-sampung LiboMga Taong TumutulongKalahati ng mga GrupoDakilang mga TaoHalaga

Nguni't sinabi ng bayan, Huwag kang lalabas: sapagka't kung kami man ay tumakas, ay hindi nila kami aalumanahin, o kung ang kalahati man namin ay mamatay, ay hindi nila kami aalumanahin: nguni't ikaw ay may halagang sangpung libo sa amin: kaya't ngayo'y lalong maigi na ikaw ay maghanda na iyong saklolohan kami mula sa bayan.

543
Mga Konsepto ng TaludtodHukay, MgaKagantihanIsrael, Tumatakas angMga Panandang BatoMga Butas sa Lupa

At kanilang kinuha si Absalom at inihagis nila siya sa malaking hukay sa gubat, at tinabunan siya ng isang malaking bunton ng bato: at ang buong Israel ay tumakas bawa't isa sa kaniyang tolda.

549
Mga Konsepto ng TaludtodPagpaslang, Nagtagumpay naPuso ng TaoSibat, MgaBinubutasanTatlong Iba pang Bagay

Nang magkagayo'y sinabi ni Joab, Hindi ako makatitigil ng ganito sa iyo. At siya'y kumuha ng tatlong pana sa kaniyang kamay at pinalagpas sa puso ni Absalom, samantalang siya'y buhay pa sa gitna ng ensina.

555
Mga Konsepto ng TaludtodNakatayo sa Pasukan

At sinabi ng hari sa kanila, Kung ano ang inaakala ninyong mabuti ay aking gagawin. At ang hari ay tumayo sa tabi ng pintuang-bayan, at ang buong bayan ay lumabas na daan daan at libolibo.

577
Mga Konsepto ng TaludtodBalutiSinturonKalasag, Sanggalang naMga Taong Nagbibigay ng Damit

At sinabi ni Joab sa lalaking nagsaysay sa kaniya, At, narito, iyong nakita, at bakit hindi mo sinaktan doon sa lupa? at nabigyan sana kita ng sangpung putol na pilak, at isang pamigkis.

602
Mga Konsepto ng TaludtodPandarayaPagawan ng SinsilyoAng Utos ng Hari

At sinabi ng lalake kay Joab, Bagaman ako'y tatanggap ng isang libong putol na pilak sa aking kamay, gayon ma'y hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa anak ng hari: sapagka't sa aming pakinig ay ibinilin ng hari sa iyo, at kay Abisai, at kay Ittai, na sinabi, Ingatan ninyo na huwag galawin ninoman ang binatang si Absalom.

627
Mga Konsepto ng TaludtodBagay na Nahayag, MgaHindi Tapat

Sa ibang paraan, kung ako'y gumawa ng paglililo laban sa kaniyang buhay (at walang bagay na makukubli sa hari,) ikaw man sa iyong sarili ay mananayong laban sa akin.

641
Mga Konsepto ng TaludtodNagsasabi tungkol sa Kalagayan ng mga Tao

At nakita siya ng isang lalake at isinaysay kay Joab, at sinabi, Narito, aking nakita si Absalom na nakabitin sa isang ensina.

658
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpeta para sa Paghinto ng Labanan

At hinipan ni Joab ang pakakak, at ang bayan ay bumalik na mula sa paghabol sa Israel: sapagka't pinigil ni Joab ang bayan.

667
Mga Konsepto ng TaludtodDalawangpung Libo at Higit PaPagpatay sa mga IsraelitaPagkatalo ng Bayan ng Diyos

At ang bayan ng Israel ay nasaktan doon sa harap ng mga lingkod ni David, at nagkaroon ng malaking patayan doon sa araw na yaon, na may dalawang pung libong lalake.

673
Mga Konsepto ng TaludtodSampung Tao

At sangpung bataan na tagadala ng sandata ni Joab ay kumubkob at sinaktan si Absalom, at pinatay siya.

675
Mga Konsepto ng TaludtodLabanan

Sapagka't doon ang pagbabaka ay nakalat sa ibabaw ng buong lupain: at ang gubat ay lumamon ng higit na bayan sa araw na yaon kay sa nilamon ng tabak.

686
Mga Konsepto ng TaludtodHindi GumagalawPagdating sa Kapahingahan

At sinabi ng hari, Pumihit ka, at tumayo ka rito. At siya'y pumihit at tumayo.